Chapter 29

1.1K 27 16
                                    

Chapter 29: Love

Hanna POV

"Jhoni, sino sya?" Tanong ko kay Jhoni.

Nakasimangot siyang tumingin saakin samantalang napakalawak naman ng ngiti ng lalaking kasama nya. Marahil ay inaasar siya nito. Ngunit sino itong lalaki na ito? Ngayon ko lamang siya nakita.

"Oh hi miss! I'm Jos--"

"Sya si Joseph, wag mo na syang pansinin. Siraulo yan." Dire diretsong sabi saakin ni Jhoni.

"I mean kaano ano mo sya?" Tanong ko sa kanya.

"I'm her boy.. Bestfriend." Sagot nito.

Kailan pa nagkaroon ng boy bestfriend ito si Jhoni?

"Oh? Bakit hindi namin alam yan.." Nakasimangot na sabi ko kay Jhoni at natawa naman sya.

"Kasi masasayang lang ang oras ko kapag pinakilala ko pa ito sa inyo.. Mamaya kung ano pa gawin nito sainyo eh. Naka drugs pa naman."

"Ako?! Nagdadrugs?! Mukha bang nagdadrugs itong mukhang ito?!" Sabi nito kay Jhoni.

Nakakatuwa sila para silang mag jowang nag aasaran. Habang naghahampasan sila ay naglakad na ako palayo sakanila. Siguro.. May gusto si Jhoni dun. Paano ba magkagusto? Paano mo ba mararamdamang may gusto ka sa isang tao?

"Excuse me. Lutang ka nanaman. Mamaya mabangga mo nanaman ako tapos ikaw pa ang magalit."

Nag init ang aking dugo ng marinig ang kanyang tinig. Si Kiel.

"Edi umiwas ka!! Bwisit." Sabi ko sa kanya at lalakad na sana ng bigla niya akong hilahin.

Hilahin na dahilan ng pagkawala ng balanse ko at matumba kaming dalawa sa sahig. Muntikan ng magdikit ang aming mga mukha at nanatili kaming nakatitig sa isa't isa.

Pinagmamasdan ko ang makinis niyang mukha at kaakit akit niyang mga mata.

"Wag ka muna kasing umalis. May sasabihin pa ako eh."

Bumilis ang tibok ng aking puso ng magsalita siya. Nanatili kami sa ganoong puwesto.

"I.. "

Muling sabi niya dahilan upang tuloy tuloy na ang pagtibok ng aking puso. Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang lakas ng dating ng mga sinasabi niya saakin?

"I'm sorry." Sabi niya at nanlumo ako.

Bakit ba ako manlulumo? Ano ba ang inaasahan ko?

Inalis na namin ang tingin sa isa't isa. Nauna syang tumayo saakin at tinulungan niya naman ako.

"Sorry for what?" Masungit na sabi ko sa kanya.

"Sorry kung pinag iinit ko ang ulo mo." Sabi niya saakin. Wala man lang kaekspre ekspresyon ang mukha.

Honestly, he's damn cute

"O-ok" nauutal kong sabi.

Tumango sya at naglakad na palayo. Nakatingin lamang ako sa kanyang likod.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang napakalapit niyang mukha. Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng tibok ng aking puso.

Bakit ko ba nararamdaman ito?

Para akong masaya na hindi.

Bakit naman ako sasaya. Duh, i hate him and I don't like him. Pero may parte saakin na parang ang saya kahit ganun lang ang pag uusap namin.

Hinawakan ko ang aking dibdib at tuloy tuloy pa rin ang pagtibok ng puso ko.

Hindi naman ako tumakbo, bakit ganito?

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon