Chapter 14: Aspiring Mr. and Ms. L.I.V.E University
Hanna POV
Mr. and Ms. L.I.V.E University
Kasalukuyan kong tinititigan ang hawak kong papel na may nakalagay na 'Mr. and Ms. L.U'
Gusto kong sumama pero may side akong ayoko sumama.
"Mukhang interesado ka ah?"
Napatingin ako kay Abe na kasalukuyang umuupo sa aking tabi.
"Sasama si.. nevermind." sabi nya saakin dahilan upang muling sumama ang tingin ko sa kanya.
Alam ko na kung sino ang gusto nyang sabihin.
"What?" natatawang tanong nya saakin.
"Yan ka nanaman sa pang aasar mo" sabi ko sakanya at tuluyan na syang natawa.
"Hindi kita inaasar ah. May sinabi ba akong Kiel? Si Mira at Gabe kasi yung sasabihin ko. Sasama sila Mira at Gabe dyan. Yun ang sasabihin ko. Ikaw a--"
"Ano? Ano ako?" pagputol ko sa sasabihin niya.
"Ikaw ahh sobrang ganda mo." sabi nya sabay ngiti saakin.
Psh.
Minsan talaga nakakapikon na ito si Abe.
Tamayo ako at naglakad palayo sa kanya.
Ano bang pwedeng gawin?
Mula sa malayo ay natanaw ko si Mira at Gabe na masayang nag uusap.
Nilapitan ko sila at kinausap.
"Mira, Gabe."
Tumigil sila sa pagtawa ng bigla akong sumulpot sa gitna nila.
"Hi Hanna. Nasaan sila?" tanong saakin ni Gabe.
"Umalis ako doon dahil puro pang aasar lang naman sila saakin. Nakakainis." Nakabusangot na sabi ko kay Gabe.
"Bakit? Ano bang inaasar nila sayo?" Tanong naman saakin ni Mira.
"Inaasar nila ako dun sa Kiel na yun. Hindi ko naman gusto yun." Sagot ko naman sa tanong ni Mira.
Sabay silang natawa sa sinabi ko.
Wala ba talaga akong kakampi dito? Bakit lahat sila parang nang aasar?"Ok lang yan, Hanna. By the way magpapalista kami as a candidate for Mr. and Ms. L.U. Are you interested?" Tanong muli saakin ni Mira.
"Hanggang kailan ba ang palista doon?" Pabalik na tanong ko sa kanya.
"Ang alam ko hanggang ngayon nalang eh." Sabi naman saakin ni Gabe.
Sasali ba ako?
Mukhang masaya naman eh.
"Sama ka na Hanna. Masaya naman yun eh at saka maganda ka naman.. Pwedeng pwedeng panlaban." Sabi muli saakin ni Gabe.
Hindi na ako nagpapilit sa kanila bagkus ay sumama ako sa kanila upang magpalista.
Nang maisulat na namin ang aming pangalan ay may binigay na papel saamin. Doon makikita ang event at mga kailangan.
"Bakit parang hindi ito pinagkaka abalahan ng mga SSG Officers. Wala yatang ginagawa sila Abe at Mary about this eh." Tanong ko sa dalawang kasama ko.
"Yep. Kasi kahit ang SSG Officers ay pwedeng magjoin. Atsaka hindi naman SSG ang nagpasimula nito kundi mga stuffs and teachers so sila ang mag aayos." Sagot saakin ni Mira
Napatango nalang ako sa sinagot ni Mira at tuminging muli sa papel na binigay.
Hindi ko muna ito binasa hanggang sa humiwalay na ako kila Gabe at Mira at nagtungo pabalik ng dorm.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...