Chapter 41

912 14 6
                                    

Chapter 41: Their Side

Mary POV

Another one

Paubos na kami ng paubos. Hindi ko maiwasang kabahan.

Melissa Mariano

Ang pangalang kasalukuyan kong isinusulat sa aking hawak na papel.

Nandito kami ngayon sa swimming pool area kung saan napakaraming tao.

Hindi ko alam kung bakit nandito ang bangkay eh sarado naman ang swimming pool area dito sa eskuwelahan.

"Ano ng naimbestiga mo?" Tanong ni Kiel kay Monica. Tinignan ko din sya upang isulat ang pag iimbestiga na ginawa niya.

Bilang SSG Officer, naatasan kaming lutasin ang problemang ito. Suliraning hindi namin masolusyunan hanggang ngayon.
"Hindi ko alam. Basta napadami niyang saksak, si Lady guard Faye, sya na daw ang bahala sa bangkay." Sagot nito at tumingin kami sa bangkay na duguan.

"SSG Officers!" Sigaw ni LadyGuard at tumingin kaming lahat sa kanya.

"Crown." Sabi nito saamin.

Crown? Anong crown?

"Hindi niyo ba napapansin? Lahat ng namamatay, inuukitan ng crown. I dont know kung anong ibig sabihin nun pero kailangan nating alamin." Sabi niya saamin.

"Let's start talking with them." Sabi ni Kiel at nagtungo na kami sa SSG Office.

Syempre saamin ni Abegail sinimulan. Kung ano ano lang ang tinanong saamin at nasagot naman namin ito. Nakaka kaba sila kung magtanong na parang kikitil sila ng buhay pero napakahusay niyon dahil baka sakaling mapaamin nila ang killer.

Siah POV

"Inuubos mo ang pasensya ko ah!" Sigaw ko kay Jethro at dumapo ang aking kamao sa kanyang mukha.

"Ano bang nangyayari saiyo Siah? Bakit ka nagiging ganyan?" Sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi.

Hindi ko alam

Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito. Napapangisi ako sa tuwing may tumatawag saakin na demonyo. Hindi ko na alam, basta ang tanging alam ko lang.. Si Monica lang ang tanging papakitaan ko ng kabaitan.

"Mahasiah Bexhill."

Lumingon ako sa tumawag saakin, si Abegail Kim. Bakit ako tinatawag ng SSG President?

"Yes?" Tanong ko sa kanya at lumapit naman sya saakin.

"Go to the SSG Office. Now." Sabi niya at nabalot ng kaba ang aking buong sistema.

-----------------

"Anong nalalaman mo tungkol sa nangyayari?"

Nangangatog ang aking tuhod. Ang mga tingin nilang hindi maalis saakin, nagdudulot ito ng takot sa akin. Maski ang tingin ng babaeng pinakamamahal ko, kakaiba at hindi ko maipaliwanag.

"W-wala. Hindi ko sya kilala. Wala akong alam sa nangyayari." Sagot ko at nanatili silang nakatingin saakin.

"Sino sa tingin mo ang pumapatay? Tulungan mo kami, pakiramdaman mo ang mga kaklase mo, sino sa kanila ang sa tingin mong may gawa nito?" Tanong nila at napaisip ako.

Ang mga kaklase kong kakaiba kung kumilos, hindi ko mahulaan kung sino sa kanila. Pero isa ang pinaghihinalaan ko na tunay nga naman na kahina hinala.

"Si Sebastian Badilla." Sagot ko at isinulat naman ni Mary sa isang papel ang naging sagot ko.

"Bakit mo sinasabi na sya?" Tanong naman saakin ni Monica. Hinawakan niya ang aking kamay at napangiti ako ng dahil dito. Nawala ang kaba na aking nararamdaman.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon