Chapter 19: Guess the Killer
Mary POV
ILANG linggo na ang nakalipas.
Bakit nga ba hindi kami natutuliro? Hindi namin alam ang nangyayari.
Alam naming may problema.
Alam naming may mali.
Ilang linggo ng walang ginagawa sa klase. Ano pang silbi ng pagpasok namin araw araw?
Wala ng pumapasok na teachers saamin. As in wala. Isa lang naman ang tanong namin eh. Nasaan ang mga teachers namin?
"Hindi ba kayo nagtataka?" Biglang anunsyo ni Abe sa harapan."Hindi na tayo nagkaklase at dahil yun sa pag absent ng teachers natin." Dugtong nito.
"Edi masaya. Walang klase, free day, no stress. Parteh!!" Sigaw ng kaklase naming si Bea.
Hindi ba sila nakakaintindi? O nagtatanga tangahan lang sila? They are not funny.
"Respeto naman, Bea." Inis na sabi ni Hanna sa kanya.
"Ang point ko lang.. Hindi ba kayo nagtataka? Bakit wala yung mga teachers natin? Ano yun? Nagkasakit sila ng ilang linggo? Sobra naman yung pag aabsent nila." Paliwanag muli ni Abe.
"Tama! Wala tuloy tayong natututunan." Sabi ni Zedrick at tumawa ang mga lalaki.
Ano sa tingin nila? Nagjojoke kami? Ginagawa nilang katatawanan ang mga sinasabi ni Abe.
"Pls. Mamaya, may nangyari na sakanila eh. Nasaan si Ma'am Espino? Anong malay natin, patay na rin pala sya." Sabi ni Abe at natahimik ang lahat.
Ngunit panandalian lang pala ang katahimikan na iyon dahil sabay sabay silang tumawa ng tumawa.
"Edi magdiwang nga tayo!" Sabi ni Bea habang tumatawa.Ano?! Natuwa pa sila. Kahit pa si Ma'am Espino ang pinaniniwalaan naming pumapatay, wala silang karapatan para bastusin ang guro namin.
"Maybe patay na nga talaga sya." Napatingin ako sa nagsalita na si Jhoni. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"MAYBE" diniinan nya ang pagsasabi.
"Anong gusto mong gawin namin? Hanapin yung teacher na yun? No way! Bahala sya." Sabi ni Cheska at tumawa ng pagkalakas lakas.
Nakakatakot.
Nakakakilabot ang mga tawa at halakhak nila. Para silang mga demonyo.
Pauline POV
Patuloy ang halakhakan ng aming mga kaklase.
Halakhak na sobrang nakakakilabot.
Halakhak na tila demonyo.
Ngunit alam ko. Alam kong ISA sa kanila ang tunay na demonyo.
"Lalabas lang ako." Paalam ko sa kanila dahil naririndi na ako sa tawanan nila.
Bumuntong hininga ako paglabas ko. Hahanapin ko pa ba ang demonyong iyon?
"Ano nanaman ba?" Tinig ng isang babae.
Sinundan ko kung saan nagmumula ang boses na iyon at nadatnan ko si Zorene na may kausap sa telepono.
"Nasaan ang bangkay niya?" Tanong ni Zorene sa kabilang linya.
Nanindig ang aking balahibo ng marinig ang salitang bangkay.
Anong bangkay? Sino ang tinutukoy niya.
"Sige. Bye." Sabi ni Zorene at ibinaba na ang cellphone nya.
Umatras ako at tumakbo. Tumakbo ng tumakbo hanggang makarating ako sa lugar kung saan walang tao.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...