Chapter 10: Hanna and Kiel
Beverly POV
"Tara na Beverly balik na tayo sa dorm. Di ka ba natatakot? " bulong saakin ni Hazel.
"Kailangan nating iligtas si Donna. Baka patayin siya. "
"Beverly nag-iisip ka ba? Paano kung tayo naman ang isunod niya? " hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus ay nanatiling nakasilip sa huli nilang dinaanan.
"Hazel mabuti pa bumalik ka na sa dorm. Ako na ang bahala dito." sabi ko sa kanya ngunit tinitigan lamang ako nito.
"Go" utos ko sa kanya at sinunod nya na ako. Muli akong tumingin sa daan na tinahak nila Donna.
Sinundan ko ito at nahinto ako sa harap ng isang silid. Sumilip ako sa bintana ng silid na ito at nakita ko ang walang malay na si Donna na itinatali niya sa isang silya.
Kaawa awa...
Nagtago ako sa likod ng pader na malapit sa silid na iyon ng makita ko siyang palabas.
Nang makaalis sya ay iginalaw ko ang aking paa at dahan dahang nagtungo sa silid. Sinubukan ko itong buksan upang mailigtas si Donna ngunit nabigo ako ng naka kandado ito.
Muli akong nagtago sa likod ng pader ng marinig ko ang mga yapak niya na papuntang muli sa silid.
Nakita ko siyang may dala dalang mga pusa at isa isa itong ipinasok sa loob.
Nasaksihan ko kung paanong matakot si Donna sa mga pusang iyon at nasaksihan ko rin ang karumal dumal na pagpatay niya kay Donna.
Nakita ko ang lahat
Isusunod niya na ako
End of Flashback
Hanna POV
Mr. and Ms. L.I.V.E University
Iyan ang nakapaskil ngayon sa bulletin board at pinagkakaguluhan ng maraming estudyante.
"My gosh. Sasama ako dyan. And I am sure.. na ako ang mananalo." dinig ko mula sa isang babae.
Naglakad na ako palayo sa mga estudyanteng pinagkakaguluhan ang nakapaskil ngayon sa aming bulletin.
Nakakapagod ang araw na ito. Maraming pinapagawa at proyekto. Hindi ba nila naisip na ilang beses na kaming namatayan?
Nakaka stress na--
BOOGSH!
Napatingin ako sa lalaking nakabangga ko. Si Kiel.
"Tanga ka talaga eh no?" galit na sabi niya saakin.
"Wow!! Hoy Mr. Sungit.. Ikaw kaya dyan ang tanga. Ikaw ang paliko dyan eh! Edi sana tinignan mo kung may mababangga ka pag liko mo, diba?" sagot ko sa kanya
Nasstress na nga ako.. binubuwisit pa ako ng sungit na ito.
"Psh. Next time kasi wag kung ano ano iniisip habang naglalakad." sagot niya naman saakin.
"Wala kang pake kung may iniisip ako. Mahalaga ang iniisip ko.. ikaw ang may kasalanan!"
"Really? Ako ba yang iniisip mo?" nakangising tanong niya saakin.
WHAT? SYA?! Iniisip ko? No way. At bakit ko naman sya iisipin? Ang kapal din pala ng mukha nitong lalaki na ito.
"Ikaw? Iisipin ko? Wala akong panahon para isipin ka dahil wala kang kwenta! Buwisit. Makaalis na nga." sabi ako at tumawa naman sya.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...