Chapter 59

845 17 13
                                    

Chapter 59: Survivor's Death

Joshua POV

Nakarinig ako ng malakas na hagulgol. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ininda ko ang sakit na nanunuot sa aking sistema. Kailangan ko siyang makita.

Pinilit kong tumayo at hinarap ang babaeng umiiyak. Hindi ako nagkamali. Siya nga. Nakaramdam ako ng kaunting galak ngunit agad din itong nawala ng makita ko siyang nahihirapan.

"Gabe?" Bulong ko ngunit sapat na upang marinig niya. Nanghihina na ako at patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa aking ulo. Halos malasahan ko na ito.

"JOSH! Ayoko na dito! Natatakot ako Josh... Please ayoko na." Umiiyak na tugon niya. Kahit gusto naming umalis dito ay wala na kaming magagawa. Katapusan na namin.

"Wag kang mag alala. Hindi kita pababayaan. Mahal kita Gabe." Nginitian ko siya upang kahit paano ay mawala ang takot niya.

Lalakad na sana ako papalapit sa kanya ngunit doon ko lamang napansin ang lubid sa pagitan namin.

Anong ibig sabihin nito?

Nakarinig ako ng yabag papunta sa kinaroroonan namin. Sumibol ang galit sa aking sistema. Paparating na ang demonyo. Gusto ko siyang patayin ngunit wala na akong lakas.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinuntok siya. Umilag siya atsaka ako sinipa sa tiyan. Napaatras naman ako. Dumura ako ng dugo papunta sa kanya.

"Ang ganda naman ng bungad mo saakin. Hindi ka ba naturuan ng tamang pagbati? Tsk. Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang walang kwentang tulad mo?" Sinabi niya ito sa tonong galit.

"Pakawalan mo kami dito! Ano bang makukuha mo kung papatayin mo kami? E gaya ng sabi mo wala akong kwenta!" Sigaw ko. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtayo ni Gabe. Lumuhod ito sa harap ni Mira.

"Mira tama na please? Kell parang awa mo na." Pagmamakaawa niya dito. Napapikit na lamang ako sa kanyang ginawa. Napadilat ako ng humalakhak lamang siya. Wala siyang awa.

"AWA?! Wala ata iyan sa bokabularyo ko." Natatawang anas niya. " Simulan na natin ang laro. Nakikita niyo naman siguro ang dalawang lamesa kung saan nakalagay ang tig anim na kopang iinumin ninyo." Ngumisi siya.

"Anong meron sa mga iyan?" Takang tanong ko. Mas lumawak ang ngisi niya.

"Alak ang mga iyan ngunit wag kayong mag alala dahil mahina lamang ang epekto niyan sa katawan ninyo. Ang bawat isa niyan ay nilagyan ko ng lason." Sabi niya atsaka humalakhak. "Ang unang makaubos ng lahat ng iyan ay siyang makaiinom ng lunas. Pwesto!" Sabi niya saamin.

Nagkatinginan kami ni Gabe. Pumikit ako atsaka tumalikod sa kanya. Pumunta ako sa harap ng lamesa. Nakita ko sa gilid ng aking mata na pumunta na rin siya sa kanyang mesa.

"1...2...3...Go!"

Gabe POV

"1...2...3...Go!"

Agad akong kumuha ng isang kopa atsaka ito ininom. Ramdam ko ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Mapait ito ngunit kakayanin.

Kumuha pa ako ng isa pa atsaka ito ininom. Napalingon ako kay Joshua at nakatatlong baso na siya. Agad kong kinuha ang isa pang kopa at ininom ito. Unti-unti kong naramdaman ang pagsakit ng aking ulo. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan.

"Di ko na kaya... Suko na ako." Bulong ko. Lumingon saakin si Joshua.

"Kayanin mo yan Gabe. Gawin mo ang lahat para matalo ako." Sinabi niya saakin habang nakangisi. Natakot ako sa iniasta niya kaya agad akong kumuha ng kopa at ininom ito.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon