Chapter 36

874 24 8
                                    

Chapter 36: Falling in love

Audrey POV

"Ang sabi mo tinatawag ako ni Robi." Sabi ni Nar saakin. Lumingon ako sa direksyon nya.

Isn't it obvious that I only said that stupid reason for just a short talk? I just want to talk to him. Masyado kasing pakielamera si Melissa, bitch.

"Nar. Ano ka ba? Tingin mo ba hahayaan kitang makipag usap kay Robi?" Nakangising sambit ko sa kanya. Mula pa kanina ay hindi na maalis ang ngisi sa aking mga labi.

"So what do you need?" Tanong nito saakin.

"I want you back." Diretsong sagot ko sakanya at napamaang naman sya.

"You're getting crazy, Audrey." Sabi niya habang umiiling.

Yes. I'm getting crazy and it's because of you, Nar. I still love you.

"I'm serious." Sabi ko at napatayo naman sya sa kanyang upuan.

"No. Hindi na kita babalikan, Audrey. Wag ka ng umasa. A-at si M-melissa, sya na ang m-mahal ko. Im sorry" Sagot nito at tinalikuran ako. Nangilid ang aking mga luha. Marahil ay dahil sa sinabi niya. Nagdulot ito ng lungkot saakin ngunit agad itong napalitan ng galit. Naikuyom ko ang aking mga kamao.

Mali ang naging desisyon mo

Nar POV

Stupid.

Bakit ko sinabi yun?

Kasalukuyan akong nasa rooftop. Iniisip ang mga nangyari kanina. She wants me back? But, why? Akala ko ba wala na syang nararamdaman para saakin.

Aaminin ko, mahal ko parin sya. Ang hindi ko matanggap bakit ko dinamay si Melissa? Bakit ko sinabing mahal ko si Melissa? Hindi. Hindi ito pwede.

Tumakbo ako upang balikan si Audrey. Manghihingi ako ng tawad. Nang nasa harap na ako ng aming silid.. Nakabukas ng kaunti ang pintuan.

Nandito pa sya

Tinulak ko ng mahina ang pintuan at binuksan ang nakapatay na ilaw.

"Hey." Tawag ko

Humarap siya saakin at nangunot ang aking noo.

"Oh nar? Anong binabalikan mo dito?" Nakangiting sabi niya saakin. Napabuntong hininga na lamang ako. Magsasalita na sana ako ngunit umatras ang aking dila.

"Nothing. Sige, alis na ako." Paalam ko sa kanya ngunit bigla syang nagsalita dahilan upang mapatigil ako.

"Masyado ka namang nagmamadali? Kaka dating mo lang eh." Sabi niya at muli akong humarap sa direkyon niya. Ang kanyang mala anghel na ngiti ay napalitan ng malademonyo at nakakakilabot na mga ngisi.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Ano bang pakay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw? Anong pakay mo?" Balik na tanong niya saakin. Pinagkrus ko ang aking mga braso at panandaliang pumikit. Nanlaki ang aking mga mata ng sa muling pagdilat ko ay wala na sya sa aking harapan.

"Magkaibigan na magkaibigan talaga kayo ni Gent."

Humarap ako sa likod ko at naroon na ang kausap ko. Paano niya nagawa yun?

"W-what are y-you talking a-about?" Nauutal at nanginginig kong tanong ko sa kanya. Nakaramdam na ako ng takot.

"Parehas kayong malandi. Kalalaki niyong tao, ang landi niyo. Hindi naman laruan ang mga babae eh, bakit pinaglalaruan niyo?" Sabi niya saakin at nabuo ulit ang mga ngisi sa kanyang labi.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon