Chapter 4

2.9K 67 6
                                    

Chapter 4: First Death

Hanna POV

"Aaaaahhh!!!! "

Napalingon kami sa pagsigaw ni Hazel na syang nagbukas ng aming silid.

Anong nangyayari?

Lahat ng reaksyon nila ay gulat na gulat at ang iba ay nagsi iyakan na.

Pumunta ako sa pinagkakaguluhan nila upang makita kung ano ang nagaganap.
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

Ang pangulo ng aming silid na si Gabriel na walang buhay at may nakataling tangkay na puno ng tinik sa kanyang leeg.

Hindi ko maiwasang maawa at malungkot.

"Anong nangyari?" umiiyak na tanong ni Hazel.

"Kumalma ka lang Hazel" pagtatahan sa kanya ni Bea.

Bakit may ganto? Bakit pinatay si Gab? Anong ginawa ni Gab at

Sino ang pumatay?

"Creepy" bulong saakin ni Pauline habang umiiling iling pa at halatang naaawa rin.

"Kawawa naman si Gab" sabi naman ni Abe.

Lahat ng kaklase ko ay nagsisi iyakan. Naaawa at natatakot sa nangyari. Kahit ako ay natatakot. Lahat kami.

Matapos ilabas ang bangkay ni Gab ay nilinisan na ang silid namin. Pumasok na kami at hindi parin tumitigil ang iba sa pag iyak.

"Condolence Class and to the family of Mr. Pascasio. Rest in Peace to Gabriel Pascasio". malungkot na sabi ng aming guro sa Math.

"SINO ANG HAYOP NA PUMATAY KAY GAB?!! " umiiyak na sumigaw si Zedrick sa klase.

Matalik na kaibigan ni Zedrick si Gab. Hindi talaga maiiwasang magalit sya. Kahit ako, kapag may sino mang manakit sa mga kaibigan ko ay magagalit ako.

Pinakalma sya ng mga lalaki sa room. Galit na galit sya at tila magwawala na. Lumabas muna ang aming guro sa silid upang makibalita.

Maya maya pa'y may isang estudyanteng pumasok ng aming silid.

"Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaklase nyo". sabi nito habang hinihingal pa.

Napatingin kaming lahat sakanya. Natahimik ang buong klase.

"SINO?!!" matigas na tanong ni Zedrick.

"Si Ma'am Espino" mahinang sagot ng estudyante.

"Sino ka? At paano ka nakakasigurado sa sinasabi mo" tanong naman ni Hazel.

"Ako si Andrei. Dyan lang ako sa kabilang silid. Sigurado ako sa mga sinasabi ko".

Wala ng nakapag salita saamin. Hindi kami makapaniwalang magagawa yun ni Ma'am Espino

Andrei POV

"Tara uwi na tayo, drei" anyaya saakin ni Dein.

"Mauna na kayo, may gagawin pa ako".

Wala na silang nagawa. Umalis na sila at umuwi.

May pinapagawa kasi ang teacher namin sa AP saakin at kailangan ko na itong maipasa bukas. Ayokong gawin ito sa bahay dahil matetempt nanaman ako ng computer.

Matapos kong gawin ang ginagawa ko ay lumabas na ako ng aming silid at nilock ito.

*toot*

May nagtext

Mama: Nasaan ka na? Umuwi ka na..

Hindi ko nalang ito pinansin at binalik sa bulsa ko ang cellphone.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon