Chapter 17

1.2K 35 1
                                    

Chapter 17: Mr. and Ms. L.I.V.E University Part 3

Jhonilyn POV

Nanahimik ang lahat ng tao ng iabot ang resulta ng contest.

"Mr. L.U will be awarded by the reigning, Mr. L.U Mr. Skyler and by the SSG President, Ms. Abegail Kim."

"Ms. L.U will be awarded by the SSG Vice President Monica Melendrez and reigning Ms. L.U first runner up, Ms. Arie Buenavista." sabi ng emcee at nanatiling tahimik ang mga audience.

"Nasaan yung nanalong Ms. L.U? Bakit first runner up?" Bulong ni Mary saamin ni Pauline.

Sabay kaming nagkibit balikat ni Pauline at muling itinuon ang paningin sa stage.

"For our Mr. and Ms. L.I.V.E University Second Runner Up.. Lets give a clap of applause to.. "

Drum roll

"Mr. Vince Jimenez and Ms. Gabe Juaniza!" Sigaw ng emcee at muling nag ingay ang mga tao.

"For our Mr. and Ms. L.I.V.E University First Runner up.. Let's give a clap of applause to.. "

Drum Roll

"Mr. Alexander Carl Ezekiel Madrid and Ms. Mira Livingstone. "

Muling naghiyawan ang mga tao. Mas malakas kesa kanina.

"And.. Our Mr. and Ms. L.I.V.E University 2017 are.. "

Drum Roll

"Mr. Hiro Kent Lazaro and.. "

"Ms. Hanna Park."

Iniwardan na ang mga nanalo at patuloy ang hiyawan at palakpakan  ng mga tao. Umakyat na rin kami ng stage upang icongratulate ang mga nanalo.

Kasama ko sila Pauline at Mary at nandoon na rin Abe dahil sya ang nag award sa Mr. L.U

Pauline POV

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. At nag uusap usap kami tungkol sa celebration dahil sa pagkapanalo ni Hanna.

"OMG! Congratulations Hanna!! Ang galing. Worth it yung pinractice mo" sabi sa kanya ni Abe.

"Thank you guys ah."

"Pero yung sagot mo kanina eh. Ano daw? Love is undefined unless SOMEONE came along.. " natatawang sambit ni Abe at inirapan lang sya ni Hanna.

"Wait lang guys. CR lang ako" paalam ko sa kanila.

Bago ako umalis ay nagsilapitan ang iba naming kaklase kay Hanna.

"Congrats Hanna!!" Sabi ni Kimberly at lumapit din sa kanila si Mira at Gabe.

Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil tuluyan na akong nakalayo.

Matagal ako nag stay sa cr dahil nag ayos pa ako. Paglabas ko ng cr ay biglang may humila saakin. Ipinulupot nya ang kanyang braso sa aking leeg habang may hawak itong kutsilyo.

"Makulit ka talaga, Pauline. Binalaan na kita na wag mangielam pero ano? Patuloy mo paring inaalam kung sino ako. " bulong nya saakin at lalong inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga.

"Isa nalang. Inuubos mo ang pasensya ko. Isa pang hanap mo saakin, makakaharap mo na ang tunay na ako. Mamamatay ka Pauline Shin, tandaan mo yan." Madiing sabi nya saakin at tuluyan ng kinalas ang pagkakapulupot na braso nya sa aking leeg.

Isa pa. Inuubos mo ang pasensya ko. Isa pang hanap mo saakin, makakaharap mo na ang tunay na ako

Dapat ko na bang sabihin ito sa mga kaibigan ko?

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon