Chapter 51: Robigael Argyle
Pauline POV
"Kawawa naman sila."
"Sino ba ang may gawa niyan?"
"Hindi tama ito."Paulit ulit ko ng narinig ang mga linyang iyan. Ilang beses ko pa ba iyan maririnig at hanggang kailan? Kapag wala ng natira saamin?
"Clyde Dimalanta and Zedrick Danifabio." Dinig kong sabi ni LG Faye sa nag iimbestiga sa nangyaring insidente.
12
Iyan na ang bilang ng mga namatay sa aming klase. Kung isasama ang aming guro ay 13 na. Kailangan ko ng kumilos ng sobrang bilis.
Takot na akong may mamatay muli kaya pagsisikapan kong buong araw maghanap ng impormasyon.
"Iniisip mo ba ako?"
Lumingon ako sa seryosong lalaking nakatayo sa aking likuran. Si Van.
"May namatay, malamang mag iisip ako ng ganito." Mahinahong sagot ko sakanya. Nakita ko naman syang ngumiti.
"So iniisip mo yung namatay?" Tanong niya habang nakangiti parin. Tumango ako bilang sagot.
"Edi sana mamatay na lang din ak---""What are you talking about?" Pagpigil ko sa sasabihin niya. Nagseselos ba sya?
"Tss." Nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan nanaman ang napakaseryosong mukha.
"Classmate ko sila. Ayaw ko ng may mamatay. Kailangan ko ng gumawa ng paraan." Paliwanag ko sa kanya. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko syang lumingon saakin.
"Kung magpapatulong ka kay LG Faye. Sasama ako." Sabi niya at ako naman ang napatingin sa kanya.
Nginitian ko sya at tumango.
Ilang gabi na kitang iniisip. Hindi lang ang patayan ang nakakapagpabagabag sa akin kundi pati ikaw, Van.
Muli syang ngumiti saakin at dahan dahang hinawakan ang aking kamay marahil ay natatakot na syang bigla ko nanaman itong hilahin.
Hinayaan ko syang hawakan ang aking kamay at muling tumingin sa mga taong nag iiyakan.
Totoo na ito, kasama ang isang Giovanni De Cervantes...
Tutulungan ko kayong lahat
Sky POV
"Bakit ka ba umiiyak?" Naiiritang tanong ko kay Danica. Iyak sya ng iyak ng makita ang mga bangkay.
Kaklase nanaman ni Donna ang namatay. Nawalan na ako ng ganang malaman kung sino ba talaga ang pumapatay na iyon.
"Nakakatakot kaya! Look Sky, bangkay yun! Bangkay! And worse, puno sila ng dugo and mukhang tinorture." Umiiyak paring sagot niya saakin.
Punas sya ng punas sa kanyang mga mata. Sobrang pula niya na rin dahil sa kanyang pag iyak.
Napangiti ako sa aking naisip.
"Wait lang. Maghihilamos ako." Paalam niya at pumasok ng cr.
Nandito kami ngayon sa dorm ni Robi. Tinignan ko si Robi na nakasandal sa lamesa at parang hindi interesado sa pagdating ni Danica. Lumapit sya saakin at naupo.
"Do you like her?" Tanong niya na ikinabigla ko. Ngunit agad din akong napangiti sa kanyang tanong.
"Sa mga ngitian mong iyan, parang pag ibig na yan." Sabi niya at sya naman ang ngumiti ngayon.
"No." Mabilis na sagot ko. Agad syang tumingin saakin at ang kanyang simpleng ngiti ay napalitan ng nakakalokong ngiti.
"Pag ibig? Donna na yata ang description ko sa salitang pag ibig." Panimula ko. Muli syang nag iwas ng tingin at sumandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...