Chapter 54: Closing Party
Siah POV
Bakit ako mag aaksaya ng oras sa kanila? Hindi ko sila kailangan para malibang ako. Monica is always there for me.
"Siah." Tawag saakin ni Monica. Tumingin ako sa kanya. Mukhang ang laki ng problema niya.
"What if.. " pabulong niyang sabi. "Lumipat ako ng ibang school?" Sabi niya dahilan upang mapatayo ako.
"No, Monica. Hindi mo ako iiwan dito." Matigas na sabi ko sakanya. Hindi ko kakayaning malayo saakin ang pinakamamahal ko.
"Just asking."
Ring ring ring
Inis kong sinagot ang tumatawag saakin.
"Siah! Ano go ka ba?" Dinig kong sabi ni Gabe sa kabilang linya.
Ito nanaman ang usapang closing party. Bukas na iyon magaganap at hindi ko alam kung pupunta ba ako.
"I'm not yet sure."
"Please lang. Siguraduhin mo na. Bukas na yun oh! Ano? Pupunta ka ba?" Tanong niyang muli.
Tumingin ako sa direksyon ni Monica. Tumango sya saakin at ngumiti.
"Ok fine. I'll go." Sagot ko sa kanya.
"Good. Bukas 8am. Meeting Place sa Gymnasium." Sabi niya at binaba ang telepono.
"Closing?" Tanong saakin ni Monica at tumango na lamang ako.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng closing party. PARTY. Magpaparty pa kami sa lagay na yun?" Natatawang sabi ko.
Nang umalis na si Monica ay agad akong nagpahinga at natulog. Gabi na at maaga pa akong aalis bukas para lang sa party na iyon.
Ano nanaman kayang magaganap bukas?
Gabe POV
"Try namin."
Napabuntong hininga ako sa naging sagot ni Mary.
Nagyayaya kasi ako para sa Closing namin bukas pero puro sila try at hindi makakapunta.
"Di pa kami sure. Sorry Gabe." Sabi saakin ni Abe. Tumango na lamang ako at tumingin kay Kimberly at Mira.
"Kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Sayang. Plano ko kasing i-stalk si Kurt bukas. Ay! Hahabol nalang ako." Sabi ni Mira na tuwang tuwa pa dahil nakaisip ng paraan.
"Sige. Punta ako." Sagot naman ni Kimberly. Napangiti ako sa naging sagot nila.
"Isasama mo ba si Josh?" Tanong sakin ni Kimberly. Umiling ako dahil alam kong busy si Josh. It's our class' closing party. Hindi sya belong.
Nagyaya na rin ako sa iba naming kaklase at pumayag naman silang lahat.
Kung kumpleto lang sana kami edi sana masaya kaming lahat.
"Matulog ka na." Sabi ni Josh sa kabilang linya.
"Ok. Goodnight." Sagot ko sa kanya.
"Sweetdreams. I love you." Sagot niyang muli at binaba na ang tawag.
Inihiga ko ang aking pagod na katawan sa kama at ipinikit na ang aking mata.
----------
"Goodmorning beautiful!" Bati ko sa aking sarili ng humarap ako sa salamin.
Maaga akong nagising dahil mag aayos pa ako para sa Closing Party namin. I'm so excited. Mahilig talaga ako sa party.
Nang maayos ko na ang aking sarili ay mabilis na akong nagtungo sa Gymnasium. Naabutan ko doon si Kimberly at Kimfaye.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystère / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...