Chapter 6

2.4K 55 2
                                    

Chapter 6: Mysterious Killer

Pauline POV

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Sino ba talaga sya? Bakit ayaw nyang magpakilala?

"Grabe ka Pauline! Akala namin hindi ka na magigising". alalang sabi saakin ni Abegail.

"OA ka lang talaga Abe". sabi ni Mary.

Sinamaan lang sya ni Abe ng tingin at bumalik saakin. Binigyan nya ako ng yelo para ilagay sa aking ulo.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Hanna.

Flashback

"Ang tigas talaga ng ulo mo".

Nagulat ako ng biglang nasa tabi ko na muli sya. Akala ko wala na sya.

"At talagang susundan mo pa ako para alamin kung sino ako?" muling bulong nya saakin. Nakatutok parin ang patalim sa aking likod.

"Sino ka ba kasi? Bakit ayaw mong magpakilala" nanginginig na tanong ko sakanya.

"Bakit ba interesado ka? Gusto mo bang mamatay katulad ng nangyari kay Gabriel?" sabi nya sabay halakhak.

So sya nga ang pumatay kay Gab?
Bakit nya iyon ginawa?

"Napaka walang hiya mo" madiing sabi ko sa kanya ngunit lalo lang syang humalakhak

Nakakatakot ang kanyang halakhak. Sa tawa palang nya ay malalaman mo ng hindi sya mabuti.

"Alam ko, Pauline. Walang hiya talaga ako. Ano? May sasabihin ka pa?" hamon nya saakin at itinulak ako dahilan para bumagsak ako sa lupa.

Hinila nya ang aking buhok habang ipinapasok ako sa aming dorm.

"Manahimik ka Pauline Shin. Kalimutan mo ang pangyayaring ito kung ayaw mong mamatay ang mga kaibigan mo" bulong nya saakin kasabay ng paghampas nya ng isang matigas sa bagay saaking ulo".

End of Flashback

"Pauline?" bumalik ako sa realidad ng bigla ako muling tawagin ni Hanna. May tinatanong nga pala sya.

"Ah.. N-nadulas kasi a-ako dyan kanina t-tapos nauntog ako".

I lied. Hindi dapat nila malamang ang taong pumatay kay Gab ang may gawa saakin nito.

"Psh. Stupid". bulong ni Mary ngunit sapat na upang marinig ko.

"Ikaw kasi hindi ka nag iingat". sabi ni Hanna.

"Sorry" nakayukong sabi ko.

"Ok lang basta next time mag iingat ka na para hindi kami mag aalala dito" bilin ni Abe.

"Opo" sagot ko at niyakap nila ako.

Matapos ang kadramahan namin ay kamain na ako dahil tapos na daw sila.

Jhonilyn POV

Nagdaan ang isang linggo na walang pasok.

Isang linggo na tila nagbago ang L.I.V.E University.

Simula ng maganap ang pagpatay sa kaklase naming si Gabriel ay natakot ang lahat.

Panibagong araw nanaman.

Panibagong araw kung kailan magsisimula ang klase namin ng may isa na kaming kaklaseng nabiktima.

Sumilip ako sa bintana ng aming dorm. Maaga pa naman kaya hindi ko pa ginising ang mga kaibigan kong mahimbing na natutulog.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon