Chapter 48: Once you've known her secret, you will die
Jhonilyn POV
"Di nga?"
"Kailan pa?"
"Bakit di mo sinabi agad?"Gulong gulo na ako sa kanila. Nakapalibot sila saakin na parang may nagawa akong malaking kasalanan. Sabay sabay silang nagtatanong about sa pag amin ko sa kanila.
"Wait nga. Sabay sabay kayo eh. Pwedeng isa isa lang?" Sabi ni Mary sa kanila.
"Ok. Kailan pa?" Tanong ni Abe saakin habang nanlilisik ang mata.
"Bago niyo pa sya makilala." Sagot ko at nagulat naman sila. Hindi ko nasabi dahil nahihiya ako. Ayaw kong malaman nila.
Isang linggo ang nagdaan at malapit na ang bakasyon. Sa palagay ko, matagal na ang bakasyon dahil sa araw araw na walang klase. Wala si Joseph dahil umuwi sya sa kanyang pamilya.
Isang linggo akong nakahilata sa higaan. Hindi alam ang gagawin at tila bagot na bagot.
Tok tok tok
Tumayo ako upang buksan ang pinto. Ako lang ang tao dito sa dorm dahil lumabas sila. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.
"Happy Birthday!!"Nagulat ako sa bumungad saakin. Ang lahat ng aking mga kaibigan kasama ang lalaking mahal ko.
"Happy Birthday, mahal ko." Sabi saakin ni Joseph. Ngumiti ako ng malawak at niyakap sya.
"I miss you." Bulong ko sa kanya.
"O mamaya na yan.. Papasukin niyo muna kami." Sabi ni Kimberly na tila nandidiri. Nabibitter siguro.
Habang kumakain ay kuwentuhan lang kami ng kuwentuhan. Hindi muna namin pinag usapan ang nangyayaring insidente dahil baka mastress lang kami doon.
"So kamusta naman kayo ni Joseph?" Tanong ni Gabe saamin. Napangiti naman ako sa tanong niya.
"Ok lang." Sagot ni Joseph sa tanong niya.
"Eh kayo ni Josh, kamusta na?" Tanong ko naman sa kanya. Sya naman ang ngumiti ngayon.
"Stay strong." Confident na sabi niya at nagtawanan naman kami.
"Eh ikaw Hanna? May sparks na ba si Kiel?" Biro ni Abe. Sinimangutan naman sya ni Hanna."Ewan ko. But he's cute. Pero wala akong pake." Pagpapakipot ni Hanna.
Ano ito?
Usapang lovelife?
"Pauline." Natahimik ang lahat ng tawagin ni Hanna si Pauline.
Tumingin naman si Pauline na nagtatanong."Si Van ba?" Tanong ni Hanna. Ngumiti naman si Pauline ngunit agad niyang pinigilan.
"Shut up." Sagot ni Pauline at muli nanaman kaming nagtawanan. Sana ganito nalang lagi. Masaya at walang gulo.
Nalaman din namin na magkaibigan na si Mary at Chord pati narin si Abe at Hiro. Sana magkatuluyan din sila.
"Edi kayo na may lovelife." Sabi ni Kimberly na parang naiinis sa pinag uusapan namin. Tinawanan lang namin sya dahil sa inasta niya.
"Edi kayo na pinapansin." Sabi ni Mira saamin.
"Si Kurt ba?" Tanong namin sa kanya at tumango lang sya habang nakanguso. Lagi nalang yata siyang nasa building ni Kurt pero hindi sya pinapansin.
"Hahaha ok lang yan. Umasa ka lang." Asar sa kanya ni Kimberly.
Ang saya ng araw na ito. Sa dami ng problema, nawala sa isip ko na kaarawan ko pala.Pauline POV
Matapos ang kaunting salo salo namin para sa kaarawan ni Jhoni ay balik nanaman ako sa dati.
Kailangan ko ng kumilos ng mabilis bago pa mamatay ang lahat ng mga kaklase ko.
Para hindi ako makaistorbo, hindi muna ako nangulit kay Lady Guard Faye dahil hindi pa buo ang kanyang desisyon. Naghanap ako ng mga libro sa library na maaaring makatulong saakin ngunit bigo ako.
Kanino ba kasi pwedeng manghingi ng tulong?
Biglang nasagi sa aking isipan si Baliw.
'I can be your baliw forever.'
Napangiti ako nang maalala ang linyang iyon. Why are you saying that Giovanni?
"Pauline?"
Dahan dahan akong lumingon sa tumawag saakin. Si Baliw. Hinawakan ko ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng aking puso.
"A-ah Van." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya saakin habang nag iiwas ng tingin. Anong nginingiti ngiti niya?
"What?" Tanong ko sa kanya. Muli syang tumingin saakin.
"For the first time, yan na yata ang pinaka masarap ng musika na narinig ko."
Musika? Wala namang tumutugtog ah. Library kaya ito. Sinong tanga ang magpapatugtog dito?
"Musika?" Takang tanong ko.
"Ang marinig ko ang poging pangalan ko mula sa bibig ng babaeng iniibig ko."
Hindi ako makagalaw ng marinig ko iyon? Bakit kailangan mong sabihin yan Van?
Umalis sya at lumabas ng library samantalang naiwan akong tulala at inaalala ang kanyang sinabi.
Pinagpatuloy ko na lamang ang paghahanap ng libro.
Lumabas ako sa library ng wala akong makitang librong makakatulong saakin.
Saan ba ako makakakita ng librong makakatulong saakin?
Habang naglalakad tuluyan na akong nawalan ng pag asa. Babalik na sana ako ng dorm ng mahagip ng aking paningin si Zorene na nag iisa. Nilapitan ko sya upang batiin.
"Hi Zorene." Bati ko sa kanya.
Nag angat sya ng tingin dahil nagbabasa sya ng libro. Ang kapal ng librong binabasa niya.
"Hi." Bati niya pabalik. Naupo ako sa kanyang tabi. Isa si Zorene sa pinaghinalaan ko kaya natatakot ako sa kanya kung sakaling magtanong ako about sa nangyayari.
"Alam kong may itatanong ka. Ano yun?" Sabi niya saakin. Nakakabasa ba ito ng isip?
"Oo nakakabasa ako. Sabihin mo na." Sagot nito na lalong nakapagpakaba saakin. What the hell?
"A-ah.. A-about sa p-patayan. May alam ka ba na m-makakatulong saakin?" Tanong ko sa kanya. Ibinalik niya ang kanyang paningin sa librong binabasa niya.
"Matagal na ako sa eskuwelahang ito." Panimula niya. Nakinig ako ng mabuti sa susunod niyang sasabihin.
"Lagi akong mag isa. Lagi akong nasa isang sulok. Pakiramdam ko hindi ako nararapat dito." Dagdag niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Nagbago ang lahat ng dumating si Sebastian." Muling sabi niya at tumingin muli saakin. Nginitian niya ako at muling tumingin sa libro.
"Noon pa man, may nangyayari ng patayan dito. At dahil iyon sa tatlong magkakaibigan. Pakiramdam ko sumpa iyon. Ang isa sa kanila ay anak ng may ari ng eskuwelahang ito. Akala ko anumang oras mamamatay ako. Pero iniligtas ako ni Sebastian. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan. Nung makaligtas kami at maraming namatay akala ko tapos na ang sumpa at mabubuhay na kami ng payapa. Pero nagkamali ako. Dahil bumalik ang sumpa magmula dumating kayo sa eskuwelahang ito." Mahabang sabi niya saakin. Sino iyon? Ibig sabihin, kilala niya ang killer?
"Sino? Sino ang killer?" Tanong ko sa kanya ngunit tumayo na sya.
"Yun lang ang pwede kong sabihin. Because once you've known her secret, you will die."
Sinundan ko sya ng tingin. Sino ang tatlong magkakaibigan na iyon? Anak ng may ari ng eskuwelahan? Kailangan ko na talagang malaman ang L.I.V.E University History.
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...