Chapter 26

1.1K 35 12
                                    

Chapter 26: Valentine's Day 2

Siah POV

Hindi maalis ang labis na tuwa na aking nadarama.

Araw ng mga puso

Ang araw kung saan pinaghandaan ko ng mabuti. Nasasabik akong makita ang aking pinaka mamahal na masorpresa.

Monica Melendrez

My love and my forever. Kahit sinasabi ng mga bitter na walang forever, no one can destroy our relationship.

"Siah! Tatawagin na ba namin si Monica?" Sabi ng kaibigan ko na si Jethro. Classmate ni Monica.

Kinakabhan ako. Pinasarado ko ang buong foodcourt para isagawa ang aking sorpresa. Marami namang pagkain na mabibili sa iba't ibang booth.

"Sige. Thanks pare ah." Sabi ko sa kanya at lumabas na sya ng foodcourt.

Tinitigan ko ang lamesa na may dalawang kandila at may nakapatong na bouquet. Bahagya akong napangiti ng bigla kong alalahanin ang mga masasayang araw na magkasama kami at sa oras na ito.. Gagawin ko syang pinaka masaya na babae sa buong mundo.

Ano ba itong sinasabi ko. Para naman akong magpopropose sa kanya. Muli akong napangiti sa aking naisip.

Darating din ang panahon na yun, Monica. Sabay tayong luluhod sa harap ng altar.

"Uy pre! Malapit na si Monica!" Sabi saakin ng isa ko pang kaibigan na si Clyde.

Tumayo ako at inayos ang aking kwelyo.

Malapit na ang babaeng bumubuo ng araw ko.

Monica POV

NAKAKABADTRIP!

Ang dami kong nakikitang magkasintahan dito. Mga PDA! Well, hindi naman ako naiinggit dahil may boyfriend din ako pero nasaan sya?

Nasaan ang magaling kong boyfriend?

It's Valentine's Day pero wala sya. Wala sya sa aking tabi at hindi ko sya kasama. Walang text at hindi man lang tumawag. Ang ineexpect ko pa naman ay pagkamulat ko ng aking mata ay magugulat nalang ako sa tambak na text niya. Pero wala! Wala syang text maski isa.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya nakikita. Hindi ko pa naririnig ang boses nya. Nakakapagtampo.

"Hala!! Nakakainggit sila mga bessy, sana may love of my life na rin ako. Buti ka pa Monica may Siah ka na." Sabi saakin ni Lois. Tss. May Siah? E pakiramdam ko ngayon, wala akong Siah. Nakakainis.

"Sana.. Nar my loves bigay a flower to me. Sana sana sana." Sabi naman ni Jovelle na patay na patay sa kaklase ni Siah na si Nar.

"Wow Velle! Lakas ah! Gusto mo lang si Nar.. Gusto ka ba?" Sabi ni Lois kay Jovelle at tumawa ito ng tumawa. Sumimangot naman si Jovelle dahil dito.

"Monica!!"

Lumingon ako sa likod kung saan may tumatawag saakin.

Si Jethro.

Anong ginagawa nya? And.. Bakit hindi nya kasama si Siah?

"Yes?" Mataray na sabi ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Kay Siah at sa lahat ng mga kaibigan niya. Badtrip.

"Wait... Hihinga muna ako." Sabi
niya saakin na hingal na hingal. Bakit ba kasi tumatakbo ito?

"Why the hell are you running ba kasi? Yan tuloy you are hingal hingal na. Is there any problem ha?" Sabi ni Jovelle kay Jethro at tumayo ito ng maayos.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon