Chapter 18

1.3K 33 15
                                    

Chapter 18: A Bloody Dream

Jhonilyn POV

'Mamamatay ang kaibigan mo'

'Papatayin nya kayong lahat, walang matitira sainyo. '

'Maghanda na kayo , magsisimula na ang tunay na delubyo'

DADANAK ANG DUGO

"Jhoni!! Ano ba? Tulog ka ng tulog eh. Magcecelebrate nga tayo."

Naalimpungatan ako sa pagsigaw ni Abe.

I'm just dreaming, Thank God!

Pero magkakatotoo kaya yun?

"O ano? Tutunganga ka lang dyan? Tayo!" Muling sigaw saakin ni Abe.

Tumayo ako at umupo sa harap ng lamesa. Nandoon na si Hanna at Mary. Si Pauline naman ay namumutla.

Anong nangyari dyan?

"Let's eat na." Masayang sabi ni Hanna.

For the first time, hindi ako ang nagluto. Lagi nalang kasi ako ang nagluluto ng pagkain namin kapag tinatamad kaming bumili sa food court.

"So.. Pauline. What happened?" Tanong ni Mary kay Pauline.

Tumingin kaming lahat kay Pauline at natigilan syang kumain.

"A-ahh. Ano?" Pagbibingi bingihan ni Pauline.

"Ano daw ang nangyari sayo? Bingi lang?" Sabi naman ni Abe.

"E kasi----"

Tok tok tok!

Natigilan sa pagsasalita si Pauline ng may kumatok sa pintuan.

Tumayo si Abe para buksan ito.

"CONGRATULATIONS!" Masayang sabi nila Gabe, Joshua, Mira, at Kimberly.

"Thank you guys, tara pasok." Anyaya sa kanila ni Hanna.

May dala silang cake na may Congratulation Ms. L.U Hanna pang nakalagay. Tuwang tuwa naman si Hanna dito.

"Salamat talaga guys." Masayang sabi muli ni Hanna.

"Sus. Wala yun. Proud lang kami sayo." Sabi ni Gabe at niyakap nya si Hanna. Nagsiyakap na rin sila Mira at Kimberly.

"Buti pa sya niyayakap mo, ako naman." Sabi ni Joshua kay Gabe ngunit hinampas lamang sya nito.

Sa gitna ng kasiyahan namin ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Kiel.

"O anong ginagawa mo dito?" Pagtataray sa kanya ni Hanna.

"Tinext ko sya para sumama sa celebration." Nakangiting sabi ni Mary dahilan upang mapatingin kami sa kanya.

"What? May number ka nya?" Gulat na sabi ni Hanna.

"Yes. Why? Inggit ka? Sige. Bigay ko sayo mamaya." Sagot ni Mary at sinamaan naman sya ng tingin ni Hanna.

"Uhmm. Congrats." Biglang sabi ni Kiel kay Hanna.

Tinignan sya ni Hanna mula ulo hanggang paa.

"Oo. Congrats saakin. Sayo? Loser. Panget ka kasi. Hahahaha." Pang aasar ni Hanna kay Kiel.

Harsh

"Harsh nito. " sabi ni Gabe kay Hanna.

"Si Hiro talaga ang totoong gwapo eh kaya natalo ka nya." Sabi muli nito kay Kiel.

"Oy! Ano? Gwapo si Hiro? Oo, Hanna gwapo talaga sya." Biglang pagsingit ni Abe.

"Bakit? Type mo si Hiro?" Tanong ni Mira kay Abe at namula naman ito.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon