Chapter 58: Survivor
Gabe POV
Naiinis ako habang naririnig ang walang tigil na pagtawa ni Rommel. Marahil ay natutuwa siya dahil sa pagkamatay ni Kimberly. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong wala na ang matalik kong kaibigan.
Pinagmasdan ko ang hawak kong kutsilyo. Walang bahid ng dugo. Napakalinis nito at kuminikinang pa ito. Ano kaya kung gamitin ko ito?
Pero hindi ako ganoong tao. Hindi ako marunong maghiganti. Kahit kaibigan ko ang nawala, hindi ko parin kaya. Mahina kaya ako kung tawagin?
"Ano? Patay na ang BESTFRIEND mo." Natatawang aniya na diniinan pa ang salitang bestfriend.
Nanginig ang aking kamay sa galit. Walang hiya siya. Isa siyang makasariling tao. Ganid. Wala syang pakialam sa ibang tao.
"Gusto mo bang sumunod?" Tanong niya saakin habang nakangisi. Lumapit sya sa aking direksyon at itinapat ang kutsilyo sa aking leeg.
"Mukhang ginugusto ka din ng kutsilyong ito na isunod eh." Sabi niya pa. Galit ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong pumatay dahil sa mga kinikilos ni Rommel ngayon. Akmang ihihiwa niya na ang hawak niyang patalim sa aking leeg ngunit bago pa ito dumapo sa aking leeg ay ibinaon ko ang kutsilyong hawak ko sa kanyang tagiliran. Dahan dahan niyang ibinaba ang kutsilyong hawak niya kasabay ng paglabas ng pulang likido mula sa kanyang bibig.
Kulang pa yata ang aking ginawa dahil hindi siya agad na bumagsak. Nang nanatili siyang nakatayo, ibinaon ko naman ang aking kutsilyo sa kanyang dibdib dahilan upang bumagsak na siya ng tuluyan.
Natauhan ako ng pumikit na ang kanyang mga mata tanda na wala na siyang buhay.
"Aaahhhh!" Sigaw ko dahil sa aking nagawa. Anong ginawa ko? Nawala ako sa aking sarili. Bakit ko sya pinatay? Masama akong tao.
Hinawakan ko ang kutsilyo sa matalim na parte nito at diniinan ang pagkakahawak dahilan upang umagos ang dugo mula sa aking kamay. Kasabay ng mabilis na pag agos nito ay ang mabilis na pagtulo ng aking luha.
"Say goodbye Jah, mukhang sumuko ka na." Dinig kong sabi ni Siah sa kalaban niyang si Adonijah. Kusang gumalaw ang aking mga paa patungo sa direksyon ni Siah. Nakita kong itinaas niya ang kanyang kutsilyo na alam kong tutungo sa ulo ni Adonijah ngunit bago niya pa ito maibaon sa ulo ni Adonijah ay isinaksak ko ang hawak ko sa kanyang likod. Nabitawan niya ang hawak niyang patalim at bumagsak na ang kanyang katawan.
Wala akong nagawa kung hindi magtungo sa isang sulok at umiyak. Nakapatay nanaman ako. Napakasama ko.. Sobrang sama ko.
"Gabe?" Sabi ni Adonijah. Patuloy pa rin ang aking pagiyak.
"No! Anong ginawa ko? H-hindi ko sya pinatay. Maniwala ka.. H-hindi ako mamamatay tao."
Lumapit siya saakin habang hawak pa din ang kanyang kutsilyo. Ipinunas ko ang aking kamay sa mga luha sa aking pisngi.
"P-papatayin mo ba ako?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot. Ayaw ko ng pumatay.
"P-patayin mo na ako! Hindi ako tao! Demonyo ako! Pinatay ko si Rommel at Siah! Masama ako!" Umiiyak na sabi ko sa kanya habang hinahampas ang aking sarili. Pinipigilan niya ako sa aking ginagawa.
"Mabuti kang tao. Hindi mo ginustong gawin yun."
"Pero ginawa ko pa rin. Masama akong tao. Ano pa bang silbing mabuhay ako? Wala. Wala na." Sabi ko sa kanya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila kung mabubuhay pa ako. Ramdam kong ikahihiya nila ako dahil isa akong mamamatay tao.
"Maraming nagmamahal saiyo. Ang pamilya mo at si Joshua. Diba sila din ang dahilan mo para mubuhay ka? E ako? Iniisip ko ang pamilya ko at si Kezaiah pero sila? Iniisip kaya nila ako?" Sabi niya habang lumuluha. Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo.
"Tama na. Ayaw ko na. Sawa na ako."
Nanlaki ang aking mata ng ihiwa niya ang kutsilyo sa kanyang leeg. Napaluhod siya at tuluyang bumagsak. Pinagmasdan ko ang buong lugar. Ang madugong lugar na ito na puno ng bangkay ng aking mga kaklase.
Nakita kong bumukas ng kaunti ang pintuan. Tinignan ko kung may tao sa labas ngunit wala akong nadatnan. Mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na iyon at patungo sa aking dorm. Napatigil ako sa bumungad sakin.
"J-josh?" Gulat na sabi ko. Nangungunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang aking kabuuan.
"B-bakit may dugo iyang kamay mo at mukha mo? Saan ka galing?" Tanong niya saakin. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ko ang aking noo sa kanyang balikat.
"Mamamatay tao ako." Umiiyak na sabi ko.
"Gabe!" Sabi niya na halatang hindi naniniwala sa aking sinabi. Ramdam ko na. Ito na ang kinatatakutan ko. Itatakwil niya kaya ako? Hindi niya na kaya ako mahal? Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya ng diretso.
"Mamamatay tao ako." Ulit ko sa aking sinabi at tinakpan niya naman ang aking bibig.
"Hindi iyan totoo." Umiiling na sabi niya dahilan upang lalo akong mapaiyak.
"Totoo. Pinatay ko si Rommel at Siah. Pero hindi ko sinasadya. Maniwala ka saakin. Nawala ako sa sarili ko. Namatay sila dahil mga demonyo sila at sa tingin ko.. Isa na din akong demonyo." Sabi ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at doon ako humagulgol.
"Mahal kita. Iintindihin kita." Bulong niya saakin. Ang sarap sa pakiramdam na may taong iintindi sayo kahit na anumang oras. Buti pa si Joshua mahal ako samantalang ako hindi ko na yata kayang mahalin pa ang aking sarili.
"Gabe?" Lumingon ako sa tumawag saakin. Si Mira. Napangiti ako ng makita kong ayos lang siya. Pinunasan ko ang aking mga luha.
"Bakit may dugo---"
"Mira. Buti hindi ka pumunta sa Closing. Mira nakakatakot. Lahat sila namatay." Sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa aking sinabi. Napaatras ako. Kakaiba ang kanyang mga ngiti. Hinawakan ni Josh ang aking kamay.
"Congratulations!" Sabi niya at hinampas ang isang matigas na bagay sa aking ulo.
Pauline POV
Hingal na hingal kami ng makarating kami sa tapat ng Gymnasium. Ano nanaman kayang naganap?
"Nasaan si Mary?" Tanong ni Hanna. Tinignan ko ang mga kasama namin. Wala nga si Mary.
"Kasama lang natin kanina eh." Sabi ni Abegail. Bigla akong nag alala. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha.
"Wag na muna natin isipin iyan. Pasok na tayo." Sabi ni Jhonilyn.
"Wait. Mas mahalaga si Mary." Pigil ni Hanna kay Jhoni.
"Kaya na yan ni Mary. Siya pa ba?" Sabi naman ni Jhoni sa kanya. Nauna na si Joseph sa pagpasok. Nanlumo ako ng makita ang mga bangkay ng aking mga kaklase.
"OMG." Pabulong na sabi ni Abegail.
Napaupo ako sa lungkot. Kasalanan ko ito. Hindi ko sila naprotektahan, ang bagal kong kumilos.
Unti unti akong nahihilo ng may malanghap akong usok. Saan nanggagaling yun? Nanlalabo ang aking paningin. Naaninag kong bumagsak ang aking mga kasama. Maya maya ay bumagsak na din ako dahil sa labis na hilo.
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mister / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...