Chapter 11: Suffer
Beverly POV
"What the hell? Look! Nadumihan ako at dahil yun sa katangahan mo!" sigaw ni Melissa sa kaklase naming si Audrey.
"Excuse me? FYI, hindi yun katangahan! Sinadya ko yun dahil bagay naman sayo eh! Look Melissa.. You're prettier with some chocolates in your face. Hahahaha." sagot naman sa kanya ni Audrey.
"Tama na nga yan! Itigil niyo na yang pag aaway niyo!" awat sa kanila ni Mira.
"Wag ka ngang mangialam dito Mira. Gusto ko lang turuan ng tamang paggalang sa mas nakakaganda ang babaeng ito!" sabi ni Melissa kay Mira.
"What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mas.. what?" bingi bingihang sagot naman sa kanya ni Audrey.
"Tama na sabi eh! Makinig nga kayo saakin!!" sigaw sa kanila ni Mira at natahimik naman ang dalawa.
"Pwede ba Mira! Wag mo nga silang pakialaman kung gusto nilang mag away dyan. Wala ka namang magagawa kahit magpatayan pa sila dyan eh! At isa pa. Hindi na ikaw ang SSG President so pls stop acting na akala mo susundin ka nila." pagtataray sa kanya ni Robi.
Bigla akong kinabhan.
Magpatayan?
Bigla ko nanaman naisip ang mga nakita ko.
Wala ng nagawa si Mira at naupo na lamang sya sa kanyang upuan. Maya maya pa ay dumating si Ma'am Espino sa aming silid.
Ang kaawa awang Ma'am Espino na sinisisi nilang lahat sa pagkamatay nila Gabriel at Donna.
Nang matapos magklase si Ma'am Espino ay iniwan ko sila Hazel at Bea at nagmadali akong magtungo sa restroom.
Walang tao dito at pumasok na ako sa isang cubicle.
"Beverly.. Are you there?"
Tumindig ang aking balahibo ng marinig ang nakakakilabot niyang boses.
Ang pumapatay
Nanatili akong tahimik at hindi sumagot upang magtago.
"I know na nandyan ka. You dont need to hide. Kasi kahit saan ka pa magtago, mamamatay ka parin. LAHAT KAYO! MAMAMATAY!" isinigaw niya ang huling sinabi niya.
Nanginginig ang aking buong katawan sa takot.
Is this my end?
"Ikaw kasi eh.. Nakita mo pa. Nalaman mo tuloy ang sikreto ko. Ayan tuloy, kailangan kitang patahimikin. At isa lang ang paraan para manahimik ka. Ang kamatayan mo." sabi nya habang isa isang binubuksan ang pintuan ng mga saradong cubicles.
Napatalon ako sa gulat ng marinig ang isang kalabog mula sa pintuan ng aking pinagtataguan.
Matapos ang isang kalabog ay sunod sunod na kalabog na ang nangyari at kusang tumulo ang luha mula sa aking mga mata.
Natatakot ako. Ayaw ko pang mamatay.
Help me please
Ang tanging naisip ko at hindi magawang isigaw ng aking bibig.
"Beverly Castillo! Wala ka ng takas. Sumuko ka na! Tanggapin mo na katapusan mo na! Lumabas ka na dyan! Wag mo na akong pahirapan!" sabi niya saakin ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.Namatay ang lahat ng ilaw sa restroom dahilan upang wala na akong nakita.
Narinig ko na lamang ang pagbagsak ng pintuan sa cubicle na pinagtataguan ko at kasabay nito ang napakalakas na hampas ng isang matigas na bagay saaking ulo dahilan upang bumagsak ako sa lupa.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...