Chapter 9

1.7K 45 17
                                    

Chapter 9: Witness

Hanna POV

Kasalukuyan kaming nasa harap ng garden habang pinagmamasdan ang kaawa awang bangkay ni Donna.

"What's happening here?" napatingin ako sa kararating lang na si Mary kasama si Abe.

Kitang kita sa kanilang mga mata ang labis na gulat at takot ng makita ang bangkay.

"Who the hell killed her?" gulat na tanong muli ni Mary.

"The mysterious killer.. I think?" sabi ni Pauline at nagkibit balikat pa.

"Donna!!"

Lahat ay napalingon sa lalaking isa isang hinahawi ang mga estudyanteng nakaharang.

Nang magsitabi ang mga estudyante ay agad na tumakbo ito patungo sa bangkay ni Donna.
"Sweetie! Pls wake up for me." Nagmamaka awang sambit nito sa bangkay.

Maya maya pa'y dumating ang isang ambulansya at mula doon ay lumabas ang tatlong nurse upang dalhin ang bangkay ng namatay.

"No! Bring back my girlfriend!! Sabihin niyo saaking buhay pa sya!" sigaw nito sa mga guard ngunit pinapakalma lamang sya nito.

"Dalhin niyo na po ang bangkay." mahinahong sabi ni Ladyguard Faye.

Wala ng nagawa ang lalaki at hinayaan niya nalang na kunin ang bangkay ng babaeng mahal niya.

Nang madala na ang bangkay ay pumasok na kami sa aming silid at napuno nanaman ng iyakan sa kabuuan nito.

"Bakit niya pinatay si Donna? Wala ba syang awa?" sabi ni Kimfaye na mugto na ang mata.

"Maybe it was my fault" malungkot na sabi ni Robi at lahat ay napatingin sa kanya.

"Nevermind." muling sabi niya.

"Sa tingin niyo ba si Ma'am Espino nga talaga ang pumapatay?" tanong naman ni Mira dahilan upang mapa isip ang lahat.

"Sino pa ba Mira?! Napahiya sya sa klase kahapon! Dahil iyon kay Donna. Of course nagalit sya. Isn't it obvious?" galit na galit na sigaw ni Kimfaye.

May namatay nanaman

Ayokong mag isip ng masama ngunit hindi ko mapigilan. Pinaglalaruan niya kami. Isa isa niya na kaming pinapatay. Hindi na ako magugulat na isang araw ay wala na ako sa mundong ito.

Muling napuno ng katahimikan ang aming silid ngunit sa gitna ng katahimikan ay pumasok sa aming silid ang lalaking umiiyak sa bangkay ni Donna kanina.

"Good morning.. or I should say BAD morning." bati nito saamin at pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang mata.

"Uhmm.. Ako si Sky. Im Donna's boyfriend. I did not expect na mangyayari ito. Mahal ko si Donna and I love her more than anything, more than anyone. She's the only girl I have because my mother already died when I was 2 years old." mahabang sabi nito at umiyak na ng tuluyan.

"Kung sino man ang pumatay sa girlfriend ko.. sinusumpa ko sya! I know na karamay ko kayo dahil classmate niyo sya. Bukas na bukas rin ang burol niya. You can go, if you want. Pwede kayong dumalaw kung tunay nga kayong nagluluksa. Yun lang, salamat." sabi pa nito at lumabas na ng aming silid.

Nang tuluyan na syang makalabas ay muling nanumbalik ang iyakan sa aming silid.

Kaawa awang Donna.

Third Person POV

"Bakit laging may namamatay?" malungkot na tanong ni Hazel.

Walang sumagot at nanatiling tahimik ang buong silid.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon