Chapter 13

1.5K 42 10
                                    

Chapter 13: Weird

Pauline POV

"Kawawa naman si Beverly. Hindi ko parin makalimutan ang kinuwento nyo."

Umagang umaga ay iyan ang ibinungad saamin ni Jhoni habang kumakain kami.

It's Saturday pero hindi ako magrereview. I need to investigate. Kailangan kong malaman kung sino ang pumapatay.

Ang bagal mo, Pauline. Tatlo na ang napatay niya at nakaharap mo narin sya pero hindi mo pa rin alam kung sino sya.

"Wala pa bang balita sa kanya?" tanong ni Abe.

"Wag na tayo umasa. Obviously, wala na rin si Beverly." malungkot na sabi ni Mary.

Matapos naming kumain ay nagkanya kanya na silang alis. Nagtungo si Abe at Mary sa SSG Office, si Jhoni naman ay sa garden para magpahangin samantalang si Hanna naman ay hindi nagsabi kung saan pupunta.

As always, sa library ang punta ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para malaman kung sino ang pumapatay but as of now, I need to get clues para magka idea ako.

But how? Paano ako makakakuha ng clue.

"Excuse me, uhm. May problema ba?"

Nilingon ko ang kaklase kong si Sebastian. Tahimik at minsan lang makipag usap pero hindi ko sya ganun kakilala.

"Uhmm.. May iniisip lang, bakit?" pabalik na tanong ko sa kanya?

"Tuliro ka eh? Lalim ng iniisip mo." sabi nya saakin at kumuha ng libro para magbasa.

"Seb, ask ko lang. May idea ka ba kung sino yung killer?" tanong ko sa kanya at napaisip naman sya.

"Wala? I dont know." sabi nya at naupo na isang bakanteng upuan.

Weird

Kanino ba ako makakahingi ng clue? May makikita ba akong information dito sa library? I dont think so.

Malungkot na lumabas ako ng library. Nagtungo ako ng garden upang kausapin si Jhoni ngunit wala na sya dito.

Sabi niya sa garden lang siya, nasaan na iyon?

"Hindiii!!! Hindi pa sya patay!"

Tinignan ko ang babaeng sumisigaw sa hindi kalayuan.

Si Bea.

"Nakita namin sya. Duguan sya at wala nang buhay." sabi naman ng isa naming kaklase na si Zorene.

Lumapit ako sa kanila upang lalong marinig ang kanilang pinag uusapan.

"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanila.

"Nakita ko si Beverly na duguan at walang buhay. She's dead now. I don't know what happened and.. nakakalungkot dahil hindi ko nasaksihan." malungkot na sagot saakin ni Zorene.

"Grabe na talaga si Ma'am Espino. Lahat nalang pinatay niya. Pati ba naman si Beverly? Anong ginawa sa kanya ni Beverly ha?" sigaw ni Bea habang umiiyak.

Tatlo lang kaming nandito. Ako, si Zorene, at Bea. Walang nakakarinig saamin kundi kami kami lang.

"Gusto nya ng patayan? Sige. Edi magpatayan kami." bulong ni Bea dahilan para kilabutan ako.

Hindi Bea. Hindi si Ma'am Espino ang pumatay sa kaibigan mo. Alam kong hindi sya. Wala syang alam dito.

Lumakad na palayo saamin si Bea at sinundan ko naman sya ng tingin hanggang sa maglaho na sya sa aking paningin.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon