Chapter 46

780 18 8
                                    

Chapter 46: Love against Death

Cheska POV

Makalipas ang mahigit isang oras na paghahanap, sa wakas nakita ko narin sya.

Jezreel Gomez, Im sorry for hurting your feelings.

Naglakad ako palapit sa kanya. Natanaw kong umiiyak sya at umiinom ng alak.

Hinawakan ko ang kanyang balikat dahilan upang tumingin sya saakin ng dahan dahan.

"Ch-cheska." Nauutal na sabi niya saakin. Nginitian ko sya.

"Jezreel, sorry kanina. Wala lang talaga ako sa mood. Nakakainis kasi yung katextmate ko." Paliwanag ko sa kanya. Ngumiti din sya saakin. Napipilitan.

"Yun ba? Ok lang. Tanggap ko." Sabi niya at ngumiti ng peke. Iniyuko niya ang kanyang ulo para hindi ko makita ang pagtulo ng kanyang luha.

"I love you as a friend. Kung nagtataka ka, wala namang friendships sa section natin. Pero totoo, tinrato kita bilang kaibigan. I love you as my friend, Jez." Sabi ko sa kanya at tumingin naman sya ng diretso sa aking mata.

"Drama."

Sabay kaming lumingon ni Jezreel sa kararating lang na kaklase namin.

"Pwede ba? Umalis ka nga dito." Iritang sabi ko sa kanya.

"What If I don't want to? Anong gagawin mo? Hahahaha." Sabi niya saakin sabay halakhak na parang demonyo.

Nakaramdam ako ng takot

Hindi ito pwede. Sigurado ako sa pinaniniwalaan ko.

"U-umalis ka na." Sabi ko sa kanya. Ngunit nginisian niya lamang ako.

"Love birds. Ang sweet niyo naman. Tignan lang natin kung unahin niyo pa ang pagmamahal kapag nasa bingit na kayo ng kamatayan." Sabi niya at sinugod kami.

Nakaiwas kami sa ginawa niyang pagsugod. Sinipa niya sa Jezreel sa tiyan dahilan upang mapaluhod ito at hinampas ng matigas na bagay sa ulo. Kasabay nito ang kawalan ng malay ni Jez.
"How dare you.!!" Sigaw ko sa kanya at kasunod nito ay ang muling pagsugod niya.

Gaya ng ginawa niya kay Jezreel, hinampas niya sa aking ulo ang matigas na bagay na iyon.

-------------

Im on the highway to hell
On the highway to hell
Highway to hell

Nagising ako ng makarinig ako ng sobrang lakas na musika. Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Ang sakit ng katawan ko.

Teka? Nasaan ako?

Nilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Nasa loob ako ng isang madilim na silid. Nahagip ng mata ko ang isang imahe ng isang tao. Nakaramdam ako ng matinding takot. Lalaki.

"JEZREEL?!"
"CHESKA?!"

Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang nagiba ang kanta. Sumibol ang kaba saaking dibdib.

We're half way there
Whoa, livin' on a prayer
Take my hand and we'll make it- I swear
Whoa, livin' on a prayer

"Jezreel... Natatakot ako." Naiiyak kong sabi sakanya.

"Wag kang magalala, nandito lang ako. Wala kang dapat ikatakot." Matapang na tugon niya.

Biglang tumigil ang kanta. Napatigil kaming dalawa at mas lalo akong kinabahan.

"Tama na ang lambingan love birds. Oras na ng paglalaro. Hmm? Handa na ba kayo?"

Napalitan ang kanta ng isang malalim at nakakatakot na boses. Siya. Kung nalaman ko lang ng maaga kung sino siya ay baka ako na mismo ang pumatay sa kanya. Mapagpanggap.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon