Epilogue

2.1K 28 29
                                    


Abegail POV

Wala mang sapat na lakas ng loob ay pinagpatuloy namin ang pagsugod upang iligtas ang kaibigan namin. Tinanggihan kami ni LG Faye dahil natatakot na daw siyang makialam. Nasabi niya ring napatay niya ang isa sa mga kaklase naming si Robigael na pinsan pala ni Pauline.

"Dito yung building na yun. Simulan na natin ang paghahanap." Sabi ni Chord na nakahawak pa sa kamay ni Mary. Nagsitanguan lang kami at inisa isa ang mga silid. Wala naman kaming nadadatnan sa bawat silid na sinisilip namin.

Nang malibot namin ang buong building ay naupo kami sa isang tabi malapit sa pinakadulong silid. Pagod na pagod kami sa paghahanap at tila nawawalan ng pag asa.

"Paano na yan?" Tanong ni Hanna sa malungkot na tinig. Napabuntong hininga na lang ako at ganoon din si Mary. Hinawakan ni Hiro ang aking balikat.

"Napagod ka ba?" Tanong niya saakin. Nginitian ko siya at tumango. Tuluyan naman siyang naupo saaking tabi.

"Hahahahahahaha!"

Napatayo kami ng makarinig ng naghahalakhakan. Mula ito sa pinakadulong silid. Medyo hiwalay ito sa building na ito kaya hindi namin ito sinilip. Nagtinginan kami at dahan dahan kaming humakbang upang magtungo sa silid na iyon. Ang halakhak na iyon, napakapamilyar. Alam kong ang mga demonyong kaklase namin iyon. Anong ginawa nila kay Pauline at Van?

Nakita naming nakabukas ng kauti ang pintuan. Napatakip ako ng bibig ang makita ang nasa loob. Nangilid ang aking luha. Nagsisilip narin ang aking mga kasama at ganoon din ang kanilang reaksyon.

"Oh my God." Umiiyak na sabi ni Hanna. Nakita ko namang halos maiyak narin ang mga lalaki.

Laking gulat ko ng itulak ni Mary ang pintuan. Napakatalim ng kanyang tingin. Lumapit saamin sila Mira, Jhoni, at Joseph na may ngisi.

"Nandito kayo? Kanina pa?" Tanong ni Mira habang nakangisi. Lalong tumalim ang tingin sa kanya ni Mary. Narinig ko namang humagulgol na si Hanna sa likuran ko.

"Mga hayop kayo... " nanggigigil na sabi ni Mary sa kanila. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Hinawakan siya ni Chord sa braso upang pakalmahin ngunit hinila niya ito at sinugod si Mira.

Hindi namin alam ang gagawin ng makita namin kung paano niya sakalin si Mira. Hindi ito makahinga dahil sa kanyang ginagawa. Halos hindi ko na makilala si Mary sa kanyang kinikilos. Alam kong galit sya dahil sa ginawa nilang pagpatay sa kaibigan namin.

Nanlaki ang aming mata ng makita naming dumukot ng kutsilyo si Jhoni at palapit sa direksyon nila Mary. Naalerto si Chord ng makita ito. Agad niyang napigilan ang pagsaksak ni Jhoni. Madiin niyang hinawakan ang braso ni Jhoni. Hinarap naman ni Hiro si Joseph na isa ding taksil. Nakaramdam na ako ng takot ngunit sa oras na ito, walang magagawa ang takot.

"I-im scared." Umiiyak na sabi ni Hanna habang nakayakap kay Kiel.

"Kiel. Ilayo mo si Hanna dito." Utos ko sakanya.

"How about you, guys?" Tanong niya na may halong pag aalala.

"Don't mind us. Kami na ang bahala dito. Alalahanin mo si Hanna. Natatakot sya at ilayo mo sya." Sabi ko sa kanya na agad niyang sinunod. Hindi na rin nakatanggi si Hanna dahil sa labis na takot.

Muli akong bumaling sa kanila. Nakita kong bugbog sarado na si Mira. Ibang klase talaga si Mary kung magalit. Nagiging mabagsik.

Halos mapaluhod ako ng ituon ko ang aking atensyon kay Hiro. Duguan na ito at ganoon din si Joseph. Agad akong nagtungo sa kanya. Naka upo siya sa sahig habang nakatayo si Joseph na ngising ngisi. Malakas kong siyang itinulak palayo kay Hiro.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon