Chapter 31: Transferee
Gabe POV
Paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Lexa?
Nararamdaman kong totoo yun pero hindi ko alam kung dapat pa ba kaming magkabalikan ni Joshua.
Ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko ng maramdaman ang sakit na dinanas ko.
"Ano? Magpapakatanga ka nanaman ba?" Tanong saakin ni Kimberly. Itinuon ko naman ang aking pansin sa libro na hawak ko. Kasama din namin sila Abe, Mary, at Mira.
"Nakipagbreak ka, right? Ikaw ang nagdesisyon nun eh. Kung gagawa ka ng desisyon, panindigan mo." Sabi naman saakin ni Mary.
Patuloy pa rin ang pagbasa ko sa libro na hawak ko. Actually, hindi ako nagbabasa. Tinititigan ko lamang ito.
"Nasaktan rin naman si Josh. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Na sayo na iyan. Kung gusto mo syang balikan, then go. Kung yun ang ikasasaya mo walang makakapigil. Pero if you want to move on already.. Walang magagawa ang kahit na sino maski si Josh." Mahabang sabi ni Mira. Pinipigilan ko ang aking mga luha. Ayaw ko na ipakita ang kahinaan ko kahit sa mga kaibigan ko.
"Gabe? May balak ka bang sumagot?" Tanong ni Abe. Unti unting lumabo ang aking paningin dahil sa mga luhang namuo dito. Hindi ko nanaman napigilan ang aking sarili at agaran nanaman itong tumulo. Humagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko nanaman kinayang maging malakas. Ang hina ko nanaman.
"Sige Gabe, iiyak mo lang yan. Baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman mo." Sabi muli ni Mira saakin.
"Bakit ganun? Ilang beses na akong umiyak.. Hindi eh.. Hindi sya nababawasan. Ilang luha pa ba ang masasayang?" Sabi ko habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.
"Talk to him." Sabi saakin ni Mary.
Kakayanin ko ba kung kakausapin ko sya? I wanna talk to him but im afraid of getting hurt.
"Kung kakausapin mo sya. Malalaman mo ang side niya. Try to listen to his explanation. I know he still loves you. Don't make him suffer." Sabi naman ni Abegail.
"Bes. Sang ayon ako. Kausapin mo sya." Sabi ni Kimberly.
Tumingala ako at pinipigilan ang mga susunod pang mga luha na nais tumulo.
Sige, I'll give him a chance. Second chance. But try to break it, Josh. Hindi hindi mo na ako makikilala sa oras na saktan mo ulit ako.
--------
Alas tres na ng hapon at kumakain ako ng meryenda ng mag isa habang nanunuod ng tv.
Napag isipan ko ang mga sinabi nila kanina. Ang kausapin ko si Josh. Kaya ng napagdesisyunan ko iyon ay agad kong tinawagan si Josh kahit may kaunti pa rin akong kaba na nadarama.
Maya maya daw ay makakarating na sya dito. Hindi talaga mapawi ang sakit ngunit kailangan kong harapin at ipakita sa kanya na hindi ako ganun naapektuhan sa hiwalayan namin.
Muling bumilis ang tibok ng aking puso nang may kumatok sa pintuan. Ito na..
Binuksan ko ang pintuan ng aking dorm at nanlambot ang aking tuhod nang makita ko sya. Pinigilan ko ang umiyak.
"U-uhm.. H-hindi mo lang ba a-ako papapasukin?" Tanong niya saakin at bumalik ako sa realidad.
"Ahh oo nga.. Ahh s-sige p-pasok." Nauutal kong sabi.
No. Be strong. Wag kang iiyak, Gabe. Wag ka kabahan.
"So ano bang pag uusapan natin?" Tanong niya at hindi ako kaagad nakasagot. Tumaas ang kanyang kilay.
"I miss you." Bulong niya ngunit sapat na upang marinig ko. Nangilid ang aking mga luha. Ito na.. Ang kahinaan ko. Kahinaan ko ang makita syang nasasaktan.
"Gabe. Are you crying?" Tanong niya saakin dahil hindi ko nanaman napigilan ang mga luha ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ito. Ang sakit. Pinunasan ko ang aking mga luha at bumuntong hininga.
"Nagkausap kami ni Lexa then pinaliwanag niya saakin ang tunay na nangyari.. " panimula ko.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako pero umamin ka nga. Ano ba talagang nangyari?" Dugtong ko.
"Finally, tinanong mo rin ako. Nalasing ako nung gabing yun. Wala ako sa katinuan. Hindi ko alam lahat. Wala akong alam sa nangyari. Pero.. Paggising ko ng umaga sumagi sa isipan ko na nangyari yun." Paliwanag niya.
Muli akong humagulgol sa sakit.
"Pls Gabe, wag ka ng masaktan. Nasasaktan din ako. I love you, and hindi magbabago yun. I want you back. Pls tell me that you still love me." Sabi niya saakin. Hindi ako nakasagot dahil patuloy pa rin ang aking pag iyak. Habang umiiyak ay niyakap niya ako ng mahigpit at ginantihan ko sya ng mas mahigpit na yakap.
"I loved you. I love you and I will always love you. I want you to be mine forever." Bulong niya saakin. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang gantihan ang mga sinasabi niya dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.
"You don't need to cry. Ang importante.. Mahal kita, Gabe. Can I ask you a question?" Tanong niya saakin at tumango na lamang ako habang pinupunasan ang aking pisngi na basang basa na.
"Can I have a second chance? Can I court you for the second time?" Tanong niya.
Maya maya pa ay natigil na ang aking mga luha sa pagtulo.
"Josh. I still love you. I want you to be mine forever until death. I love you and yes. You can have your second chance." Sabi ko sa kanya at hinalikan niya ako sa pisngi at muling niyakap.
Someone POV
L.I.V.E University
Iyan ang nakasulat sa harapan ng eskuwelahang papasukan ko.
Maganda kaya dito? Balita ko ay napakaraming interesado sa eskuwelahang ito. Bakit hindi? Napakalawak nito. Maganda rin at mahangin. Napakapayapa ng buong lugar.
Naisipan kong pumasok dito upang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Isa pa, gusto kong makita kung totoo ba ang usap usapang maganda ang turo dito.
Wala na akong pamilya. Ang tatay ko ay namatay sa sakit na Lung Cancer samantalang ang aking nanay ay iniwan ako. Walang nag aalaga saakin kahit ang mga auntie at uncle ko. Busy kasi sila at ayaw nila ng pabigat. Nakakaawa talaga ako ngunit lubos akong kahanga hanga dahil kaya kong mabuhay ng mag isa. Kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa at ako lang ang bumubuhay sa sarili ko.
Ako si Caroline Alonzo, ang transferee sa eskuwelahang ito.
Third Person POV
Isang estudyante ang naglalakad lakad sa hallway. Nag iisip at nagpaplano ng susunod niyang hakbang.
Marami syang planong hindi natutuloy. Marami syang naiisip na hindi nya magawa.
Mag isa syang nag iisip isip nang biglang umihip ang napakalakas na hangin.
Maya maya pa ay may lumapit sa kanya. Napangisi siya ng makita kung sino ang lumapit sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Nakangising tanong nito.
"Marami akong plano. Pero hindi ko magawa. Kailangan ko ng tulong." Sabi nito.
"So.. Anong gusto mong mangyari?" Tanong muli ng isa.
"Buti naman bumalik ka na. Ang tagal kitang hinintay. I need your help. Pinagtaksilan kasi ako nung isa." Sabi nitong muli
To ba continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Misterio / SuspensoFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...