Chapter 49: Traitor's Death
Zedrick POV
Hindi ko alam kung sinong susundin ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Makikipaglaro ba ako ng basketball kay Clyde o hihintayin ko si Celine na matapos ang klase?
"Ano bang iniisip mo?" Tanong saakin ni Kimfaye. Sa lahat ng babae, sya na yata ang pinakatahimik. Madalas syang nag iisa at parang walang pakielam sa mundo.
"Clyde o Celine?" Tanong ko sa aking sarili. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.
"Syempre, si Celine ang pipiliin mo. Ano mo ba si Clyde? Wala, Zedrick." Sabi niya saakin. Tama!
Hihintayin ko nalang si Celine dito. Mahalaga sya sa buhay ko at sya lang ang pipiliin ko. Hindi ko pipiliin ang iba para sa kanya."Mukhang nakapagdesisyon ka na, alis na ako." Paalam niya saakin at tuluyan ng umalis.
Binuksan ko ang aking bag at naghanap. Earphones, earphones, nasaan ka na ba?
Naiwan ko sa dorm. Mabobored ako nito.
"Boring!" Sigaw ko sa inis. Pero kailangan kong maghintay para sa kanya.
"Gusto mong hindi mabored?"
Tinignan ko sya ng makilala ko ang kanyang boses. Nakangiti sya saakin at mukhang magyayaya.
"Hinihintay ko si Ce--"
"Celine nanaman." Bulong niya ngunit alam kong nais niya iyong iparinig saakin.
Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa naging tugon niya. Napangisi ako sa aking naisip.
"Mahal ko si Ce---"
"Alam ko." Agarang sagot niya.
"Lagi nalang si Celine. Celine nalang ng Celine!" Sigaw niya saakin at may inilabas na bakal. Mahina niya itong pinalo palo sa kanyang palad. Dahan dahan akong tumayo. Pinagmasdan ko ang mukha niyang nakangisi.
"Sorry Zedrick." Bulong niya saakin ng makalapit siya. Itinulak niya ako at hinampas ang bakal na iyon sa aking ulo.
-------
Nagising ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa aking mga binti, kamay at braso pati na sa aking leeg.
"O! Gising ka na pala. Maganda ba ang pakiramdam na nasa ere?"
Napapitlag ako ng marinig ko ang boses nyang malambing pero bakas dito ang galit at poot.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang malaanghel nyang itsura pero kaagad ko rin naramdaman ang mala demonyong espiritung sumasapi sa kanya.
Napatingin din ako saaking kalagayan.
May mga pakong nakabaon sa aking kamay at braso. Ang mga pakong iyon ang ginamit nyang pambara para sa lubid na nakakabit sa akin para maikabit ako sa kisame .
Habang maraming bubog naman ang nakabaon sa aking mga paa't binti samantalang isang lubid naman ang sumasakal sa aking leeg.
"K-k--"
"Wag na wag mo ko matawag sa pangalan ko. Hindi ko kilala ang mga taong traydor na gaya mo! Nung namatay si Gab may pasigaw sigaw ka pa akala mo naman totoong kaibigan!"
Napayuko ako at sandaling naalala ang nagawa ko sa kanya.
Tatlong taon na ang nakaraan.
Flashback
"Oo kaya nga hanggang ngayon di ako nananalo tuwing eleksyon kasi binabayaran nya ang mga tao dito."
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Misterio / SuspensoFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...