Chapter 7

2K 54 19
                                    

Chapter 7: Inspiration

Hanna POV

Maaga pa lang ay umalis na sila Abe at Mary upang magtungo ng SSG Office.

Masaya ako para sa kanila dahil kahit baguhan palang kami dito ay isa na sila sa may pinaka mataas na tungkulin sa paaralan.
Kasama ko sila Jhoni at Pauline ng pumasok sa aming silid.

"Bakit kayo lang? Nasaan si Abe at Mary." nagtatakang tanong saamin ni Rommel.

"Ah. Nasa SSG Office.. You know, new President and Secretary." sagot ko sa tanong niya.

Nilagpasan na namin si Rommel ng wala na syang tinanong. Naupo na kami nila Jhoni sa aming upuan. Wala pang gaanong tao dito sa silid dahil maaga kaming pumasok.

"Ang aga naman natin." pagrereklamo ni Jhoni.

"Ok lang yan. Mas mainam ng maaga kesa late. " sabi ko sakanya.

Tinignan ko ang oras at 7:10 palang. Maaga pa nga.

"Saglit lang guys ah" pagpapa alam ko.

Lumabas ako ng silid upang magtungo ng SSG Office. Titignan ko lang kung anong ginagawa ni Mary at Abe.

Tatakbo na sana ako ng biglang may nakabangga ako.

Si Gabe.

"Oops sorry." nahihiyang sabi nya.

"Ok lang." nakangiting sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa kasama niyang lalaki. Matangkad, payat,  gwapo. Hindi namin sya kaklase kaya hindi ko sya namumukhaan.

"Ok sige punta na akong room Hanna ah. " pagpapa alam nya saakin.

Nakingiting tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang nasa tapat na ako ng SSG Office ay kumatok na ako dahil nakasara ito.

Isang lalaking makisig, matangkad, maputi, at chinito ang nagbukas ng pinto.

"U-uhm n-nandyan b-ba si Abe a-at Mary?." nauutal na tanong ko.

Ang guwapo naman kasi ng lalaking ito. Ano kayang pangalan nya?

"Yes. Anong kailangan mo?." seryosong tanong niya habang nakataas pa ang kilay.

Guwapo na sana sya kaso mukhang masungit. Sayang naman ang itsura nya.

"A-ah ako s-si H-hann---"

"Im not asking for your name, I'm asking what you need". masungit na sabi nya.

"Ahh kung ilang taon na ako?." sarkastikong sabi ko.

"Tss.. Sabi ko kung anong kailangan mo.. Stupid". muling sabi ng masungit na lalaking ito.

"So you're telling that I'm stupid? For your information, I know the evolution of human, I know the distance of planets from the sun. Tapos ako pa ngayon ang stupid? Wala ka bang sense of humor? Di ka mabiro. Ilabas mo nalang sila Abe at Mary". sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ang dami mong sinabi. Ano bang kailangan mo kay Ms. President at Ms. Secretary?"

"Matuto ka kasing magpatapos ng sasabihin. Ako si Hanna, kaibigan nila ako". sabi ko sabay irap uli.

"Tss, maghintay ka lang. Tatawagin ko na". sabi nya

"Good" pahabol ko pang sabi.

Maya maya pa ay lumabas na mula sa SSG Office sila Abe at Mary.

"Oh bakit ka nakabusangot?". tanong ni Abe.

"Sino ba yung lalaki na nagbukas ng pinto kanina?." pabalik na tanong ko sa kanya.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon