Chapter 39: Fake Friendships
Rommel POV
Sa dinami dami ng bubungad saakin sa aming silid, bakit bangkay pa ng isa naming kaklase?
Araw araw, kinakabhan ako
Ako kasi ang pinakaunang pumapasok dito at kadalasan na akong may matagpuang bangkay dito.
Gusto ko ng umalis ng eskuwelahang ito, ngunit saan ako pupunta? Masyadong malayo ang pamilya ko saakin.
"Kaawa awang Nar." Sabi ni Jahjah
Kasalukuyan kaming nasa labas ng aking mga kaklase. Hinihintay na kunin ang bangkay ni Nar.
"Sya ang naglakas loob na tumulong, sya ang napatay." Sabi naman ni Zorene.
Kung sinunod lang namin ang kanyang utos edi sana walang namatay.
Kung wala na kami dito, hindi na kami gagambalahin ng killer. Pero paano kung sundan niya kami?
"What's happening here? May namatay nanaman? Yuck. Ang lansa ng amoy." Pandidiri ni Paula ng makita ang bangkay.
"Edi wag kang huminga. Ikaw na nga lang nakiki amoy, ikaw pa nagrereklamo." Masungit naman na sabi ni Audrey sa kanya.
Inirapan na lamang sya ni Paula. Lagi nalang silang nag aaway away. Maiinit ang dugo nila sa isa't isa.
"Wait guys, may pupuntahan ako." Paalam saamin ni Zorene at nagmadaling umalis.
Siguro ay pupuntahan niya si Seb. Mas malapit na sya kay Seb kesa saamin. Madalas ay nagtutungo sya kay Seb, hindi sinasabi kung saan sila pupunta. Minsan makikita mo silang nagtatawan at kung minsan naman ay seryoso. Sa totoo lang, natatakot ako sa kanila dahil kakaiba ang kanilang mga kinikilos.
Hindi ako nakatiis at kusa akong napasunod sa daang tinatahak ni Zorene.
Binilisan ko ang aking lakad para hindi ako mahuli ngunit bigla nalang syang nawala sa aking paningin.
Is she a ghost?
Ano ba itong iniisip ko? Pero bakit sya nawala. Diretso lamang ang daan dito at walang likuan. Paanong nangyaring bigla syang naglaho na parang bula.
Nilibot ko ang aking paningin. Humarap ako sa aking likuran at..
Boogsh!
May nakabangga ako
"Sorry Ms. Di ko sinasadya." Paumanhin ko sa kanya at tinulungan syang pulutin ang kanyang mga gamit.
Inalalayan ko syang tumayo at nawala ako sa sarili ng humarap sya saakin.
Napakaganda niya at tila isa syang anghel. Hindi ko maalis ang aking paningin sa kanya. Nanatili syang walang ekspresyon.
Sa totoo lang, may isang babaeng tunay na nagpapatibok ng puso ko. Si Pauline Shin. Pero paano ko ba maipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon?
Love at first sight
Totoo ba yun?
"Ako nga pala si Rommel Vimanika. Ikaw?" Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Caroline Alonzo." Sabi niya habang diretso paring nakatingin saakin. Matapos ko syang ngitian, yumuko sya at umalis sa aking harapan.
Mukhang mahiyain sya dahil sa kanyang kilos.
Caroline
Napakagandang pangalan
Paula POV
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...