Chapter 38: Dart
Killer POV
Lakad dito, lakad doon.
Paikot ikot ako sa buong silid. Nasasabik na muling humawak ng patalim.
Tinignan ko ang lalaking dadalhin ko na sa impyerno.
Ang tagal naman nitong magising. Inip na inip na ako dito. Gigisingin ko na nga lang ang lapastangan na ito. Nakakainis pagmasdan ang mukha niya, naalala ko ang mga kalokohan niya. Nagagalit ako sa mga katulad niya.
Lumayo muna ako at kinuha ang dalawang kutsilyo. Pagkaharap ko ay nakita kong gising na siya. Buti naman at hindi na ako mahihirapan.
"Gising ka na pala! Ang prinsipe... ng lahat. Loyal ka diba? Loyal sa lahat! Masarap ba sa pakiramdam ang pwestong iyan?" Bungad ko sa kanya.
"Akala ko ba pag ginawa ko yung inuutos mo hindi mo ako papatayin? A-ano i-ito?" Nagtatakang tanong niya saakin.
"Ang hindi ko papatayin ay ang mahal mo! Hindi ikaw! Akala mo ligtas ka na? Ano ka sineswerte? Yung inutos ko nga saiyo hindi mo nagawa ng maayos eh!" Sigaw ko sa kanya. Ginagalit talaga ako nito. Nakita kong nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Dapat kasi ginalingan mo eh, ayan tuloy di ka nila pinaniwalaan. Wala ka naman palang pakinabang, hindi ka kailangan sa buhay. Wala kang kwenta, bagay lang sayo na mamatay." Sabi ko sa kanya.
"PAKAWALAN MO KO DITO! HAYOP KA! MANLOLOKO KA! NILINLANG MO AKO!" Sigaw niya. Pilit siyang kumakawala sa pagkakatali niya. Nakatali paitaas ang kanyang dalawang kamay at magkadikit na nakagapos ang kanyang mga paa. Nakakatuwang pagmasdan ang kanyang sitwasyon.
Ang lakas ng loob na sigawan ako ng lapastangan na ito. Wala namang binatbat. Hanggang sigaw lang naman ang kayang gawin.
"Kahit anong gawin mo, hindi ka na makakawala. Ano akala mo sakin? Hindi maingat? Mas malakas ka saakin pero mas mautak ako kaysa saiyo." Tugon ko sa kanya. Tinutok ko sa magkabilang hita niya ang kutsilyo.
"W-wag! P-parang awa m-mo na!" Pagmamakaawa niya sa akin. Bakas ang takot sa kanyang mukha.
"Oh? Nasaan na ang lakas mo? Gaya ka rin pala nila eh. Mahina ka!" Sigaw ko sa kanya. Binaon ko na ito sa kanyang hita. Hindi ako nakuntento at mas diniinan ko pa ang pagkakabaon dito.
"AAHHHHH!...Paano mo kami napaikot at naloko? Akala mo anghel pero totoo isa kang demonyo!" Sigaw niya.
"Easy. Mga tanga at uto-uto kasi kayo." Tugon ko.
"At tutal hilig mo naman ang paglaruan ang mga babae. Baliktarin naman natin ang sitwasyon, ako ang maglalaro at ikaw ang paglalaruan." Sambit ko. Sumilay ang ngiting lagi kong pinapakita sa kanila. Lumandas ang takot sa kanyang mukha.
"Gusto mo ng trivia? Alam mo bang magaling ako maglaro ng dart?" Malambing kong sambit sa kanya.
"A-anong binabalak m-mo?" Nauutal niyang tanong saakin.
"Gusto ko pa mas gumaling dito eh. Paano kung sayo kaya ako mag-practice? Pero ang gagamitin ko naman ay ang patalim ko." Malambing na sambit ko sa kanya.
Hinanda ko na ang sampong patalim na aking gagamitin at pumunta sa pwestong medyo malayo sa kanya. Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mukha.
"Huwag kang mag-alala! Hindi ko naman ito itatama sa ulo mo!" Natatawang sigaw ko sa kanya. Dinampot ko ang isang patalim at hinagis papunta sa kanyang kaliwang braso.
"Oops! Sabi saiyo eh magaling ako." Natatawang sambit ko sa kanya. Tumulo ang dugo mula sa kanyang kaliwang braso. Pumikit siya at ininda ang sakit sa braso niya.
Kumuha ako ng isa pang patalim atsaka hinagis ito papunta sa kanyang kanang braso. Shoot. Ang galing ko talaga.
"AAAAHHHH T-TAMA N-NA!" Umiiyak na siya. Ang hina naman nito.
"Paano ba iyan? May walo pang natitira kaya hindi pa tapos ang laro." Tugon ko sa kanya. Kinuha ko ang dalawang patalim atsaka hinagis papunta sa hita niya.
Natuwa ako ng ang isang patalim ay tumama sa kanyang tagiliran at ang isa naman ay sa kanyang kanang hita. Konti na lang at maliligo na siya sa sarili niyang dugo. Ginaganahan ako lalo.
"Shoot! Aba isa ata akong magaling na manlalaro." Pagmamayabang ko sa kanya.
"HAYOP KA!" Sigaw niya saakin. Nakakaawa naman, hanggang sigaw na lang siya. Wala naman siyang pinagkaiba sa kanila eh. Mga mahihina. Akala mo matapang pero isa naman talaga siyang duwag.
Dinampot ko ang isa pang patalim at hinagis papunta sa kanya. Tumama naman ito sa kanang hita niya. Kumuha ako ng isa pa.
"5 more!" Sigaw ko atsaka hinagis ang kutsilyo papunta sa kanya. Shoot. Ang sigaw niya ang tanging bumabalot sa loob ng silid. Ang sigaw niya ay tila ba isang musika sa aking pandinig. Gusto ko pa. Kumuha muli ako ng isa.
"4!" Sa pagkakataong ito, tumama ito sa kanyang kanang balikat. Sayang. Unti-unting humina ang mga hiyaw niya. Kumuha ako ng isa pang patalim.
"3!" Hinagis ko ito papunta sa tiyan niya. Shoot. Humalakhak ako, ang saya niya paglaruan. Kitang-kita ko ang pagsuka niya ng dugo. Nakakatuwang tignan ang kalagayan niya.
"Ang saya palang paglaruan ang mga tao sa paligid, ano?" Sabi ko.
"Dalawa na lang! Ano buhay ka pa ba?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakapikit na siya at hirap na hirap na sa pwesto niya.
"T-tama n-na. A-ayoko n-na." Pagmamakaawa niya. Kumuha ako ng isa pang patalim.
"Bakit? Naawa ka ba sa mga babaeng pinaglaruan mo? Kulang pa iyan sa lahat ng nagawa mo! Konti na lang at magwawakas na ang ating laro. Bakit hindi pa natin ito tapusin?" Tugon ko sa kanya.
Humalakhak ako atsaka hinagis ang patalim. Tumama muli ito sa kanyang tagiliran. Saktong-sakto.
Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Pero wala pang galos ang kanyang mukha. Iyan ang parteng kinahuhumalingan ng mga kababaihan sa kanya. Tignan natin kung mahuhumaling pa sila kung uukitan ko yan.
Napapitlag siya ng akin siyang lapitan. Tinutok ko sa kanyang noo ang patalim na hawak ko.
"Ang gwapo mo sana eh, kaso ang landi mo. Hindi ka marunong makuntento sa isa." Nang bigkasin ko ang mga katagang iyon ay sinimulan ko ng ukitan ang noo niya. Ang simbolong walang sinuman ang nakakaalam. A crown.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Hinanda ko na ang patalim na gagamitin ko upang wakasan na ang kanyang pagdurusa. Hindi naman siya kawalan.
"1." Hinagis ko ang kutsilyo patungo sa kanyang leeg. Saktong sakto.
Lumapit ako sa bangkay niya. Wala naman pala siyang ibubuga eh. Well, hindi naman siya kawalan.
"Oops! Sabi ko naman saiyo eh. Magaling ako maglaro ng darts." Bulong ko sa kawalan. Humalakhak ako na tila ba isang demonyo. Ang demonyong papatay sa kanilang lahat.
"Ang tanga nila dahil hindi ka nila pinaniwalaan. Papatayin ko kayo isa-isa at magdurusa kayong lahat sa kamay ko." Akmang aalis na ako ng bigla akong may naalala. Muli kong tinitigan ang kanyang bangkay.
"Nagbago ang isip ko, wag kang mag alala. Isusunod ko na ang babaeng mahal mo." Sabi ko at napahalakhak na lamang ako.
Rest in Peace, Nar
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...