Chapter 40

931 16 4
                                    

Chapter 40: Merciless

Kiel POV

Investigating is not easy. Ilang linggo na namin hinahanap kung sino ang nasa likod ng patayang nagaganap sa eskuwelahan namin. Ilang estudyante pa ba ang mamamatay?

"Lets talk to them. Kausapin natin sila isa isa. Malay niyo sa ganung paraan, malaman natin ang totoo at kung sino ang pumapatay." Suggest ni Monica.

Alam naming isa lang sa klaseng iyon ang may gawa nito.

Pero alam rin naming magaling silang magpanggap. Paano namin malalaman kung sino siya?

Ang klaseng puro pagpapanggap.  Ang misteryosong klase. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napasandal ako at nag unat. Pagod na pagod na ang katawan ko. Kanina pa kami nag iimbestiga dito.

"Pwede rin.." Pagsang ayon naman ni Abe. Sabagay, pwede rin naming itry.

"Including us?" Tanong ni Mary habang tinuro ang sarili at si Abe.

"Oo, kailangan eh." Sagot ni Monica.

Sa wakas, malalaman na namin ang side nila.

Melissa POV

Hindi ako makatulog

Everytime I close my eyes, lumalabas ang imahe niya.

Bakit ka naman namatay agad?

Tumayo ako at hinagis ang mga unan. Wala akong pake kung saan ito tumama. Nagkandabasag narin ang iba kong mga gamit.

Sigaw ako ng sigaw at iyak ng iyak.

Akala ko pa naman, sya ang forever ko. Masyado ba akong umasa?

Hindi ko matanggap na sya lang ang dahilan kung bakit ako humihina. Ako si Melissa Mariano, malakas, matapang, at palaban. But why? Bakit hindi ko kayang malabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

Dahil sa inis, lumabas ako ng aking dorm. Yumuko ako at umiyak muli.

"Melissa" napalingon ako sa tumawag saakin. Pinunasan ko ang aking mga luha.

"Can you pls stay away? Oo, umiiyak ako. Pero hindi ibig sabihin nun na mahina ako!" Sigaw ko sa kanya ng makita ko syang natatawa sa sitwasyon ko.

Ayaw ko sa lahat ay iniisip nilang mahina ako. Dahil, malakas ako at kaya ko silang labanan lahat.

"Really? Then prove it. Patunayan mo na malakas ka." Sabi niya at hinampas ako sa aking ulo. Dahil dito ay napabagsak ako sa lupa.

Killer POV

"TULONG!"

"NASAN KA NA?! PAKAWALAN MO KO!"

Nagising ako ng makarinig ako ng sigaw.  Nakakairita na siya ah. Sinira niya ang mahimbing kong tulog, siya naman ang sisirain ko. Matitikman niya ang bagsik ko.

Tumayo ako at pumunta sa silid kung saan ko siya kinulong. Dapat pala tinakpan ko ang bibig niya. Tinali ko na nga siya ng barb wire pero nakakapagingay parin.

"Pilitin mo kayang kumawala diyan sa pagkakatali ko sayo. Ikaw lang sa kanilang lahat ang hindi nagpupumilit." Natatawa kong sambit.

"DAHIL AKO LANG ANG GINAMITAN MO NG GANITO! Takot ka siguro na makawala ako ano?" Natatawa niyang tugon saakin.

"At akala mo naman may tutulong sayo? Patay na ang knight in shining armor mo na maglilitas kuno sayo. Wala ka ng kawala." Sabi ko sa kanya. Gigil na gigil na ako sa lapastangan na ito.

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon