Chapter 53: Find The History
Hanna POV
Si Jhonilyn Yoo na tahimik at walang pake sa mundo nagkaroon ng lovelife at sila na ngayon ni Joseph. Naging secret relationship pa sila.
Si Pauline Shin na bitter at hindi naniniwala sa forever. May kasabihan na "aral muna, bago landi." Ayun at umamin na si Van sa kanya. Saan pa ba mapupunta yan? Edi sa ligawan din.
Si Abegail Kim na maingay, minsan nakakairita, pero masayahin. May gusto na ang crush na crush niya na si Hiro sa kanya and nililigawan na sya.
Si Mary Jeon na laging highblood. Parang araw araw meron dahil sa sobrang sungit. Mutual Understanding na sila ng Chord niyang babaero.
Ako? Pinakamaganda sa amin? Wala pang lovelife? Ano ba yan. Napag iwanan ako ng mga kaibigan ko ah.
Mag isa ako ngayon sa dorm. Paano? Nagpaalam sila at pupuntahan nila ang kani kanilang mga mahal.
Nakakabagot dito. Wala akong magawa at hindi naman ako makatulog. Paano kaya kung magkalovelife ako? Masarap kaya sa feeling?
Hayst. Tama na nga ito. Mas masaya ang maging single.
Tok tok tok
Tumayo ako sa higaan ng may kumatok sa pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kiel ng sya pala ang kumakatok.
"A-ahh sila Abe at Mary?" Tanong niya.
Akala ko pa naman ako ang pakay niya.
"Umalis kasama yung mga nanliligaw sa kanila. Yes. NANLILIGAW. Uhm.. May lovelife na sila. Nakakainggit nga eh kasi lagi na si---"
Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niya akong talikuran at umalis.
Aba! Loko yun ah!
"HOY MR. MADRID! WAG MO AKONG TALIKURAN KAPAG KINAKAUSAP KITA!! " Sigaw ko sa kanya. Napahinto naman sya sa paglalakad at lumingon saakin.
"Ang daldal mo kasi." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Ngunit ang pinakanakakairita ay ang mga ngisi niya.
Nakakainis. Sinisira niya nanaman ang araw ko. Akala ko pa naman gusto niya akong makita kaya sya pumunta dito. Ayun pala, sila Abe ang kailangan.
Hayst!! Tanggalin mo sya sa isip mo, Hanna. Bakit ka ba kasi nag aassume?
Tinignan kong muli ang daan na kanyang tinahak. Hindi ba sya babalik dito? Hindi niya ba sasabihin na ako pala ang kailangan niya.
Inis kong ibinagsak ang aking sarili sa higaan.
Bakit ba ako nainlove sa isang masungit at hard na lalaki?
Pauline POV
Sa wakas! Napapayag ko nadin si LG Faye na tulungan ako maghanap ng L.I.V.E University History. Kasama si Van, kasalukuyan kaming nag iikot sa library para hanapin ang history.
"Nakakapagod naman." Reklamo ni Van. Tinignan ko sya at nilapitan."Ok lang kung ayaw mo ng tumulong." Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Muli syang naghanap dahilan upang lumawak ang aking ngiti.
"Hindi pwede. Tutulungan kita." Sabi niya habang iniisa isa ang mga libro sa library.
Nandito nga kaya yun? Kanina pa kami naghahanap pero wala parin kaming makita. Mahalaga ang history na iyon dahil dun namin makikita ang may ari ng eskuwelahang ito. Anak niya ang pumapatay, ayun ang sinabi ni Zorene saakin.
"Masyadong malaki ang library. Magtatagal tayo kung magdidikit dikit tayo. Pauline, doon ka sa kabilang dulo. Ikaw naman Van, may mga book shelves sa may bandang likod. Doon ka maghanap." Sabi saamin ni LG Faye.
Dumiretso ako sa kabilang dulo. Mas maraming nagkakapalang libro ang nandito kumpara sa kanina. Inisa isa ko ang mga libro. Natutuwa akong pagmasdan ang mga nagkakapalang libro ngunit hindi naman ito tungkol sa history ng eskuwelahan.
Ayaw kong mawalan ng pag asa.
Habang naghahanap ay lumingon ako sa direksyon ni Van. Agad akong nag iwas ng tingin ng makita kong nakatingin din sya saakin.
Muli ko syang tinignan at nanatili padin syang nakatingin saakin. Nginitian niya ako at muling ibinaling ang paningin sa mga libro.
Kailangan muna natin hanapin ang dapat hanapin, Van.
"Mamaya na natin ituloy." Paalam ni LG Faye. Lumabas siya ng library at iniwan kaming dalawa ni Van. Nilapitan ako ni Van habang nakatingin padin sa pintuan.
"Saan pupunta yun?" Bulong niya saakin. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad palabas ng library.
"Hoy panget! Tinatanong kita ah." Sabi niya saakin.
"Mamaya nalang daw." Matamlay na sagot ko sa kanya. Nanghihina ako dahil kanina pa ako hindi kumakain.
"Anong problema mo?" Tanong niya saakin.
"Hindi pa ako kumakain." Sabi ko sa kanya habang nakahawak saaking tiyan. Nalipasan nanaman ako ng gutom. Agad naman syang natuliro sa aking sinabi.
"Ano ka ba? Bakit hindi ka kumakain? Wag ka ngang magpapalipas ng gutom. Paano kung magkasakit ka tapos yung sakit mo nakakamatay. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng mamatay. Papakasalan pa kita." Tuloy tuloy na sabi niya. Natawa nalang ako sa inasta niya.
"Baliw talaga." Natatawang bulong ko habang umiiling.
Matapos akong pakainin ni Van ay agad na din kaming umalis sa foodcourt. Hahanapin pa namin si LG Faye.
"OMG! You are so sweet talaga." Napatingin kaming dalawa ni Van sa nagsalita.
Si Sky at si... Wait si Donna ba yun?
Hihilahin na sana ako ni Van ngunit agad ko itong pinigilan.
"Si D-donna ba yun?" Tanong ko kay Van. Tinignan ko naman sya at nakatingin na sya sa babae na kasama ni Sky.
"Siguro." Sabi niya at nagkibit balikat pa. Hinila niya na ako at hindi na ako nakapalag.
"Ano ka ba Van. Tinitignan ko pa yung babae." Iritang sabi ko sa kanya.
"Hahanapin pa natin ang history,remember?" Sabi niya habang nakangiti.
"Pero kasi..kamukha ni Donna yung babae." Muling sabi ko sakanya.
"O baka nga si Donna yun. Kung sino mang Donna yan." Sabi niya at akmang hihilahin sana ako ngunit iniwas ko ang aking kamay.
"Patay na si Donna." Diretsong sabi ko at nauna ng maglakad. Napahinto ako ng napansing walang sumusunod saakin.
"Tara na Van. Hahanapin pa natin yung history, remember?" Panggagaya ko sa tono ng kanyang boses.
Hinila ko na sya at nagtungo na sa may gate. Doon lang naman namin makikita si LG Faye.
"LG Faye! Pwede na po ba nating ituloy ang paghahanap ng history?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot.
Patungo na sana kami ng library ng makita ko si Zorene na nakatitig saamin. Hawak niya nanaman ang sobrang kapal na libro na iyon. Hindi ba sya tinatamad na basahin yun?
"Pauline." Tawag niya saakin. Lumapit naman kaming tatlo sa kanya. Seryoso syang nakatitig saakin.
"Take it and leave." Sabi niya saakin habang inaabot ang librong matagal niya ng hawak.
Nagulat ako ng makita ang nakasulat dito.
The history of L.I.V.E University
Ang tagal ko itong hinanap, nasa kanya lang pala.
"Nandyan lang sya, umalis na kayo. Bilisan niyo." Sabi niya saakin. Kinuha ko ang libro at hinila na ako ni Van.
"Pauline! Iligtas niyo silang lahat! Nasa panganib sila." Sabi niya at may isang patalim na lumipad patungo sa kanyang direksyon. Bumaon ito sa likod ng kanyang ulo.
"Tara na." Sabi ni LG Faye at naunang tumakbo saamin.
Paano si Zorene?
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...