Ivy POV
"Ang cute ng crush ko nakita ko siya kanina."
"Eh ano namang pake ko don? Eh pinansin din ako ng crush ko kanina."
"Sus.. yung crush mong bobo?"
"Excuse me? Eh yung crush mo nga 25+25 lang 30 daw ang sagot, bobo. Eh 45 kaya yun. Hays."
"Eh bobo ko din pala eh."
Napakamot na lang ako sa ulo sapagkat kahit anong gawin kong pag-intindi sa binabasa ko ay wala akong maintindihan. Napakaingay kasi ng mga tao sa paligid ko, puro nagbubulungan. Puro kalandian pa at hindi nalang muna sila mag-aral ng mabuti. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang magchismisan dito sa library. Kanina pa nakatambay eh kahit na isang libro walang hawak. Mahirap pa man ding mag-aral ngunit alam kong napakahalaga nito. Tapos ganiyan pa ang magiging hadlang sa pagbabasa ko. Ingay mula sa mga toxic na tao.
Sabi ni mama, wag ko raw sya tularan. Tamad daw kasi sya mag-aral noon pero naipagpatuloy niya naman. Ngayong ganap na siya na pulis, saludo ako sa kaniya. Hanga ako kasi ang naging inspirasyon niya ay ang mga estudyanteng nakilala niya noon. Ang mga estudyante noon sa eskuwelahan kung saan ako pumapasok ngayon, ang L.I.V.E University.
"Ivy, are you done reading that book?" tanong nang isa sa mga kaklase ko. Kahit hindi pa ay ibinigay ko na sa kaniya. Lumabas na ako ng library at nagtungo sa aming silid-aralan.
It is actually 8 PM. Bakit? Actually, 3 PM ang start ng klase namin at ngayon ay wala ang aming guro. Walang katao-tao sa aming silid nang pumunta ako dito. Sobrang tahimik. Tanging ang ihip ng hangin na nagmumula sa labas lamang ang aking naririnig. Sa gitna ng katahimikan ay hindi ko na ito kinaya. Nilabas ko ang aking earphones at isinaksak sa aking tainga ngunit may mali. Kahit anong lakas ng tugtog ay namamayani pa rin sa aking pandinig ang nakabibinging katahimikan. Bakit ganoon?
Sa inis ko ay inalis ko na lamang ang nakasaksak sa aking tainga at inilabas ang aking diary.
Dear Diary,
I want to do something right now pero wala akong maisip na maaaring gawin. I want to explore L.I.V.E University but I don't know how to start.
"Wag na kasi." Laking gulat ko nang may magsalita sa aking likod. Akala ko kaklase ngunit hindi. Binabasa niya pala ang diary ko habang nagsusulat ako. Ano naman kayang tinutukoy nito?
"Excuse me? Do I know you po? Ano pong ginagawa niyo sa classroom namin?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya.
"Wala naman. Napadaan lang. Nakita kasi kitang nag-iisa kaya lumapit ako pero busy ka yata sa pagsusulat sa diary mo. Mukhang gusto mo pang malaman ang lahat ng tungkol sa eskuwelahan na ito." Sabi nito sabay tingin sa labas. "Kung ako sa iyo, wag mo na ituloy. Wag mong hayaang mamayani ang kuryosidad sa isipan mo. Minsan kasi nakakamatay ang sobrang kuryosidad." Dugtong niya sabay tawa ng mahina.
Napakunot ang aking noo. Natatakot ba sya? Siguro ay alam din niya ang karumal dumal na pangyayari noon dito sa eskuwelahan na ito kaya ganoon na lamang ang kanyang tugon.
"Sino ka po ba?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Ngayon ko lamang napagtantuan na tila isang anghel siya. Napakaganda niya.
"I know your mother. Naging guard siya ng school na ito diba?" Nagulat ako sa naging tanong niya. Paano niya nalaman ang bagay na iyon? Matagal nang panahon iyon. Wala pa ako mundo noon. Kung titignan ko itong babae na nasa harap ko ngayon, parang kasing edad ko lang ito. Paano niya naman nakuha ang impormasyon na iyon eh hindi pa siya nabubuhay sa mundo noon.
"Ah.. O-oo. Paano mo nalaman? At bakit? Saka wait, sino ka ba?" sunod-sunod na tanong ko.
"May mga bagay na mahirap intindihin. Mayroong mahirap paniwalaan. Hindi mo alam nabubuhay ka na pala sa mundo ng kasinungalingan. Sa mundo na puno ng pagpapanggap. Kaya mag-ingat ka. May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari. At alam mo kung anong masaklap? Hinding hinding hinding hindi mo magugustuhan ang pangyayari na iyon." Mahabang paliwanag niya. "Sobrang sakit. Yung paulit-ulit kang sinasaksak. Sinasaksak ng katotohanang wala nang pangalawang pagkakataon. At kung meron mang pagkakataon, wala pa ring sasagip. Sobrang sakit na lahat ng tama na matatamo mo mula sa kutsilyo ng galit at poot ay siyang papatay sa buo mong pagkatao.. ay siyang papatay sa iyo." Sabi niya at napaluha. Nakaramdam ako ng awa. Hindi kaya konektado siya sa isang estudyante na namatay noon? Pero paano? Sino siya?
"Oo nga pala, paalam na. Basta lagi mong tatandaan, wag mong hahayaang mamayani ang kuryosidad sa iyong isipan. Lalo na..." tumingin muli siya sa labas at muling ibinalik ang tingin sa akin. "..kung tungkol sa eskuwelahan na ito. Dahil hindi pa tapos.. hindi pa tapos ang lahat. Mag-iingat ka." Nanlalaki ang aking mata nang marinig ko iyon. Sa kaniyang unti-unting paglayo, mas lalong nanlaki ang aking mata dahil sa aking nakita. Ang mga sugat sa kaniyang katawan. Tila paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo. Sa kanyang pagharap, nakita ko sa kanyang mga mata ang kawalan ng pag-asa, ang lungkot, at ang pagmamakaawa. Ngunit unti-unti rin siyang ngumiti. Tila nagkaroon siya ng pag-asa.
"Ivy", tawag niya sa aking pangalan. "Ako nga pala si Hanna. At mayroon akong isang hiling." sabi niya pa. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata. Hanna? Isa kaya siya sa mga naging biktima noon?
"Sana.. yung bagay na hindi nagawa ng mama mo noon. Gawin mo ngayon." Sabi niya sa akin at napakunot ang aking noo. Anong gusto niya? Bakit siya nagpaparamdam sa akin. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng aking puso at ang pagtaas ng aking balahibo. Nakakakilabot.
"Tulungan mo kami, Ivy."
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Misterio / SuspensoFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...