Chapter 27

1K 33 17
                                    

Chapter 27: ----

Gabe POV

Hanggang ngayon ay hindi parin humihilom ang sugat sa aking puso.

Hindi ko pa rin makalimutan ang kanyang itsura habang sinasabi ko ang 'Im breaking up with you'

Bigla nalang lumabas iyon sa aking bibig. Im sorry, Josh but I need to do that.

Lumipas na ang isang araw and back to normal nanaman ang L.U.

Normal pa nga ba ang tawag doon kung may nagaganap ng patayan? At isa pa.. Nakaharap ko na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko nun at bakit niya ako dinala sa labas ng L.U

"Sawi ang Valentines." Sabi ni Kimberly habang binubunot ang mga damo dito sa park.

Kasalukuyan kaming nasa park ngayon kasama ang aking mga kaibigan. Ako, Kimberly, Mira, Mary, Jhoni, Abe, Hanna, at Pauline. Nag aaral kami dito para maiba naman daw ang lugar namin.

"Ano pa kaya ako? Sawing sawi?" Sabi naman ni Mira. Tss. Sawing sawi? E ako? Sawing sawing sawi?

Muling kumirot ang aking dibdib at nangilid ang aking mga luha.

"Gabe. What's wrong?" Tanong saakin ni Mary at ngumiti lamang ako ng napakapait at umiling.

"Di mo na kailangang mag deny. Nakita namin kayo kahapon." Sabi ni Pauline at napatingin ako sa kanya.

So.. Alam na nilang wala na kami ni Josh?

Hindi ko napigilan ang aking mga luha at doon ay umiyak ng umiyak. I hate this feeling.

"Gabe. It's ok. Tahan na. Ano ba kasing nangyari, bakit nagkaganun?" Pagpapatahan saakin ni Jhoni.

"Wait. Naguguluhan kami eh. Ano bang nangyayari? Why are you crying, Gabe?" Tanong ni Kimberly at hinarap ko sya.

"I broke up with Josh. Hindi ko napigilan." Sabi ko at muling umiyak. Niyakap ako ni Kimberly at pinatahan ng pinatahan.

"Bakit ka nakipag break?" Tanong naman saakin ni Mira.

Kasi masakit. Ang sakit kasi na makita mo ang boyfriend mo na may kasamang ibang babae and worst, I saw them kissing.

"He's cheating on me." Sagot ko sa tanong niya dahilan upang manahimik sila.

"Wait. What? Cheating?" Takang tanong ni Kimberly.

"Yes. Nakita ko sya na hinahalikan si Lexa. Pls.. Wag niyo ng ipaalala. Mas lalo akong nasasaktan." Sabi ko sa kanila.

Matapos ang aming mga kadramahan ay naghiwa hiwalay na kami. Pupunta daw ang limang magbbff sa dorm nila samantalang si Kimberly ay hindi sinabi kung saan tutungo.

Kasama ko ngayon si Mira. Magkasama kaming naglalakad sa hallway.

"Ano? Ok ka na ba?" Tanong niya saakin. Lumingon ako ng saglit sa kanya at yumuko.

"I don't think so. Hindi pa ako ok. I need to move on." Malungkot na sabi ko. But how? Paano ko sisimulan?

"Kaya mo yan. Naniniwala akong kaya mo yan, Gabe." Sabi niya saakin.

Sana nga kayanin ko.

Abegail POV

Matapos namin mag aral sa park ay dumiretso kami dito sa dorm. Masakit daw kasi ang ulo ni Hanna. Agad siyang nahiga at natulog.

"Nakaka awa si Gabe." Sabi ni Jhoni ng hindi tumitingin saamin.

"Oo nga eh. Siguro.. Nung bago pa mag Valentines nun. Kasi diba..  Tinawagan niyo ako tapos umiiyak siya. Baka yun yon?" Sabi ni Mary saamin.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon