Chapter 1

8.5K 138 8
                                    


Chapter 1: Welcome to L.I.V.E University

Mary POV

"Mary! Pumayag ka na kasi, enroll na tayo" pagpipilit sakin ni Hanna.

"Ayoko nga kasi, Bakit ka ba mapilit?" Sagot ko sa kanila sabay irap.

"Iiwan ka talaga namin dito, sige ka" pagbabanta ni Abegail.

"I don't care! Eh di iwan nyo, sanay naman na akong maiwan eh. Go, I can handle myself." Walang ganang sagot ko sa kanila.

"Ang arte naman nito, astig kaya, pangalan pa lang ang lakas na ng dating." Sabi ni Pauline.

Ang kukulit naman ng mga kaibigan kong ito. Bakit ba kasi nila ako pinipilit na pumasok dun sa L.I.V.E University na yun? Ano bang meron dun?

"Oo nga tama si Pauline, wag ka nang magpapilit sumama ka na lang." Sabi naman ni Jhoni.

At the end, wala na ri akong nagawa kasi kinaladkad na nila ako palabas ng bahay namin. Sabagay okay na rin ito, ayoko na sa dati naming school, ang boring, walang ka-thrill thrill. Wala kasing kwenta yung mga tao dun.

Ilang oras pagkatapos ng biyahe namin ay narating na rin namin yung sinasabi nilang L.I.V.E University. Malawak naman ang espasyo ng school na ito. Mukhang napakapayapa at walang nangyayaring gulo. Mula pa lang sa labas makikita mo na kung gaano kaganda ang paaralan na ito. Meron na rin ditong dorm at sa pinakagitna nakasulat na pagkalaki-laking 'L.I.V.E University' .

"Ito na girls! Nandito na tayo!! Mag enroll na tayo!" Excited na sabi ni Jhoni.

"Obvious ba? Ingay mo rin eh noh? Nakakabingi ka" masungit na sabi ko.

"Harsh nito. PMS??" sabat ni Abe.

"Tara na nga, mag- aaway pa kayo eh" sabi naman ni Hanna.

Papasok na kami nang bigla kaming harangin ng lady guard.

"Hi girls!!! My name is Faye Rivera at your service! Ang masipag, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat always ready na lady guard dito sa L.I.V.E University. Ano pong kailangan nyo?" Masiglang sabi ng lady guard.

"Mag eenroll po kasi kami, san po ba mag eenroll ang mga incoming 3rd year Highschool?" Magalang na tanong ni Pauline.

"Ahhh incoming 3rd year na kayo!" Sabi ni lady guard Faye.

"Actually... kakasabi nya lang." Sabi ko habang nakaturo kay Pauline.

"A-ah, diretso lang kayo tapos kumaliwa makikita nyo na yung admin building. Tapos sabihin nyo lang dun na mag-eenroll kayo." Sabi nya at mukhang nagulat pa siya sa way ng pagsagot ko sa kanya.

Sinunod namin ang direkyon na sinabi ng lady guard at doon sinalubong kami ng matangkad, balingkinitan ang katawan, maputi,at magandang babae. Uhm, perfect? Nope. No one in this world is perfect eventhough she looks like an angel. Nakakabighani ang ganda niya pero sino nga ba siya?

"Hi guys. Ako nga pala si Mira, ang reigning president of SSG. Mga late enrollees ba kayo?" Tanong niya saamin.

Tumango kaming lima at dinala nya kami sa loob ng isang opisina at pinafill-up nya kami ng forms. After namin itong sagutan, hiningi niya ang aming mga forms at hiningi ang iba pang requirements.

Sinabihan niya kami na bumalik nalang sa opisina bukas para kunin ang aming schedule at para malaman kung saan ang dorm namin.

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa university at bumalik kami sa opisinang pinuntahan namin kahapon at naabutan namin doon si Mira.

"Good morning po".

"Good morning.. Wag na kayong mag "po" sa akin, ano ba kayo. We're actually the same age lang naman." pabalik na bati niya saamin.

Inabot niya saamin ang aming mga i.d at class shedules at inabot niya na rin ang susi ng dorm namin.

Maaga pa naman kaya naisipan naming bisitahin ang aming kwarto.

Merong isang queen size bed kung saan kasya ang limang tao. Meron ding mga cabinet at sariling kusina at banyo.

Inayos muna namin ang aming mga gamit at bumaba na kami saaming unang klase na Araling Panlipunan.

Pagkapasok namin, lahat ng mata ay nakatitig saamin. Marahil ay ngayon lang nila kami nakita.

Nakayukong pumunta kami sa pinaka likurang bahagi ng silid. Maya maya ay pumasok na ang aming guro. May katandaan na ito at marami ng puting buhok sa ulo.

Nagpakilala muna kami bago magsimula ang aming aralin.

"I'm Mary Jeon, sana maging magkaibigan tayong lahat".

"Ako naman si Hanna Park, nice to meet you all".

"My name is Abegail Kim, its my pleasure to meet you all".

"Hi. I'm Jhonilyn Yoo, I hope that this will be a happy year".

"Uhmm..ako naman si Pauline Shin, nice to meet you".

Pagkatapos ng aming pagpapakilala ay naupo na ulit kami sa aming upuan.

Nagsimulang magturo ang aming guro.

"Tayo ay magsisimula na sa ating aralin. Ano ano ang labintatlong kolonya? ". tanong ng aming guro.

Boring naman ang subject na ito. Tatanungin nanaman kami ng mga tanong na sila din naman ang makakasagot.

Nagtaas ng kamay si Pauline.

Si Pauline kasi ang pinaka matalino saaming magkakaibigan. Masipag mag aral at parang lahat alam nya.

"Yes Ms. Shin? "

"Ang labintatlong kolonya ay Georgia, South Carolina, North Carolina, New Hampshire, Massachussetes, Connecticot, New Jersey, Rhode Island, Delaware, Maryland, Virginia, Pennysylvania at Maine." sagot naman ni Pauline.

"Very Good Ms. Shin".

Natapos ang klase namin sa Araling Panlipunan ng wala naman akong naintindihan. Puro pagpapaliwanag at tanong lang ang ginagawa ng aming guro.

Sa bawat pagtatanong nila ay halos nagkukumpitensya si Pauline at ang reigning President na si Mira na kaklase pala namin.

Nakakabilib ang katalinuhan nila at nagagawa nilang sagutin ang mga katanungan ng aming guro. Magaling rin si Mira at matalino ngunit hindi ko maitatangging mas mataba ang utak ni Pauline.

"Tara girls sa foodcourt, nagugutom na ako". sabi ni Abe na halatang gutom na nga.

Pumunta kami sa foodcourt ng bigla may nakabangga si Jhoni na isang babae. Maganda, maputi, maamo at pamilyar ang mukha nya

Kaklase namin

"Sorry." sabi ni Jhoni

"Its okay. Im Kimberly Min nga pala. Classmate nyo ako". nakangiting sambit nito. Para syang anghel dahil sa mga ngiti nya.

"Ahh Hi Kimberly, sorry talaga".

"Nope im fine. Okay lang yun. By the way, are you guys going to the foodcourt?".

"Oo hehe. Nagugutom na nga kami eh". sabi ni Abe na kanina pa gutom na gutom.

"KAMI huh?". bulong ko ngunit hindi nalang nila ako pinansin.

Ewan ko ba! Umiiral ang kasungitan ko. Kanina pa eh, wala naman ako. Katatapos ko nga lang eh.

"Can I join?" sabi ni Kimberly

"Of course! Para naman may new friend na rin kami dito". nakangiting sabi ni Hanna.

Nang makarating kami sa foodcourt ay napakaraming tao dito. Malaki naman ito kaya hindi siksikan. Marami ring iba't ibang pagkain ang pwedeng bilhin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta na kami sa susunod na klase namin at natapos ang araw na ito na walang masyadong espesyal na nangyari.

To be Continued

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon