Chapter 3: The Interview
Mary POV
"Guys kinakabhan ako.." sabi ni Abe habang niyuyugyog pa si Hanna.
"Ano ka ba Abe! Ikalma mo, di mo ikamamatay yan". -Hanna
Kasalukuyan kaming nasa Admin Building at nakapila. Ngayon na kasi ang interview para sa SSG Officers.
Madaming tao ang interesado kaya't mahaba ang pila para sa interview.
"Ikaw Mary, di ka ba kinakabhan?" tanong ni Abe
Umiling lang ako dahil wala ako sa mood magsalita. Maya maya pa'y pangatlo na ako sa pila. Mas mauuna ako kay Abe. Pinauna nya ako dahil kinakabhan daw sya.
"Grabe! Ang lapit na natin". sabi muli ni Abe. Hindi nalang namin sya pinansin dahil paulit ulit sya.
Hindi ko namalayang nasa unang pila na pala ako at lumabas na ang nauna saakin. Ako na ang susunod.
Tumayo na ako ng hindi lumilingon sakanila ngunit narinig ko ang mga good luck na sinasabi nila.
Abegail POV
Nagsisisi akong tumakbo pa akong SSG President. Kung hindi ako tumakbo edi sana hindi ako kinakabhan ngayon.
Kasalukuyang iniinterview si Mary ngayon. Ako ang susunod sa kanya. Ano kayang nangyayari sa loob? Mahirap kaya ang mga tanong?
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lumabas si Mary sa pintuan.. Ako ang next.
"Good Luck Abe! You can do it!" pagpapalakas ni Hanna ng loob ko.
Pagkapasok ko ay nginitian ako ni Mira. Sya ang nag iinterview dahil sya ang reigning president.
"Sit down Ms. Kim".
Agad akong sumunod sa kanya. Nagpakawala rin ako ng buntong hininga.
"So.. Abegail Kim. What forced you to run as the SSG President?"
"Maybe I just want to prove that I can manage some works". mabilis kong sagot.
Gusto ko lang mapatunayan na kaya ko ang mga trabaho ng isang President. Gusto ko ng bago. Bagong gawain at trabaho.
"So do you think you are deserving to be the president of SSG?" seryosong tanong nya.
"Yes" sabi ko habang nakangiti.
Medyo nawala na rin ang kaba ko dahil madali lang naman ang mga tanong.
"Do you want me to pass you?" nakangising tanong nya.
"It's your decision Mira". nakangiti parin ako ngunit bumalik yung kaba ko kanina.
"Ok that's all!" sabi nya at sumandal sa inuupuan nya.
"Thank you"
Pagkalabas ko ng silid ay bumuntong hininga ako. Nakatingin silang lahat saakin na para bang nagtatanong.
"SUCCESS!" sabi ko at lahat sila ay nagsi yakap saakin maliban kay Mary na nakangisi lang.
"Psh." -Mary
Sumunod kami at nagtungo syang foodcourt. Nagugutom na rin naman ako kaya bumili na ako. Tumabi ako kay Mary.
"Oh musta?" tanong ko sakanya. Wala man lang kasi siyang ka reareaksyon nung lumabas sya ng room.
"Easy" pagyayabang nya sabay ngiti.
"Ano bang tinanong sayo Mary?" curious na tanong ni Pauline.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...