Pauline POVHabang tumatakbo, hindi ko mapigilan ang mga luhang kanina pa tumutulo. Nag aalala ako kay Van, demonyo ang mga kaharap niya.
Mabilis akong sumilip sa silid na pinanggalingan namin. Napaluhod ako ng mabigo ako. Van is not here. Wala na sila. Dinala nila si Van.
Agad akong tumayo at nilakasan ko ang aking loob. Hahanapin ko siya. Kailangan ko siyang tulungan at maitakas. Palibot libot ako sa buong building. Bawat silid ay sinisilip ko, umaasang makikita ko si Van. Habang naghahanap ay muling bumagsak ang napakalakas na ulan. Muli akong napaluhod at humagulgol.
It's all my fault. Kung matagal na akong kumikilos, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Edi sana, matagal ko na siyang napigilan.
"Pauline!"
Lumingon ako sa mga kaibigan kong papalapit saakin. Hindi ako sanay na wala si Jhonilyn. Sa ngayon, gusto ko siyang saktan. Gusto kong malaman niya ang galit ko.
"Pauline, ano ka ba naman. Bakit mag isa ka lang sumusugod?" Nag aalalang tanong saakin ni Abegail.
"Ok lang. Tumakas na kayo. Ako na ang bahala tutal kasalanan ko din ito. Iligtas niyo ang sarili niyo." Sabi ko sa kanila ngunit umiling lamang sila. Nakita ko ang mga lalaking nagmamahal sa kanila. Puno din sila ng pag aalala. Hinawakan ko si Abe sa pisngi at nginitian. Tumango naman siya ng makuha niya ang nais kong sabihin. Humarap siya sa mga kaibigan namin at hinila palayo saakin.
Mabuti na rin ito. Ilayo nila ang sarili nila sa impyernong ito.
"Bitawan niyo ako!"
Naalerto ako ng marinig ko ang kanyang tinig. Mabilis akong kumilos at nagtungo sa pinakadulong silid. Nakita ko syang nakagapos at duguan. Sinipa ko ang pintuan ng silid dahilan upang makuha ko ang atensyon nila.
"Oh! Bumalik ang matalino." Sabi ni Mira habang nakangisi. Napansin ko ang hawak niya na kutsilyo. Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob upang harapin siya. Hindi ako nakakaramdam ng takot. Tanging paghihiganti ang aking nais.
"Oo bumalik ako. May nakalimutan kasi ako." Matapang na sabi ko sa kanya. Lumawak ang kanyang mga ngisi.
"Nakalimutan? Ito bang lalaking ito? Aahh.. So sweet." Sarkastikong sabi niya saakin.
"Bukod sa kanya. May isang bagay pa akong nakalimutan. At iyon ay ang patayin ka." Sabi ko sa kanya. Hindi ko kayang pumatay pero sa oras na ito kaya kong gawing posible ang imposible.
Itinulak ko sya ng malakas ngunit hindi siya bumagsak. Nakontrol niya ang kanyang sarili at pabalik akong itinulak. Nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig.
"Pauline! Umalis ka na, please." Sigaw ni Van habang nakagapos parin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Hindi ko sya pwedeng iwan, nadamay lang sya dito.
Hindi ko sya pinansin at muling hinarap si Mira. Sinipa ko ang kanyang binti, napaluhod siya dahil dito. Siniko ko ang kanyang batok dahilan upang mapadapa siya ng tuluyan sa sahig. Sisikuhin ko sanang muli ang kanyang ulo ngunit may humampas sa aking likod. Napahalukipkip ako sa sakit.
"Lakas ng loob ah." Sabi ni Jhoni habang pumapalakpak pa. Naginit ang aking ulo. I hate her. Isa siyang taksil. Ang mga taksil dapat binabasura.
Tatayo sana ako ngunit sinipa niya ang aking tiyan. Napasigaw ako.
"Pauline! Please. Ako nalang ang saktan niyo!" Sigaw ni Van. Nakita kong tumayo si Mira at ngumisi. Lumapit siya kay Van at inihiwa ang kutsilyong hawak niya sa mukha nito.
"Noo! Please. Wag! Ako.. Ako ang saktan niyo." Umiiyak ng sabi ko. Inihagis ni Mira ang kutsilyo kay Jhoni. Hinila ni Jhoni ang aking buhok. Pinunasan niya ang aking luha.
"Dont cry, baby. Atsaka, ano ka ba. Parehas kayong masasaktan." Sabi niya at isinaksak ang kutsilyo sa aking tagiliran. Muli akong humiyaw. Hinila niya ang kutsilyo at ibinaon naman ito sa aking kaliwang binti.
"Pauline!!"
Nakadapa ako sa sahig habang nanlalabo ang paningin. Naaninag kong umiiyak si Van. Lalo akong nasasaktan. Ang kanyang pag iyak ay mas masakit pa sa mga patalim na bumabaon sa aking katawan.
Mula sa likuran ni Van ay nakita ko si Mira na humahalakhak. Tuwang tuwa siyang makita kaming nahihirapan. Nakita kong may hawak siyang palakol.
"P-patayin niyo na ako. Wag niyong saktan si Van." Umiiyak kong sabi ngunit lalo lamang lumakas ang kanyang halakhak na sinundan pa ni Jhoni at Joseph.
Naramdaman kong may umapak sa aking likuran. Alam kong si Jhoni iyon. Hinila niyang muli ang aking buhok at itinapat ang kutsilyo sa aking leeg. Marahan niyang inihiwa ang kutsilyo sa aking leeg. Naramdaman kong may mainit na likidong tumutulo mula dito.
Tinignan kong muli si Van na ngayo'y tinanggal nila sa pagkakagapos. Nakadapa din siya sa sahig. Gumagapang siya patungo sa aking direksyon. Nang tagumpay siyang makalapit ay hinawakan niya ang aking kamay. Lalo akong napaluha at ganoon din siya. Unti unti kaming umupo at hinawakan niya naman ang aking pisngi. Hinalikan niyo ako sa noo.
"Tama na ang drama. Ang dami niyong arte!" Sigaw ni Mira.
Hinila ako ni Jhoni palayo kay Van. Sinusubukan kong magpumiglas ngunit nabibigo ako.
"I love you. Please, tell me that you love me too." Sabi niya saakin.
"I love you too." Sabi ko sa kanya pagkatapos nito ay ang pagbaon ng palakol na kanina pa hawak ni Mira sa kanyang ulo. Napasigaw ako habang umiiyak ngunit nanaig pa din ang lakas na kanilang halakhak. Dahan dahang bumagsak si Van.
"MGA HAYOP KAYO! WALANG AWA! DEMONYO! MASASAMA KAYO! KAYO ANG DAPAT NAMAMATAY!" Sigaw ako ng sigaw dahil sa galit na nararamdaman ko. Nilapitan ko ang bangkay ni Van at marahan itong iniangat. Iyak ako ng iyak hanggang sa may bumaon na patalim sa aking likod. Sunod sunod ang patalim na bumaon dito hanggang sa may lumabas ng dugo sa aking bibig.
Sa sobrang daming patalim na bumaon dito ay naging manhid na ako. Wala na akong nararamdamang sakit kundi sa puso.
Hindi ko na kinaya ang ginawa nila. Hinawakan ko ang kamay ni Van at ngumiti.
Magsasama tayo. Hindi kita iniwan. I love you, Van. Always remember that.
Unti unti akong napabitiw sa kanyang kamay kasabay nito ay ang pagdilim ng aking paningin.
Abegail POV
Pinapatahan ko ang umiiyak na si Hanna. Hanggang ngayon ay iniisip niya padin si Pauline. Naiisip ko sya ngunit galit lang talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang malungkot o mag alala.
"Bakit ba kasi natin siya iniwan. Magtawag na tayo ng teachers." Sabi ni Hanna habang umiiyak.
"Teachers here are nonsense. Hindi nila tayo matutulungan. Anak ng may ari ng school na ito ang makakalaban nila kung sakali. " Sabi naman ni Mary na kalmadong kalmado lang.
"Manghingi tayo ng tulong kay LG Faye." Sabi nanaman ni Hanna.
"Saan natin siya matatagpuan?" Tanong ni Hiro sa aking tabi. Inakbayan niya ako.
"Tawagin natin si LG Faye at harapin natin sila."
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...