Chapter 50: Bottle Flip
Clyde POV
Nagising ako sa mahabang pagkakatulog. Pagkamulat ko ay nasa isa akong madilim at maduming lugar. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ito maaari, ayokong dito matapos ang aking buhay.
Maya-maya pa ay may narinig akong kaluskos na nagmula sa pinto at nakilala ko kaagad sya.
Masyado syang mapagpanggap. Hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa kanya. Ngayon ko dapat ilabas ang angas ko.
"Owww, gising na ang poging hambog!!" Sigaw nya sa akin.
"Tsk. Obviously gising na.. Nakamulat na nga ang mata ko di ba?!" Sagot ko sa kanya.
"Ahhh, nagyayabang ka pa ngayon. Haaa?!??!" Sigaw pa nya sa akin.
"Nagpapakatotoo lang ako, Hindi tulad mo na mapagpanggap K---"
Pak
Sigaw ko ngunit bago ko pa masabi ang pangalan nya ay sinampal na nya ako.
"Don't you dare say my name!! Dahil walang karapatan ang isang mayabang na tulad mo na banggitin ang pangalan ko!!" Sigaw pa nya na nang-gagalaiti na sa galit.
"Ano bang ginawa naming masama sa'yo?!! Ha?! Sabihin mo nga sa akin?!" Galit na tanong ko sa kanya.
"Tinanong mo ako nyan?! Bakit kaya di mo tanungin ang sarili mo. Sa tingin mo bakit ako papatay, alangan naman trip ko lang di ba??!!!!" Galit na galit na sigaw nya.
"Alam mong natural sa tao ang maging masama, pero yung pagiging masama mo, sobra na! Andami ng nadamay dahil sa mga pinag-gagawa mo." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga natural na maging masama ang tao. Pero alam mo ba kung bakit nagiging masama ang isang tao?? Dahil yun sa mga taong tulad nyo." Sagot naman nya sa akin.
Hindi na ako muling sumagot pa sa kanya. Tinignan ko sya, napakaamo ng mukha pero may tinatago rin pala. Maya maya pa ay sumilay ang isang nakakatakot na ngiti sa kanyang labi.
Nakakatakot. Di ko na maitago pa ang takot ko. Ito na ang katapusan ko.
"Tapos na ang drama, simulan naman natin ang patayan. Hahahaha!!" Sabi nya sabay tawa na tila demonyo.
Sinimulan na akong balutin ng takot. Nawala lahat ng angas at yabang sa katawan ko.
"Clyde, di ba magaling kang mag bottle flip?" Inosenteng tanong nya.
Di kaagad ako nakasagot. Iniisip ko kung anong kinalaman nun. Oo, aminado ako magaling ako doon. Pero sa lagay kong ito, nanginginig sa takot. Imposible. Baka di ko kayanin.
"Ano na?! Sumagot ka?!! Ilabas mo lahat ng kayabangan mo?!" Sigaw nya sa akin na tila nauubusan na sya ng pasensya.
"O-oo" Iyan ang tangi kong naisagot.
Killer POV
Tsk. Ang yabang pero ngayon nauutal na. Hayss. Mahina.
Kinuha ko ang iba't-ibang size ng bote at pinatong sa lamesa at iniharap sa kanya.
Ilabas mo na ang galing mo Clyde
"A-anong g-gagawin d-dyaan?" Nauutal nyang sambit.
"Gusto ko lang naman na mapatayo mo ang mga boteng iyan. Ganun lang kasimple." sagot ko sa kanya.
"P-pano pag h-hindi ko n-napatayo?" Napangisi ako sa kanyang katanungan.
Good question
"Madali lang naman, kada di mo mapatayo, ay puputulin ko ang daliri mo." Sagot ko sa napakaganda nyang katanungan.
Nakita ko ang takot sa kanyang mukha. Napakasarap makita ang kanyang mukha, ang napaka gwapo nyang mukha ay puno na ng takot ngayon.
Gusto ko ng simulan, kaya naman tinanggal ko sa pagkakatali ang isa nyang kamay. Pero di sapat iyon para makawala sya, dahil may tali din sa kanyang paa.
"Simulan mo na!" Sigaw ko, hudyat na ito na ang simula ng napakagandang laro.
Clyde POV
Nanginginig ang kanang kamay ko, habang kinukuha ang isang bote. Hinawakan ko ito at pinaikot.
Yes! Napatayo ko!
"Magaling Clyde!" Kunyaring papuri nya pa, at bahagyang pumalakpak.
"Sunod!" Ma-otoridad na sigaw nya.
Kaya naman kinuha ko naman ang isa pang bote. Mukhang mahihirapan ako, dahil sa size nito. Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinaikot ko na ang bote.
Ngunit nanlumo ako ng hindi ito tumayo. Kailangan ko na ihanda ang sarili ko sa sakit.
"Tsk tsk tsk. Di mo napatayo. Kaya ito ang dapat sayo." Sigaw nya habang papalapit sa akin. Nakita ko ang patalim na hawak nya.
Nagulat na lang ako na naitusok nya na ito sa isang daliri ko sa kaliwa.
"Ahhhhhh!!" Sigaw ko sa sobrang sakit. Ang hapdi. Ang sakit.
"Ganyan nga! Sumigaw ka dahil, musika yan sa aking pandinig. Hahahaha!!!" Sigaw nya at humalakhak na naman na parang demonyo at mas ibinaon ang kutsilyo at tuluyan na ngang natanggal ang isa kong daliri.
"Ituloy mo na!" Pag-uutos nya pa sa akin
Nagpatuloy ang pag-ikot ko ng bote at nagsunod-sunod na ang hindi pagtayo ng bote kaya naman sa sampu kong daliri anim na lamang ang natitira.
Sobra na akong nahihirapan. Sobra na ang sakit. Isa na lang ang bote, huli na ito, pero imposible ko na itong mapatayo pa. Pinaikot ko ito at gaya ng inaasahan ay hindi nga tumayo.
Tinusok nya na ang huling daliri sa kaliwa kong kamay at idiniin ito, at tagumpay nyang naputol ang daliri ko.
"Patikim pa lang yan, Clyde" bulong nya sa akin.
Nagulat ako ng maglabas sya ng chainsaw. Rinig na rinig ko na ito sa aking pwesto. Sobrang kaba ang aking naramdaman.
Killer POV
Lumapit ako sa kanya na bitbit ang chainsaw. Inilapit ko ito sa kanan nyang kamay.
Napangiti ako ng makita kong iniinda nya ang paglubog ng chainsaw sa kanyang kamay.
"Ahhhh! T-t-tama n-na!!" Sigaw at pakiusap nya.
Tuluyan ng natanggal ang kanan nyang kamay. Kaya naman umupo ako sa isang bangko sa tabi nya at pinuwesto ang chainsaw sa kanyang tuhod.
Nakaramdam ako ng tuwa ng makita ko ang sobrang takot at sakit sa kanyang mukha.
"Ganyan nga Clyde, matakot ka" bulong ko sa kanya at inilubog ang chainsaw sa kanyang dalawang tuhod.
"Ahhhhh!! P-parang a-awa mo n-n-na!" Nanghihinang sigaw nya.
"Wala akong awa eh? Pano ba yan?" Sabi ko sa kanya. At tuluyan ng binali ang buto nya sa tuhod gamit ang chainsaw. Tumulo ang pulang-pula na dugo mula sa kamay at paa nya.
Tinignan ko ang kanyang mukha. Nakita ko ang labi nya, dyan lumalabas lahat ng kayabangan nya. Kaya napangiti na naman ako.
Kinuha ko ang mga karayom ko at muling lumapit sa kanya. Kumuha ako ng isa at mas lumapit pa ako sa kanya. Sobrang lapit.
Hinawakan ko ang labi nya at biglaang tinusok ang isang karayom dito.
"Ahhhhh!" napasigaw na naman sya.
Kumuha pa ako at ng karayom at isa-isang tinusok labi nya hanggang sa mapuno na ng karayom ang napakapula nyang labi. Kitang-kita ko ang panghihina nya.
Napapagod na ako. Tatapusin ko na ito. Kaya kinuha ko ang kutsilyo ko at inukit sa kanyang pisngi ang simbolong ako lang ang nakaka-alam.
Crown
At para sa pagtatapos, kinuha ko ang natitirang karayom at tinusok ito sa kanyang lalamunan at doon sya tuluyang nalagutan ng hininga.
Rest In Peace Clyde Dimalanta
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...