Chapter 56: The Real One
LG Faye POV
Agad kong naiwasan ang mabilis na pagsugod niya saakin. Pagod na pagod na ako. Kanina pa siya pilit na tumatakas. Nang akmang isasaksak niya saakin ang hawak niyang patalim, agad kong pinigilan ang kanyang mga kamay.
"Please lang Ms. Argyle. Itigil mo ang kahibangan mo!" Sabi ko sa kanya ngunit hindi siya natinag. Mabilis siyang kumilos at naihiwa niya ang kutsilyo sa aking mukha. Hinawakan ko ang aking pisngi kung saan naroon ang nahiwang parte.
"Ikaw ang tumigil! Wag mo akong pigilan. Papatayin ko siya." Sabi niya saakin. Hinawakan ko sya upang hindi siya makatakas ngunit sadyang kahanga hanga ang kanyang mga kilos. Siniko niya ang aking sikmura dahilan upang mapatumba ako sa sahig.
Bakit niya ginagawa ito? Baka mali ang nakuha naming impormasyon. Baka naman hindi talaga anak ng may ari ng eskuwelahang ito ang tunay na pumapatay. Rick Vedda Livingstone at Michelle Livingstone. Paniguradong sila ang mga magulang ng dating SSG President na si Mira Livingstone. Pero bakit si Robigael Argyle ang aking kaharap ngayon? Bakit sya ang may hawak na kutsilyo at nagtatangkang patayin si Pauline?
"Hindi naman siguro ikaw ang pumatay sa inyong guro at sa mga kaklase mo diba?" Tanong ko sa kanya ng makatayo ako.
"At bakit ko naman yun gagawin?" Nakangising sagot niya saakin. Hindi siya ang pumatay.
"Kung hindi ikaw. Bakit ka may hawak na kutsilyo? Bakit mo papatayin si Pauline?" Naguguluhang tanong kong muli sa kanya. Lalong lumawak ang kanyang mga ngisi.
"Dahil walang pwedeng mabuhay na Vienazisma." Bulong niya dahilan upang mag isip ako. Ano ang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.
"Ang mga Vienazisma, sila ang sumira ng buhay ko! Mga demonyo sila! Dapat silang mapunta sa impyerno! Dapat silang mamatay!" Dahan dahan akong tumayo ng bumuhos ang kanyang mga luha. Kasabay nito ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at muling ngumisi.
"Pauline Vienazisma Shin. Isa syang Vienazisma! May lahi syang Vienazisma at isa rin siyang demonyo!" Muling sigaw niya at sumugod saakin. Naiwasan kong muli ang ginawa niyang pagsugod.
Pilit kong hinihila ang kutsilyong hawak niya. Halos magpagulong gulong na kami sa pag aagawan. Sa gitna ng malakas na ulan, para na kaming mga basang sisiw na nag aaway. Sinipa niya ang aking mukha ngunit hindi ako agad na sumuko. Mabilis ko syang nasikmuraan dahilan upang mabitawan niya ang kutsilyo. Napangiti ako ng mahawakan ko na ang kutsilyo.
"Ngayon, wala ka ng laban. Sumuko ka na!" Sabi ko sa kanya.
Dahan dahan niyang inilagay ang kanyang kamay sa kanyang likod. Mula dito ay may panibagong kutsilyo nanaman syang hawak. Ngumisi siya at sumugod saakin. Wala akong nagawa kundi pigilan siya at isaksak ang kutsilyong hawak ko sa may parte ng kanyang tiyan. Dahan dahan siyang napaluhod at nawalan ng malay.
Mary POV
Walang umiimik. Walang may balak na magsalita. Ano na ang gagawin namin matapos ang nalaman namin?
Ang taong pumapatay ay malapit saamin. Si Mira na animo'y anghel sa sobrang bait. Bakit niya kami naloko? Pinaikot niya kami. Isa siyang taksil."I can't believe this." Pabulong na sabi ni Hanna habang umiiling iling pa. Ayaw kong tanggapin ang katotohanan na iyon ngunit kailangan naming kumilos.
"Sabi ni Zorene.. Kailangan daw nating tulungan ang mga kaklase natin. Bantayan natin sila. Hangga't maaari, ilayo natin sila kay Mira." Sabi ni Pauline. Sabay sabay kaming napatayo na ipinagtaka niya.
"Bakit?" Kunot noong tanong niya.
"Closing Party. Kasama si Mira doon! Nandun silang lahat!" Nagpapanic na sabi naman ni Abegail. Agad kaming kumilos at lumabas ng dorm. Ang lakas ng ulan. Babagyo pa yata.
"Gymnasium." Tipid na sabi ni Jhonilyn saamin. Tumango kami. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa hindi ko namalayang naiiba na ako ng direksyon. May iba akong sinusundan at mukhang kilala ko na sya.
"Mira!" Tawag ko sa kanya at lumingon naman sya saakin. Ang mga ngiti niyang tila anghel. Hindi mo na ako maloloko.
"Yes, Mary?" Maamong sabi niya saakin. I rolled my eyes, this is bullshit! Wala akong oras para makipag plastikan. Pero plastikan ba muna ang gusto niya? Sige, sasakyan ko sya.
"So kamusta naman ang pang sstalk mo kay Kurt?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya bilang sagot.
"Ok naman. Kaso hanggang tingin nalang ako eh. As usual, hindi ko sya nakausap. Tapos ayu---"
"Kell." Tawag ko sa ikalawang pangalan niya. Ang pangalang itinatago niya. Pangalang ayaw niyang binabanggit ng kung sino man.
Unti unting nabuo ang mga ngisi sa kanyang labi. Lumapit sya saakin at hinawakan ang aking pisngi.
"So.. Papalakpakan ko na ba si Pauline?" Maamong tanong niya saakin. Inalis ko ang kanyang kamay mula sa aking pisngi.
"Taksil." Nanggigil na sabi ko sa kanya. Pinakawalan niya ang mala demonyo niyang halakhak. Ito na sya. Ang tunay na Mira. Ang demonyong Mira na walang kinatatakutan.
"Hindi ako taksil. Mga uto uto lang kayo! Kawawa naman kayo.. " parang naaawa niya pang sambit. Bigla niyang inihawak ang kanyang kamay sa aking leeg. Madiin na pagkakahawak dahilan upang hindi ako makahinga.
"Papatayin ko kayo. Papatayin ko kayo!" Sigaw niya at pabagsak akong itinulak. Nakahinga ako ng maluwag, hinawakan ko ang aking leeg.
Nanlaki ang aking mata ng may kutsilyo syang inilabas. Hinila niya ang aking buhok at itinapat ang kutsilyo sa aking leeg. Itinulak ko ang kanyang kamay at sinipa sya sa kanyang mukha. Siya naman ang sinakal ko sa pagkakataong ito.
"Hindi mo na magagawa yan! Mauuna ka, Mira!" Sigaw ko at lalong hinigpitan ang hawak sa kanyang leeg. Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo kahit nahihirapan ng huminga. Napabitaw ako sa kanya ng isaksak niya ito sa aking braso. Napasigaw ako sa sobrang sakit.
"Walang hiya ka! At may balak ka pang patayin ako?" Sabi niya at hinugot ang nakabaong kutsilyo sa aking braso. Lumayo sya ng kaunti at may kinuhang bato. Hinampas niya ito sa aking ulo. Nakaramdam ako ng hilo at unti unti ng nagdilim ang aking paningin.
Siah POV
Bangkay ni Paula ang aking kaharap
kaharap ngayon. Hindi ako ang pumatay sa kanya kundi si Adonijah na nalilisik na ang mga mata."Anong tinitingin tingin mo?" Maangas na tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Atat lang naman ako na patayin ka." Sabi niya saakin. Baka naman, atat siyang mamatay.
"Aaaaaahhhh!!! " Napatingin kami sa sumigaw. Si Kimberly na kasalukuyang may nakabaon na kutsilyo sa kanyang binti.
"Yan ang nararapat sayo!" Sigaw ni Rommel sa kanya. Tsk.
Ako ang nararapat na matira dito.
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...