Chapter 16

1.2K 35 4
                                    

Chapter 16: Mr. and Ms. L.I.V.E University Part 2

Pauline POV

"Ang tagal mag start." Sabi ni Mary na kasalukuyang nasa tabi ko.

Sa kabila naman ay katabi ko si Jhoni. Si Abegail? Ayun at sya ang inatasan na mag aabot ng reward mamaya.

"Ladies and Gentlemen! Are you ready?!" Sigaw ng emcee at muling napuno ng hiyawan ang buong lugar.

"We are here now to crown the new Mr. and Ms. L.I.V.E University. Let us see the contestants of this event."

Sabi muli ng emcee at nagsimulang lumabas isa isa ang mga kandidato. Magkasamang rumarampa ang mag partners.

Marami rin pala ang sumama ng Mr. and Ms. L.U.

"May Mr. and Ms. L.U na pala dati?" Tanong saakin ni Mary.

"Malay ko! Pare parehas lang naman tayong baguhan dito." sagot ko sa kanya.

Matapos ang 43 na rumampa sa stage ay lumabas ng stage si Gabe kasama ang kasintahan nitong si Joshua Edusada.

Nagulat kami ng tumigil si Josh sa harap ni Gabe at akmang hahalikan ito ngunit hindi nya itinuloy.

"Ituloy mo! Tang ina, pabitin!" sigaw ng lalaki sa likod ko.

Tss. PDA yun kung sakali.

Nang bumalik na sila Gabe at Josh ay lumabas naman si Mira kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala.

"Wooohhh! Go Mira!!" sigaw ni Jhoni na sinusuportahan ang aming kaklase.

Bumalik na rin ng backstage sila Mira.

After  15 seconds

Bakit wala pang lumalabas? Nasaan na si Hanna?

Tatayo na sana ako ng biglang lumabas si Hanna at Kiel sa backstage.

"Whoooh!! Go Hanna ang Kiel! Fight, fight!" Sigaw ko.

"Go Hanna!! Kaya mo yan!" Sigaw naman ni Jhoni na may hawak pang cellphone at vinivideohan ang pagrampa nila Hanna at Kiel sa stage.

Naghiwalay ang dalawa at pumunta sa magkabilang gilid ng stage at muling nagtagpo sa gitna.

Nang nasa gitna na ay pumalikod si Kiel kay Hanna at niyakap ito mula doon.

Napuno ng hiyawan at tilian sa buong lugar.

"They are the 46 pairs contestants in our event! Let's give them a clap of applause!"

Muling sabi ng emcee at isa isa muling lumabas ang mga contestants.

Hanna POV

Kasalukuyang rurampa ang iba pang contestants ngayon. Napakaraming sumali sa event na ito.

"Guys! Dalawa nalang at kami na ang next. Nasaan na ba yung partner ko?" Nangangambang sabi saamin ni Mira.

Bakit nga ba wala pa yung partner niya?

"Sino bang partner mo girl?" Tanong sakanya ni Gabe habang nakaabay si Josh dito.

"Si Hiro." Sagot nito.

Sinong Hiro?

Tinignan ko ang partner kong.. Hays ayaw ko ng isipin.

Tinignan ko si Kiel na kumakain.

"Hoy Mr. Madrid! At bakit ka kumakain? Pwede ba, magtiis ka nga muna. Malapit na tayo oh!" Sigaw ko kay Kiel.

"You don't fucking care." Sabi nito na nagdulot ng inis saakin.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon