Chapter 23

1.1K 25 8
                                    

  Chapter 23: Student Against Teacher

Gent POV

 Kasalukuyan pa rin akong nakatali at nakabusal ang bibig. Hindi ko na alam ang gagawin kung paano makakatakas sa kanya. Wala akong kalaban laban, kahit na babae pa siya. 

Narinig ko na ang yapak ng kanyang paa na muling patungo sa aking kinaroroonan. Nakaramdam ako ng takot. Alam ko na ako na ang isusunod nya kina Gab, Donna at Beverly. Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya.

 "Ano Gent, handa ka na bang mamatay?" Sabi nya habang nakangisi.  Hindi ako makasagot sa kanya dahil sa busal sa aking bibig.

"Alam nyo ba na ang sinisisi nyong pumapatay ay patay na ngayon?" Sabi nya at narinig ko ang halakhak nya na mala-demonyo.

"Gusto mo bang ikwento ko sa iyo?" Sabi niya pa sa akin.

Nagsimula na nga syang magsalita. 

 Killer POV 

Flashback

Nakakatuwang pagmasdan ang aming guro na nakatali. 

 "Good evening Mam Espino" panimulang bati ko sa aming guro.

 "Pakawalan mo ako dito! Punyeta ka!" Sigaw nya sa akin.

 "Hay naku po Mam, napakarami nyo pong binibigay na gawain, lagi na lang kaming nahihirapan. Pwede bang sa ngayon, ikaw naman ang mahirapan?" Malambing na sabi ko sa kanya.Kita kong rumihistro ang takot sa kaniyang mga mata. 

 "A-anong ibig m-mong sabihin?" Nauutal niyang sabi. 

Napahalakhak naman ako sa kaniyang tugon.Nakakatuwang pagmasdan na makitang halos manginig siya sa takot. Unti-unti akong lumapit hanggang sa halos magkalapit na ang aming mukha. Dinikit ko ang aking labi sa kaniyang kanang tenga at bumulong.

"Susunod ka na sakanila." Nilabas ko ang patalim na kanina pa naiinip na matarakan ng dugo. Inilapit ko ito sa kaniyang tenga at bahagyang huminto. 

 "Umpisahan natin dito." Kasabay ng pagbigkas ko ng mga katagang iyon ay ang pagkatapyas ng kaniyang kanang tenga. Rinig sa apat na sulok ng silid ang kaniyang daing. Nakakatuwang pakinggan, parang musika na nagbigay pa lalo saakin ng sigla.

 "T-tama na. Parang a-awa mo na itigil mo na yang kahibangan mo." 

"Paano ba yan wala akong awa, gusto mo isa pa?" At tinapyas ko na ang isa niya pang tenga. 

Saganang tumulo ang dugo mula dito. Pikit mata niyang dinadama ang sakit na dulot ng aking ginawa. Ang ganda niya na sanang tignan kaso parang may mali. Ah alam ko na! 

"Ma'am parang hindi bagay sayo yang hair style mo. Gusto mo ayusin ko?" Seryoso kong sabi atsaka hinaplos-haplos ang kaniyang kulot na buhok.

 Napadilat ang kaniyang mata ng bigla kong hilain ang kaniyang buhok. May konting hibla pa ang sumabit saaking kamay.Nakita ko ang isang gunting sa isang sulok at agad ko itong dinampot.

"T-tama n-na..." Halos pabulong na nitong sabi.

 Konti pa lang naman ang nagagawa ko bakit parang hirap na hirap na siya? Napaka-arte talaga nito.

 "Can I cut your hair?" Matinis na sabi ko sa kaniya habang lumalapit. Ang pangit talaga ng buhok ng matandang to.Nang makalapit ako hinablot ko agad ang kaniyang buhok na siya namang ikinaungol niya.Gigil ko itong ginupitan. Malayang nahulog at nagkalat ang kaniyang buhok sa sahig. Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha atsaka tumawa.

"Wow! Bagay saiyo ma'am" Natatawa kong sabi. Halos makalbo na siya sa ginawa ko pero napakaganda niya saaking paningin.

 Abala ko siyang pinagmamasdan nang maalala kong may pinakulo pala akong tubig kanina. Agad kong tinahak ang daan patungo sa pinaglalagyan ng aking thermos. Binuksan ko ito at kumawala dito ang usok na nagpapatunay na mainit pa ito. Kumuha ako ng palanggana atsaka ibinuhos ito.Bumalik ako habang maingat na buhat ang palanggana. Inilapag ko muna ito at kumuha ng iba pang gamit para sa aking binabalak. Kumuha ako ng tweezer at dinampot ang kutsilyong ginamit ko kanina. Kinalas ko siya sa kanyang pagkakatali. Dahil sa sobrang panghihina, hindi na niya sinubukan pang tumakas. Marahan kong hinawakan ang kanyang mga kamay at dahan-dahang inilubog sa mainit na tubig.

"Ahhhhh!" Umalingaw-ngaw nanaman sa buong silid ang kaniyang hiyaw.

 Unti-unti na siyang nauubusan ng lakas upang lumaban pa.Kinuha ko ang tweezer at iniahon ang isa niyang kamay. Dahil sa init ng tubig madali na lamang saakin na tanggalin isa-isa ang kaniyang mga kuko.Inipit ko ang kuko ng kaniyang hinlalaki gamit ang tweezer at dahan-dahang hinila ito.

 Nanlaki ang kaniyang mga mata ng mahiwalay ko na ito sakaniyang hinlalaki.Hindi ko namalayan na ubos na pala ang kuko niya sa magkabilang kamay. Na-enjoy ko ang pagtanggal dito. Nakita ko na naiiyak na siya sa sakit. Nagbigay ito ng kasiyahan sa akin.Kinuha ko ang kutsilyo atsaka pinunit ang kanyang damit. Nakapakinis pala ng tiyan ni ma'am, ang sarap lagyan ng dekorasyon. Inukit ko ang simbolong ako lamang ang nakakaalam.Dahil may awa ako, tatapusin ko na ang kaniyang paghihirap. 

 "Adios Mam Espino! Mamamatay kayong lahat!" Kasabay ng pagbigkas ko ng mga katagang iyon ay agad ko nang sinaksak ang kanyang leeg. At unti unti ng nawala ang kanyang hininga.

 End of Flashback 

 To be continued

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon