Chapter 52

844 20 9
                                    

Chapter 52: More Than Friends

Abegail POV

Buwan ng Abril

Kung normal lang ang pagpasok namin dito sa L.I.V.E University, malamang ay nagdidiwang na kami ngayon dahil bakasyon na.

Matagal na kaming nagbakasyon.  Simula iyon ng mamatay ang aming guro.

Mabilis na lumipas ang isang buwan. Isang buwan na ang nakalilipas simula ng mamatay si Zedrick at Clyde.

Isang buwan kung saan naging malapit kami ni Hiro sa isa't isa.

"Bakasyon na. Hindi ba dapat masaya ka?" Tanong saakin ni Hiro. Nandito kami ngayon sa Foodcourt. Nahalata niya ata na malungkot ako at malalim ang iniisip ko.

"Buti pa yung klase niyo normal." Sabi ko sa kanya habang nakapalumbaba at nakatingin sa kawalan. Bahagya siyang natawa sa aking sinabi at nagpatuloy kumain.

"Ang cute mo dyan." Kusang lumabas saaking bibig ang linyang iyon ng hindi ko mamalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Muli syang natawa sa aking nasabi. Tinakpan ko ang aking bibig at pinalo palo ito ng mahina.

Ano ba yung nasabi ko?

"Mas cute ka." Dinig kong sabi niya.Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.

Mas cute ako? Hehe. I know right, Hiro. Pinapakilig mo naman ako eh.

Ngumiti siya saakin at muling kumain. Pinagpatuloy ko na rin ang aking pagkain.

Habang kumakain ay madami kaming nakwento sa isa't isa. Ilang oras kaming nasa foodcourt at nagkukuwentuhan.

Matapos namin kumain ay naglakad lakad kami sa hallway.

"Ang sarap mo palang kasama." Mahinang sabi niya saakin. Ngumiti ako at tumingin sa kanya.

"Kasi ikaw ang kasama ko." Sabi ko sa kanya. Dahan dahan din syang lumingon at agad nanaman akong kinabhan. Magkalapit ang aming mukha at halos magdikit na ang aming matatangos na ilong.

"Nag eenjoy ako kapag kasama ka. Minsan dumadating sa point na hanggang sa panaginip ko, nandun ka. Sino ka ba talaga Abegail Kim sa buhay ko?" Sabi niya habang magkalapit padin ang aming mga mukha.

Itinulak ko sya ng mahina upang maging magkalayo kami. Nang magkalayo na kami ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nagdulot iyon ng kaba saakin at ang bilis ng tibok ng aking puso.

"A friend?" Sabi ko ng patanong. Napangiti sya sa sagot ko. Siguro nga.. Friend lang.

"Marami na akong naging kaibigan. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Kaibigan ba kita?" Tanong ko. Naginit ang aking pisngi. OMG! Nagbablush ba ako? Hindi pwede.

"I like you."

As a friend? Kaibigan mo lang ako, Hiro.

"You're my friend." Muling sabi niya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Friend.

"But now, friendship is over, be mine." Sabi niya dahilan upang diretso akong mapatingin sa kanya. Nakangiti sya saakin at tila nang aakit.

Be mine

Why are you doing this to me, Hiro?

"A-ang bilis n-naman." Sabi ko.

"Ok. Sige ito nalang. Can I court you?" Sabi niyang muli dahilan upang mapangiti ako.

Niyakap niya ako at ginantihan ko din sya ng yakap.

Pero bakit ang bilis ng pangyayari?

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon