Chapter 20: War
Mary POV
"Waaahh!! Oh my gosh! Grabe. Ang saya ko! Congrats saatin ah?" Tuwang tuwang sabi ni Mira at nagtatatalon pa.
Binigay na ang rank namin kanina. What's the sense of it? May susunod pa bang rank?
Nanguguna si Pauline sa klase namin at pumangalawa naman si Mira. Sa bagay, parehas nilang deserve dahil matalino talaga sila.
"Oo nga, Mira! Masaya rin ako ngayon." Sagot ni Pauline kay Mira na tuwang tuwa parin hanggang ngayon.
Dumaan ang araw na wala parin talagang nagbago. Walang teachers and syempre walang lessons. Nadagdagan ang mga kaibigan namin ng dahil kay Gabe, Mira, Joshua, at Kimberly. Isama na rin natin si Kiel kahit labag sa kalooban ni Hanna.
Dahil walang teachers. Nagseself lesson na lamang kami sa aming dorm. Hindi na kami pumapasok saaming silid. Bumibisita nalang ang iba pa naming mga kaibigan doon. Bakit pa nga ba kami papasok sa aming silid? Kung puro demonyo lang ang aming makakasalamuha?
Yes. They are demon for me. Ang mga kaibigan ko lang ang itinuturing kong kaklase. Hindi ko sila kailanman ituturing na kaklase dahil sa mga ugali nila.
Anong ginagawa nila ngayon? Wala. Wala silang ginagawa. Masaya sila na wala ang aming guro. Hindi man lang sila makaramdam ng pag aalala. Estudyante pa ba ang tawag sakanila? Hindi na. Hindi na sila mga normal na estudyante.
"Gabe. Nabasa mo na yung sa Science?" Tanong ni Abe kay Gabe.
"Yes. Why?" Sabi naman niya.
"Pahiram libro. Di ko mahanap yung akin. Thanks." Sabi ni Abe kay Gabe at iniabot naman sa kanya ito.
Tinignan ko ang librong hawak ko.
Bio.
Tss. Ma'am Espino. Ikaw nga ba talaga ang pumapatay? O baka naman. Naging biktima ka narin?
"Mira... Pls!! Gusto ko syang maging kaibigan."
"Ano ka ba Abe. Di naman kami gaanong close nun. Saka di yun friendly." Sagot ni Mira kay Abe.
Ano ba ang pinag uusapan nila.
"Wag na Abe. Di ka magugustuhan nun." Sabi ni Jhoni dahilan upang matawa ang lahat.
"Ouch ah! Harsh? Sa ganda kong ito? Imposibleng hindi sya magkagusto saakin." Sabi naman sa kanya ni Abe at binasa na ulit ang libro.
Si Hiro ba ang sinasabi nila? Bakit ba pumapag ibig na sila? Tss.
Abegail POV
Ang harsh nila saakin.
Akala ko ba kaibigan ko sila? E dapat sinusupport nila ako.
Matapos kong magbasa ay lumabas ako upang mapag isa. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyayari saamin. Sa aming silid.
Nagtungo ako ng aming silid at nakita ang aking mga kaklase na nagtatawanan.
"O ano? Buhay ka pa?" Sigaw ng kaklase naming si Gent at nagtawanan ang aking mga kaklase.
"Pwede ba? Wag nyo nga syang pagtripan? Bakit mo sya tinulak ha?" Sagot sakanya ni Zorene. Galit na galit.
"Trip ko, bakit?" Muling sagot ni Gent at sinipa pa ang kaawa awang si Sebastian na nasa lapag.
"Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa kaibigan ko." Galit na sabi ni Zorene sa kanila na nagdulot ng katahimikan sa buong silid.
Tinulungan nyang makatayo si Sebastian at umupo sila sa kanilang pwesto.
Kumatok ako at pumasok ng aming silid. Lahat sila ay nakatingin saakin. Nakatingin ng masama.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...