Chapter 55

789 15 14
                                    

Chapter 55: The Killer and The History Of L.I.V.E University

Siah POV

Tinignan ko ang duguang katawan ni Audrey at Sebastian. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nagawa ko o maiinis sa aking sarili. Kumitil ako ng buhay ng tao, masama akong tao. Hahangaan pa ba ako ni Monica sa lagay na ito? 

"Sakto!" 

Napasigaw ako ng biglang may patalim na bumaon sa aking kaliwang binti. Lumingon ako sa babaeng may kagagawan nito. Si Kimfaye. Bakit ba ang lalakas ng loob nilang kalabanin ako? Mga babaeng kaawa awang lumalaban sa mabagsik na lalaking kagaya ko. Baka gusto niyang magaya kay Audrey.

"The fuck!" Inis na sabi ko sa kanya. Inalis ko ang nakabaon na kutsilyo sa aking binti. Tiniis ko ang sakit na dulot nito. Nang matagumpay ko itong naalis, agad ko itong ibinato patungo sa kanyang direksyon. Napangisi ako ng maiwasan niya ito.

Magaling, magaling. Mukhang masayang labanan ito.

"Tsk tsk tsk. Kung ako sayo, sumuko ka na. Isa ka lang namang babaeng tahimik, walang pakialam sa mundo, at higit sa lahat. MAHINA." Sabi ko sa kanya dahilan upang sugurin niya ako. Sinagi ko ang kanyang kamay. Mahigpit ko itong hinawakan upang hindi niya ako masaksak ng kutsilyo. Pilit niyang tinutulak ang aking kamay.

"Sumuko ka na Kimfaye. Sumuko ka na!" Muling sabi ko sa kanya. Marahan siyang umiling iling habang pilit paring itinutulak ang aking kamay.

"Ano ako? Tanga? Hindi, Siah. Wag mo akong gawing tanga. Alam ko ang ginagawa ko. Wag mo akong pangunahan. Papatayin kita!!" Sigaw niya saakin. Natawa na lamang ako sa naging tugon niya. As if naman magagawa niya. 

"I know na ginagawa mo ito para kay Monica. Ako ginagawa ko ito para sa pamilya ko." Dugtong pa niya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Gigil na gigil kong hinawakan ang isa pa niyang kamay. Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko at ganoon din ang nangyari sa kanya.

"Wala akong pakealam sa pamilya mo. Ang mahalaga saakin ngayon ay ang mabuhay. Mabuhay at makasama si Monica!" Gigil na sambit ko sa kanya. Buong pwersa ko syang itinulak dahilan upang mapaupo sya sa sahig. Mabilis kong kinuha ang nahulog na kutsilyo mula sa aking kamay at ibinaon ito sa kanyang binti. Umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong gymnasium. Naramdaman kong nakuha namin ang atensyon ng iba. Muli akong ngumisi at tinanggal ang pagkakabaon nito sa kanyang binti. Lalong lumakas ang kanyang sigaw. Siniko ko ang kanyang sikmura at ibinaon doon ang kutsilyo. Naramdaman ko ang tagumpay ng makita ko ang pulang likidong lumalabas mula sa kanyang bibig.

"P-pinapatawad k-kita." Ang huling sinabi niya bago malagutan ng hininga. Napabuntong hininga ako ng wala na syang buhay.

"Salamat." Sabi ko sa kaawa awang bangkay ni Kimfaye. 

Sorry Kimfaye, thank you for understanding

Jhonilyn POV

Nararamdaman ko talaga ang salitang kasiyahan sa tuwing kasama ko si Joseph. Ang sarap sa pakiramdam na katabi ko sya at kapiling. Siya ang kaligayahan ko at sa oras na mawala siya, hindi ko alam ang gagawin ko. Kasalukuyan kaming magkatabi habang nandito sa aming dorm. Nandito din ang aking mga kaibigan maliban kay Pauline na hindi namin alam kung saan nagpunta. Sila Kimberly, Mira at Gabe naman ay umattend ng Closing Party namin.

"Nasaan ba si Pauline? Umattend ng Closing Party?" Tanong ni Abegail.

"Baka nga.. Kanina pa wala eh." Walang ganang sagot ni Hanna sa kanya. Bakit parang ang lungkot nito?

"Or pwede din namang nakipaglandian doon sa Van niya kagaya ng ginagawa ni Jhoni at Joseph ngayon. Baka naman pumunta din dito sa Chord at Hiro para ligawan kayo dito ah." Dugtong pa ni Hanna. Got it. Naiinggit siya. Lagi nalang nagdadrama si Hanna dahil hindi niya pa nakikita ang Mr. Right niya.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon