Chapter 8

1.8K 52 12
                                    

Chapter 8: Pain

Mary POV

Kasalukuyan akong nag iisa sa aming dorm. Madilim na ngunit wala pa sila. Nagpaalam sila saakin na pupunta ng library upang magresearch ng pinagawa saamin ni Ma'am Espino.

Lumabas ako ng dorm upang magpahangin. Ang sarap ng simoy ng hangin.

Papasok na sana ako ng dorm ng may nakita akong isang nakamaskara na pinagmamasdan ako mula sa malayo.

Nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya, agad siyang nagtago sa isang puno. Lumapit ako sa punong pinagtaguan niya at laking gulat ko ng bigla niya akong sipain sa aking mukha. Napasigaw ako sa lakas ng kanyang sipa.

"How dare you!" sigaw ko sa kanya.

Humalakhak siya ng pagkalakas lakas at nakakakilabot ito.

Tumayo ako at ginantihan ko sya. Sinipa ko rin sya sa kanyang mukha dahilan upang bumagsak din sya.

"How dare me?" nakangisi at sarkastikong sabi ko sakanya.

Tumayo ito at diretsong nakatingin saakin. Pilit ko syang kinikilala ngunit tinatago ng kanyang maskara ang tunay niyang mukha. Napansin kong ngumisi siya saakin.

"Palaban ka, Mary Jeon. Hindi pa ito ang huling paghaharap natin." malamig na sabi niya.

Nakakakilabot ang mga sinasabi niya ngunit hindi iyon sapat upang matakot ako sa kanya.

Sino ba siya?

Hindi ko na inisip pa ang pangyayaring iyon at bumalik na sa dorm. Maya maya rin ay dumating na rin ang mga kaibigan ko. Halatang napagod sila dahil humiga agad sila at natulog. Sumunod na rin ako sa higaan at ipinikit na ang aking mga mata.

Kinabukasan

"Oh! Mary.. ang aga mo naman dito." bungad saakin ni Kiel at umupo na sya sa table nya.

Maaga akong nagtungo dito sa SSG Office. Wala ako sa mood para hintayin pa si Abe. Hanggang ngayon ata ay tulog pa yun.

"Tss. Nabalitaan kong sinungitan mo si Hanna." sabi ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"What? Who's Hanna?" takang tanong niya.

"Yung kaibigan namin ni Abe na hinahanap kami dito kahapon." paliwanag ko sa kanya.

"Ahh.. That stupid girl? Yeah because she's so annoying." sabi niya at muling humarap sa table niya.

Nakakatuwa lang na parang tama si Abe. Nakikita ko rin kahapon na may gusto nga si Hanna kay Kiel.

Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa mga ginagawa ko. Dumating na rin sila Abe dito pati na rin si Monica.

"Tara na Mary, pasok na tayo." anyaya saakin ni Abe at agad ko namang inayos ang mga gamit ko.

"Mauna na kami, Monica at Kiel." paalam niya naman sa dalawa at tinanguan lamang siya nito.

Palapit pa lang kami saaming silid ng matanaw namin ang mga nagkakaguluhang estudyante doon at ang iba'y nag iiyakan.

Anong nangyari?

Jhonilyn POV

Medyo maaga pa ng magyaya na si Hanna at Pauline na pumunta ng room. Wala naman na akong nagawa dahil ayaw ko namang magpa iwan.

Naglalakad na kami papunta ng room na makita namin ang ibang kaklase namin na umiiyak at naroon rin ang lady guard ng eskuwelahang ito.

Nakipagsiksikan kami upang makita ang nangyayari.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon