Chapter 35

1K 26 18
                                    

Chapter 35: Battle

Pauline POV

Sa napakadaming pagkakataon, muli nanaman kaming humarap sa mga bangkay.

Ang aming silid na puno ng dugo at ang bangkay ni Beverly, Ma'am Espino, Gent, Bea, at Hazel ay kasalukuyang nasa sahig.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pumatay nanaman sya.

"Excuse." Sabi ni Abegail na hinahawi ang mga taong nasa paligid. Lumapit sya sa mga bangkay at sumunod naman sa kanya sila Mary, Kiel, at Monica.

"Kailangan natin imbestigahan ang mga ito. Kailangan natin malaman kung sino ang nasa likod nito." Sabi ni Abe kila Mary. Tumango naman sila. Maya maya ay nagsidatingan na ang ambulansya pati na rin ang mga pulis. Pansamantala muna kaming pinaalis sa aming silid at nakisilid muna sa ibang klase.

"Kawawa naman ang section niyo. Hindi ba kayo natatakot?" Tanong saakin ng isang babae na hindi ko kaklase. Malamang ay isa ito sa mga taga dito sa section na ito. Umiling lang ako sa kanya.
Ngayon ay kailangan ko ng kumilos. Uunahan ko na sila Abe.
"Aalis lang ako." Paalam ko kay Jhoni na nakaupo lamang sa aking tabi. Hinawakan niya ang aking kamay.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya saakin at napatingin din saakin si Hanna.

"May gagawin lang ako. Wag ka mag alala." Mabilis kong tugon sa kanya ay inalis ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Kahit patayin mo ako, wala akong pakielam. Kailangan kitang mahuli. Humanda ka saakin.

Sky POV

Hindi Maaari!

Hindi ako pwedeng magkamali.

Si Hazel Covey, sya ang pumatay kay Donna. Sya ang pumapatay. Sya ang nagbabanta kay Pauline Shin. Sya ang nakita ko. Sya ang muntikan ko ng mapatay.

Ang hindi ko maintindihan ngayon, paanong nangyaring sya ang naging biktima ngayon?

May nakaalam ba ng sikreto niya at pinatay siya? Ngunit bakit nadamay ang kaibigan niyang si Bea?

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Nagkamali ako

Abegail POV

Matatapos na ang araw at patuloy pa rin kaming lumalagap ng impormasyon tungkol sa nangyari. Walang nakakita ng insidente kaya nahihirapan kami.

Kasalukuyan kaming nasa SSG Office. Mukhang napagod na ang mga kasama ko dahil nakasandal na lamang sila sa kanilang mga upuan.

"Ang hirap naman ng ginagawa natin." Sabi ni Monica.

"Ngayon lang lumabas ang bangkay ni Ma'am Espino at ni Gent. Pinlano niya talaga yun para mabigla tayo. Pero diba.. Nakuwento saatin na nakuha na ng guard yung bangkay ni Beverly? Bakit nandyan pa?" Sabi ni Mary at tumingala.

Hindi pa ako makapag isip ngayon. Lumabas ako ng SSG Office at nakita ang isang hindi pamilyar na estudyante. Diretso itong nakatingin saakin at walang ekspresyon ang mukha.

"Excuse me, Ako si Abegail Kim. SSG President. Uhmm.. Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ngunit nanatili itong tikom ang bibig. Tinititigan niya lamang ako.

"Uhmm.. Hello?" Bati ko sa kanya ngunit wala parin akong nakuhang sagot sa kanya.

"What's your nam--"

"Caroline Alonzo." Diretsong sagot nito dahilan upang maputol ang sasabihin ko.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya at mabilis niya akong tinalikuran at tumakbo ng mabilis. Nangunot ang aking noo sa inasta niya.

Matapos kong kausapin ang estudyante na iyon ay pumasok na muli ako ng Office at naabutan ko silang natutulog. Pagod na pagod sila. Hindi ko na sila iistorbohin.

Third Person POV

"Buti naman at bumalik ka na. Ang tagal kitang hinintay. Kailangan ko ang tulong mo. Pinagtaksilan kasi ako nung isa." Sabi ng unang estudyante at tinawanan naman sya ng isa pang estudyante.

"Si Hazel ba? Traydor talaga yun." Sabi nito at ngumisi pa.

"Buti naisipan mong balikan ang L.I.V.E University?" Tanong ng isa at lalong napangisi ang isa pang estudyante.

"Ofcourse. Kahit wala na ang pamilya ko, nakakapag aral pa rin naman ako. At mahal ko ang L.I.V.E University kahit medyo nagbago ito kesa sa dati. Usap usapan din kaya ito sa labas." Sagot nito at naglakad sila hanggang makarating ng silid. Hindi sila pumasok dito bagkus ay tinignan lamang nila ang mga kaklase nilang nagtatawanan at nag aasaran.

Nabuo sa kanilang isipan ang mga plano. Siguradong magagawa nila ito at walang sinuman ang makakapigil dito.

Melissa POV

"Hi Nar! Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" Pagpipilit ko kay Nar.

Nakakainis naman kasi itong lalaking ito. Napaka pabebe. Kunyari pang ayaw niya akong makausap eh duh it's obvious na may gusto siya saakin.

"Wag kasi pilitin ang ayaw at hindi pwede." Biglang singit ni Audrey. Kumulo ang dugo ko. This girl, I hate her.

May past kasi sila.. Nar and Audrey, and dating sweet couple sa room namin. Pero mapapatunayan talagang walang forever, dahil iniwan sya ni Nar. Nakakatawang isipin.

"Pwede ba? Wag ka ngang mangielam." Pagsusungit ko sa kanya. Masyado syang desperada.

"Woah! Chill Girls, pinag aagawan niyo ba ang kaguwapuhan ko?" Biglang singit ni Nar.

"Yes."
"Asa."

Nagkatinginan kami ni Audrey sa isa't isa ng sabay kaming nagsalita. Sabay pa kaming umirap sa isa't isa.

Napangisi si Nar sa naging tugon ni Audrey.

"Sure ka?" Sabi ni Nar kay Audrey habang nakangisi.

"Oo. At bakit ako makikipag agawan para lang sa katulad mo? Yuck." Maarteng sabi ni Audrey.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Ang alam ko lang ay umaarte lang sya sa harap ni Nar.

"Then ok lang sayo na pansinin ko si Melissa?" Nakangisi paring tanong ni Nar. Nang aasar.

"Excuse me, may dadaan. Wag nga kayong paharang harang." Biglang singit ni Zorene kasama si Seb. Naweweirduhan talaga ako sa mga kilos nitong dalawang ito. May something mysterious sa kanilang dalawa.

Hindi mo kasi malaman ang laman ng utak nila at isa pa hindi mo mababasa sa mga mata nila ang nais nilang sabihin o ang nararamdaman nila.

Tumabi kami at dumaan naman sila. Tahimik lang silang naglakad samantalang hinabol naman sila ng aming mga tingin.

"Weird." Bulong ni Nar.

Hindi lang pala ako ang nakakapansin kundi sila din. Tuwing nag aaway sa room lagi silang tahimik. Tuwing pinag uusapan ang pumapatay, sumasabat sila pero kapag may namamatay, lagi silang nasa isang sulok.

Ano bang meron sa dalawang iyon?

"Nar. Tawag ka ni Robi." Biglang sabi ni Audrey. Tss. Sinungaling. Alam ko namang gusto niya lang makasama si Nar, idadamay niya pa si Robigael.

"Ok. Sige, bye Melissa." Paalam saakin ni Nar at nginitian ko na lamang sya. Tinignan ko si Audrey at nakangisi lamang sya saakin.

Sinamaan ko sya ng tingin at ginantihan niya naman ako ng mas masamang tingin.

Labanan ba ang gusto mo? What kind of battle, Audrey? Yun bang.. Madugo?

Then let's have a battle.

To be continued

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon