Chapter 60

998 17 14
                                    

Chapter 60: Killer's Revenge

Mira POV

Nakakatuwang pagmasdan na magkakasama na silang nakagapos sa aking harapan. Pinaghalong tuwa at galit ang nararamdaman ko ngayon. Galit dahil hindi ko padin makalimutan ang mga nagawa nila saakin at tuwa dahil pwede ko na silang patayin sa oras na ito.

Matatahimik lang ako kapag wala na sila. Kapag namatay sila, pinapangako kong magbabago na ako. Sila lang naman ang sumira saakin eh. Sinira nila ang plano kong magbagong buhay noon.

Limang taon ang nakalilipas. Si Hazel Covey at Jhonilyn Yoo ang aking mga matatalik na kaibigan. Kasama ko silang pumatay ng mga walang kwentang mga kaklase namin. Ngunit nagbago ako. Binago namin ang aming buhay. Umalis si Jhoni noon at bumalik siyang may kasamang iba. Ang apat na mga tanga na ito. Simula ng mawala ako bilang SSG President, nabawasan ang pagiging mabuti ko. Sinagad nila ako ng agawin ni Hanna si Kiel saakin.

"Ano ng plano mo?" Tanong ni Jhoni saakin habang kasama niya si Joseph. Nabibitter talaga ako sa kanila dahil sa holding hands nila.

"Hintayin natin silang magising." Sagot ko naman sa kanyang tanong. Nakakainip. Ang tagal nilang magising. Kating kati na ang aking mga kamay. Kahit kakapatay ko lang kay Gabe at Josh. Handa nanaman akong pumatay.

Naalerto ako ng isa isa silang nagising. Lumapit ako sa kanila at tinanggal ang mga busal sa kanilang bibig. Gusto ko silang makausap. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita kung sino ang aking kasama.

"JHONI?!" Gulat na sabi nila. Napangisi naman si Jhoni dahil sa naging reaksyon nila.

"Hayop ka! Traydor ka! Inuto mo kami! Demonyo ka!" Sigaw sa kanya ni Abegail. Napahalakhak na lamang ako dahil sa kanilang inasta. Sumabay si Jhoni sa aking paghalakhak. Ramdam ko ang galit nila. Nakakatuwang mga tanga.

"Ang daldal niyo naman. Joseph! Ibalik mo na nga yung mga busal nila sa bibig." Utos ko na agad niyang sinunod. Nagpipigil ako ng tawa ng makita kong pinipilit nilang sumigaw ngunit hindi din ito nagtagal. Nanumbalik ang galit na aking nararamdaman. Lumapit ako kay Abegail na nanlilisik ang mga mata.

"Ikaw inagaw mo ang posisyong pinakamamahal ko! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko para makamit ang posisyong yon tapos aagawin mo lang?".

PAK!

Napalakas ang aking pagsampal. Nanginginig ang aking kamay sa galit. Gusto ko na silang patayin ngunit gusto kong dahan dahanin.

Sumunod akong nagtungo sa puwesto ni Mary. Galit na galit din siya na parang napapantayan niya ang galit na nararamdaman ko. Tunay ngang palaban pero hindi malakas. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi habang bumabaon ang aking kuko sa kanyang pisngi.

"Ikaw naman, masyado kang palaban. Lahat nalang binangga mo, pati tuloy ako nabangga mo".

Lumipat naman ako kay Hanna. Patuloy naman ang kanyang pag iyak. Mahina siya. Hindi ko alam na tipo pala ni Kiel ang mga babaeng mahihina. Hinawakan ko naman ang kanyang buhok at gigil na hinila ito.

"Ikaw! Masyado kang nagmamaganda! Pati lalaking pinakamamahal ko inahas mo. Bitch!". Sabi ko at galit na binitawan ang kanyang buhok.

Agad akong lumipat kay Pauline. Nanlilisik din ang kanyang mga mata. Akala ko ba matalino ito? Bakit hindi siya nakakagawa ng paraan para tumakas dito ngayon?

"At IKAW.. Ikaw ang sumira sa lahat ng plano ko. Pakielamera ka kasi. E kung tumahimik ka nalang, wala sana kayong lahat dito! ".

"Pfft." Napalingon ako kay Jhonilyn. Nakita ko silang nagpipigil ng tawa ni Joseph. Mukhang pinagtatawanan nila ang mga tanga. Tama nga. Nakakatawa sila. Mga mahihina, mga tanga, mga walang silbi.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon