Chapter 24: Friend
Gent POV
Masaya niyang isinalaysay ang karumal dumal na pagkamatay ni Mam Espino. Parang di ko kayang isipin na ganun siya pumatay. Mas natakot ako. Di ko na alam ang gagawin ko.
"Gent, gusto mo maglaro?" Malambing nyang sabi matapos nyang mag kwento.
"Ay may takip ka pala sa bibig. Sige na nga tatanggalin ko para naman marinig ko ang mga sigaw mo." Sabi niya pa ulit at tinanggal ang busal ko sa bibig.
"Wala ka talagang hiya. Pati mga inosentong tao, papatayin mo!! Tao ka pa ba?!?!" Sigaw ko sa kanya.
"Actually Gent, di sila inosente, may ginawa silang mali, kaya ayun, deads na sila" malambing nyang sabi.
"And one more thing Gent, di ko rin alam kung tao pa ako." Sabi nya sabay halakhak na mala demonyo
"Ang dami mong sinabi Gent, laro na tayo, naiinip na ako eh" sabi nya na akala mo bugnot na bugnot na.
Umalis sya sandali at pagkabalik nya ay, may dala syang martilyo. Oh God! Help me!
"Okay, siguro alam mo naman ang penpen de sarapen di ba?" Tanong nya sa akin.
Tinanggal nya ang tali ng kamay ko ngunit di pa rin sapat dahil may tali ang binti ko sa upuan dahilan para di makapalag sa kanya.
"Ang kinis naman ng kamay mo Gent, ginagamit mo din ba tong, pandagdag charm sa girls?" Sabi nya habang hawak ang kamay ko.
"Okay let's start" sabi nya at isa isa nyang tinape ang daliri ko, sapat na ang pagitan.ng mga daliri ko para maisagawa ang laro nya.
"Pen pen de sarapen de kutsilyo de almasel, how how de carabao de batuten, sipit namamalipit, gintong pilak namumulaklak sa tabi ng dagat!" Habang kinakanta nya ang kantang iyon ay sabay sa kumpas ng paghampas nya ng martilyo sa aking mga daliri.
Umaalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang sigaw ko. Ayoko na. Padaliin na lang nya ang buhay ko kaysa ganito
"Yehey! Ang galing mo Gent, yung sigaw mo tamang tama sa beat ng kanta." Nakangiti nyang sabi.
"Isa pa nga" sabi nya at inulit ang pagkanta at sa pagkakataong ito, kutsilyo naman ang hawak nya at sa braso ko naman sinasaksak. Pero kumakanta pa rin siya ng Penpen de sarapen.
Ang sakit. Sobrang sakit talaga. Parang anytime mawawala na ako sa mundong ito.
"Sawa na ako sa larong iyon. Iba naman. Uhmmm. Alam ko na! Subukan natin ang talino mo ha?!" Sabi nya sa akin.
Umalis ulit sya at bumalik na may tulak tulak na lamesa, pamilyar ang mga tools na nasa ibabaw.
"Papaliwanag ko, kung nakikinig ka sa teacher natin sa TLE, alam mo ang mga tools na ito. Ganito pag mali ang sagot mo, gagamitin ko sayo ang tool na yun." Paliwanag nya na akala mo tila totoong laro ang ginagawa namin.
"Una" pinakita nya ang tool iyon. Alam ko yan.
"W-wire c-cutter" nanghihinang sabi ko.
"Galing!" Sabi nya sabay palakpak
"Pangalawa" alam ko din to.
"F-flat h-head s-screwdriver" sabi ko ulit sa kanya.
"Ang galing mo pala eh" puri nya sa akin
"Pangatlo" fuck! Shit! Di ko na alam, bakit parang di na nag function ang utak ko. Di ko na kaya.
"Di mo alam? I'll give you three seconds."
"3........2........1" natapos na nag pagbilang nya.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...