Chapter 34: Bestfriend's Death Part 2
Killer POV
Nakakatuwang pagmasdan ang maamong mukha ni Hazel. Nakakalungkot nga lang na sa hinaba haba ng pinagsamahan namin, sya na ang isusunod ko.
Minsan iniisip ko, tinuring niya nga ba akong kaibigan niya o hindi?
Kasi sinira niya ang mga plano ko. Pinagtaksilan niya ako dahil sa pagmamahal niya kay Gab at sa mga bago niyang kaibigan.
Muli ko syang tinitigan. Ngayon pa lang ay magpapa alam na ako sayo, Hazel.
Naalerto ako nang makita kong imulat niya ang kanyang mata. Sumibol ang galit sa aking sistema. Wala talaga akong mapagkakatiwalaan.
"Gising na pala ang mahal na prinsesa! Kamusta ang pakiramdam na ikaw naman ang nasa pwestong iyan?" Malambing na sabi ko sa kanya. Hindi ko makita ang takot sa kanyang mata. Umalab ang galit sa aking sistema. Handa na siya.
Natawa na lamang ako nang makita ang kanyang posisyon. Mukha siyang leon na nakakulong sa isang hawla. Wala na siyang kawala. Kinuha ko ang kutsilyo sa lamesa atsaka dahan-dahang lumapit sa kanya.
"Balak mo pa atang salakayin ako ng patalikod. Kaso di ka ata natuto sakin na kumilos ng malinis." Sabi ko sa kanya.
"PAKAWALAN MO KO!" Sigaw niya saakin. Pilit siyang kumakawala sa pagkakatali ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba hahayaan kita? Isa kang traydor, bagay lang sayo na mamatay." Sabi ko sa kanya at humalakhak. Unti-unti kong nakita sa kanyang mata ang takot. Nagdulot ito ng kasiyahan saakin.
"P-patawarin mo a-ako." Nauutal niyang tugon sa akin.
"Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kita? Ano ka sineswerte?" Sarkastikong sabi ko sakaniya.
"S-sorry. Kaibigan ko kasi si Bea a-at mahal ko si G-gab, pinangunahan ako ng g-galit"
"Wala na akong paki sa katangahan mo dahil ang importante saakin ngayon ay... ang mamatay ka."
Kusang kumawala ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. Kasalanan naman niya kaya wala akong magagawa. Sinubukan niyang kalabanin ako kaya matitikman niya ang bagsik ko. Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang tainga.
"Traydor." Bulong ko sa kanya. Binaon ko ang patalim na hawak ko sa kanyang hita.
"AAAAAHHH!" Sigaw niya. Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong silid. Saganang dumaloy ang dugo mula sa kanyang hita. Hindi ako nakuntento. Mas binaon ko pa ang patalim sa kanyang hita.
"T-tama na." Nagsusumamo ang kanyang tinig. Nagbigay kagalakan ito sa aking sistema. Marahan kong hinugot ang patalim atsaka binaon ito sa kabila niyang hita.
Napasigaw siya sa sakit. Mas binaon ko ito sa hita niya. Kitang-kita ko ang pulang likidong umaagos mula rito. Napahalakhak ako sa tuwa. Hinugot ko ang patalim mula sa kanyang hita.
"Ang ganda ng kutis mo. Hindi bagay sa masahol mong ugali." Sabi ko sa kanya.
"Kung masahol ugali ko paano ka pa?" Matapang na tugon niya saakin. Sumilay ang ngisi sa aking mukha dahil sa galak. Ito ang gusto ko sa kanya, palaban. Ngunit trinaydor niya ako, magbabayad siya. Walang makakapigil saakin.
Ramdam ko ang pagkabigla ng dumapo ang mga kamay ko sa magkabilang braso niya. Inuubos niya ang pasensiya ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya. Dumaloy ang malapot niyang dugo dahil sa pagbaon ng kuko ko sa kanyang braso.
"Tumigil ka na! Akala ko ba kaibigan kita?!" Sigaw niya saakin.
"Kaibigan?! Wala akong kaibigang taksil!" Galit na tugon ko sa kanya. Diniinan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang braso. Sa bawat diin ko ay palalim ng palalim ang kuko kong bumabaon dito. Sigaw siya ng sigaw habang ako ay humahalakhak lamang sa kanyang reaksiyon.
Binitawan ko siya at kinuha ang platong naglalaman ng putaheng ipapatikim ko sa kanya. Kakaprito ko lang nito kani-kanina lamang. Aba magaling ata ako magluto.
"A-ano y-yan?" Nauutal niyang sabi saakin. Kita ko ang pandidiri sa kanyang mukha. Pasalamat siya hindi ko ito ipapakain sa kanya ng sariwa.
"Gusto mo ba malaman kung sino ang nagmamay-ari ng braso na ito?" Painosenteng tanong ko sa kanya. Hinati ko ito sa maliliit na parte at akmang isusubo sa kanya ng bigla niyang iniwas ang kanyang mukha.
"Pabebe ka pa. Pareho kayo ng kaibigan mong si Bea. Dapat lang na mamatay kayo. Oops! Patay na pala siya." Natatawa kong sambit. Nakita ko ang poot at kalungkutan sa kanya.
"WALANG HIYA KA! WALA KANG AWA!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Lapastangan. Hinawakan ko ang kanyang mukha at pilit na pinapakain sa kanya ang prinito kong braso. Pilit kong binuka ang kanyang bibig at pinakain ng braso ni Bea.
"Ikaw ba? Naawa ka ba kay Ma'am Espino at Gent nang kitilan mo sila ng buhay?" Inosenteng tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagkabigla niya. Pinakain ko pa siya.
"Isn't it delicious? Isn't it? Or maybe you want some water?" Malambing kong tanong sa kanya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng alcohol.
Hawak ko ang baso atsaka pilit pinainom sa kanya. Nang maubos niya ito ay pilit ko namang pinakain sa kanya ang tira pang pagkain. Lumayo ako sa kanya ng sumuka siya ng dugo. Kaawa-awa.
"Napipi ka na ata. Mukhang nasarapan ka yata at wala ka ng masabi." Sambit ko na salungat sa tunay niyang nararamdaman.
Dinampot ko ang kutsilyo at nilapitan siya. Wala na siyang lakas. Tinutok ko ang kutsilyo sa kanyang noo.
"Ang hina mo naman. Wala ka talagang kwenta." Bulong ko ngunit sapat na upang marinig niya. Inukitan ko ang kanyang noo ng simbolong walang nakakaalam, maliban saakin. A crown.
Dumaloy ang pulang likido sa kanyang mukha. Kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang mata. Pathetic. Binitawan ko ang kutsilyo at kinuha ang palakol sa isang sulok. Pumunta ako sa kanyang likuran.
"Gusto mong saksakin ako ng patalikod? Kung sa'yo kutsilyo ang gamit mo, ibahin mo ako. Itong palakol ko ang babaon sa likuran mo." Sabi ko. Tinutok ko sa kanang balikat niya ang palakol na hawak ko.
"T-tigilan mo n-na. Parang awa m-mo na." Garalgal na ang kanyang boses. Tinaga ko ang kanang balikat niya. Puro hiyaw niya na lang ang maririnig sa silid. Kita ko na ang laman niya at mula rito ay saganang lumabalas ang pulang likido.
"Napakabuti mong kaibigan. Sinubukan mo nga akong saksakin ng nakatalikod eh. Idol!" Sarkastikong sabi ko sa kanya.
Hinugot ko ito at tinaga naman ang kaliwang balikat niya. Napuno ng sigaw niya ang buong silid. Kita-kitang ko ang pagdaloy ng mapulang likido mula sa kanyang balikat. Kulang pa iyan. Tinaga ko naman ang pinaka-ibabang parte ng likod niya.
"Masarap ba sa pakiramdam? Ang bumaon sa likuran mo ang palakol ko?" Natatawa kong tanong sa kanya. Wala na siyang lakas. Sinunod ko namang tagain ang tagiliran niya. Kalaunan ay pinaulanan ko ng taga ang likuran niya.
Hiyaw siya ng hiyaw. Ang puti niyang damit ay naging kasing pula na ng rosas. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Dugo. Nagbigay ito ng sigla saakin.
Hinugot ko ang palakol at tinutok sa likod ng kanyang ulo. Nilapit ko ang labi ko sa kanyang tainga. Tatapusin ko na ang kanyang pagdurusa.
"Go to hell." Binulong ko ang huling katagang iyon bago ko tinaga gamit ng palakol ang likod ng kanyang ulo. Pumunta ako sa harapan niya at tanging ang malademonyo ko lamang na tawa ang bumabalot sa loob ng silid. Tama, isa akong demonyo.
"Papatayin ko kayong lahat."
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...