Chapter 5: New SSG Officers
Hanna POV
Isang linggo mawawalan ng klase saamin dahil sa nangyaring insidente.
"Boring naman.. Walang klase" nakapalumbabang sabi ni Pauline.
"Saya nga eh.. Chill chill lang" masaya namang sabi ni Jhoni.
"Hindi tayo dapat magsaya. Namatay ang isa nating kaklase at dapat nagluluksa rin tayo" paliwanag ko sa kanila.
"Magluksa? Close ba kayo ni Gab?" tanong saakin ni Mary.
"Kahit na.. Kaklase parin natin sya." matigas na sabi ko kay Mary.
Aaminin kong until now is naaawa parin ako kay Gab. Mabuti syang tao kahit medyo may kakulitan. At the same time, naaawa rin ako sa mga tropa nya dahil alam kong nagluluksa sila sa pagkamatay ni Gab.
Sana naman ay makonsensya si Ma'am Espino sa ginawa nya. Mula kahapon ay hindi na sya nagparamdam siguro dahil wala syang mukhang maiharap saamin. Wala syang puso.
"Natatakot ako" bulong ni Abe.
"Sa totoo lang ako din.. Hindi nga ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari" -Pauline
"Psh. Mga duwag" nakangising sambit ni Mary.
Hindi na namin pinansin si Mary dahil wala kaming oras para makipagdebate sa kanya. Ang kailangan naming isipin ngayon is yung about kay Gab.
"Sige guys! Alis lang ako". pagpapa alam ni Pauline.
"Wait Pauline! Paano kung may mangyaring masama sayo?" alalang tanong ni Jhoni.
"Dont worry. Kaya ko na ang sarili ko"
Sinundan nalang namin ng tingin si Pauline hanggang sa paglabas nya ng dorm.
Pauline POV
Ang daming isipin.
Ang daming gumugulo sa aking isipan.
Ang daming katanungan na gusto kong masagot at malaman.
Paano namatay si Gab?
Bakit sya pinatay?
Sino ang pumatay?Pagkalabas ko ng dorm ay natanaw ko si Kimberly at Gabe.
"Hi Pauline! Mag isa ka lang yata". nagtatakang tanong ni Kimberly.
"Ahh oo. Nagpapahinga kasi sila sa dorm". sagot ko
"Ah ganun ba? Saan ang punta mo nyan?" -Gabe
"Library" tipid na sagot ko.
Nagtungo ako ng library kasama sila Kimberly at Gabe.
Nagtanong tanong din ako sa kanila tungkol sa nangyari kay Gab ngunit hindi rin nila alam ang kasagutan sa mga tanong ko.
Matapos kong magbasa basa sa library ay naghiwalay na kami. Nagpunta na sila sa kani kanilang dorm.Habang naglalakad ako pabalik ng aming dorm ay may mga pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa bulletin.
SSG Officers
President: Abegail Kim
V. President: Monica Melendrez
Secretary: Mary JeonMagandang balita ito para kay Abe at Mary.
Agad akong nagtungo ng dorm ngunit wala akong naabutan doon.
Nasaan sila?
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng biglang may patalim na lumipad sa direksyon ko. Agad ko itong naiwasan.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...