Chapter 47

741 15 10
                                    

Chapter 47: Secret Relationship

Audrey POV

"Stop this bullshit!" Inis na sigaw ko sa mga SSG Officers.

Pinatawag nila ako para tanungin ng kung ano ano about sa nangyayaring insidente.

Kanina ay natagpuan ang bangkay ni Cheska at Jezreel sa garden ng school. Ilan pa ba ang mapapatay bago nila malutas ang problema na ito?

"Marami na ang namatay. Ang bagal niyong kumilos. Tingin niyo ba may magagawa yang pag usap usap niyo sa mga estudyante para malaman niyo kung sino ang nasa likod nito? Tss. Guys use your brain naman." Muling sambit ko at lumabas na ng office.

Tama si Melissa. They don't deserve that. Hindi sila dapat ang naupo sa pwestong iyon. Ang babagal nilang kumilos.

Kung matagal na nilang nasolusyunan yan edi sana buhay pa si Nar. Pero hindi eh, wala silang pakialam. Wala silang awa na nararamdaman sa mga namamatay.

Habang inis na naglalakad ay nahagip ng aking mata ang isang lalaking may hawak na kutsilyo.

Shit! Who is that?

Nakita kong itinaas niya ang kutsilyo na hawak niya. Unti unti ko ng naaaninag ang kanyang mukha.

Nang makita ko na ng malinaw ang kanyang mukha ay nanlaki ang aking mata.

Clyde?

Bakit sya may hawak na kutsilyo? Posible kayang...

Hindi. Hindi niya magagawa yun.

Paula POV

Hindi maalis alis ang mga ngiti ko sa labi.

Tapos na ang pagpapanggap

Mabuti naman at namatay na si Melissa at Cheska, ang mga peke kong kaibigan.

Melissa at Cheska, masaya ako para sainyo

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga taong nagsisi iyakan sa aking paligid. Nandito ako ngayon sa Garden kung saan natagpuan ang bangkay ni Cheska at Jezreel.

Nang kumonti ang mga tao ay umalis na din ako. Hindi naman ako belong doon dahil lahat sila ay umiiyak. Kinalulungkot nila ang nangyari.

Nahagip ng aking paningin ang isang babae. Maganda ang suot at mukhang sosyalin. Nakashades din ito kaya hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha.

Tinignan niya ako at tinaasan ko naman sya ng kilay.

Magmamayabang ba sya? Tss.

Dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang shades. Nanigas ako at tila hindi makagalaw ng ngitian niya ako.

Nananaginip ba ako?

Unti unti niyang syang lumapit saakin. Dinig na dinig ang bawat yapak niya dahil sa taas ng takong ng kanyang sapatos.

"D-donna?" Nauutal na sabi ko sa kanya. Ginusot gusot ko ang aking mga mata ngunit hindi talaga ako namamalik mata.

Multo ba ito?

"D-donna? B-bakit k-ka nagmumulto?" Sabi kong muli. Ano ba ito? Bakit ako natatakot? Hindi ako duwag. HINDI.

"Ahh nagkaka--"

"Danica!!!"

Sabay kaming lumingon sa isang pamilyar na tinig. Si Robigael.

Lumapit sya saamin. Tinignan niya ako at inirapan.

"Ki--"

"It's Robigael." Mabilis na sabi ni Robi bago pa makapagsalita si Donna. Teka? Donna?

"Danica, kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Robi sa kasama ko. Tinignan ko ang kasama ko. Danica. Hindi kaya kambal ito ni Donna?

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon