Chapter 57

776 15 6
                                    

Chapter 57: Bloody Gymnasium

Kimberly POV

"Aaaahhh!!" Napasigaw ako sa sobrang hapdi. Hindi ko na rin napigilan ang aking mga luha. I hate this. Hindi dapat namin ito ginagawa.
"Yan ang nararapat sayo!" Sigaw ni Rommel saakin na siyang nagbaon ng kutsilyo sa aking binti. Naglakad sya papalapit saakin. Itinutok niya ang kutsilyo sa aking mukha.

"Please. Have pity on me." Nagmamaka awang sabi ko sa kanya. Bahagya siyang natawa.

"At ano? Ako ang mamamatay? Hell no, Kimberly! May kailangan pa akong gawin sa labas ng gymnasium na ito. At iyon ay ang umamin kay Caroline! Kaya hindi ako pwedeng mamatay. Hindi pwede." Sabi niya saakin.

"I have a boyfriend. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Baka magpakamatay siya or what. Ple--"

"Edi magsama kayo. Wala akong pakialam sa boyfriend mo." Sabi niya at itinaas ang kutsilyo. Malapit na ito sa aking mga mata ngunit may pumigil sa kanya.

"Don't kill my bestfriend." Sabi ni Gabe kay Rommel. Siniko siya ni Rommel sa dibdib dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Muli siyang humarap saakin.

"You're evil!" Sabi ko kasabay nito ay ang pagbaon ng kutsilyo sa aking kanang mata. Walang tunog na lumabas sa aking pagsigaw.

"Kill me! Patayin mo na ako! Wag mo na akong pahi---. " Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad niyang ibinaon ang kutsilyo sa aking noo.

"Kimberly!"

Rest In Peace to myself

Adonijah POV

Pinipigilan ko ang pag agos ng dugo mula sa aking tagiliran. Walang hiyang, Siah. Napakabilis sumugod.

"O ano? Lalaban ka pa ba?" Natatawang tanong niya saakin. Syempre, anong tingin niya saakin? Duwag. Tss. Ibahin niya ako sa mga nauna niyang nakalaban.

Inalis ko ang aking kamay sa aking tagiliran. Paika ika man ay sumugod padin ako sa kanya. Malakas niya akong itinulak bago ko pa man sya malapitan ng tuluyan. Nanlisik ang aking mata. Kala niya napakalakas niya? Hindi. Hindi siya malakas.

"Aaahhh!!" Napatingin kami ng tumili si Gabe habang umiiyak. I cant believe this. Napatay niya si Rommel.
Ang kaibigan ko. Tss. Kaibigan? Nahihibang na ba ako?

Tumayo ako upang harapin siyang muli. Nanginginig ang aking mga kamay sa gigil. Handang pumatay kahit na ano mang oras.

Sa totoo lang, hindi ako ganito kasamang tao. Kaso sa ganitong pagkakataon, naisip ko ang aking pamilya pati na rin si Kezaiah. Naiisip kong.. Paano nalang kung mawala ako? Mabait ako pero hindi ngayon. Kailangan kong magpakademonyo. Kailangan ako ng pamilya ko. I can do it.

Diyos ko, patawarin niyo po ako. Kailangan ko itong gawin. Ang pamilya ko at si Kezaiah, mahal ko sila at hindi ko sila pababayaan. Kayo na po ang bahala saakin. Salamat.

"O anong ginagawa mo? Mamatay ka na, nakatanga ka padin diyan?" Sigaw ni Siah saakin. Napansin kong nanginginig na din ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung dahil saan. Kung dahil ba handa na rin siya o natatakot siya.

"Woow! Walang balak sumugod? Baka gusto mong ako na ang maunang sumugod sayo at bumagsak ka nanaman diyan? Mahina ka kasi." Sabi niya na animo'y natutuwa pa. Tinignan ko ang hawak kong kutsilyo. Bigla akong nanghina. Napaluhod ako ng kumirot ang aking sugat. Hindi ko namalayang tumulo na ang aking mga luha.

Ano ka ba Jah. Nakapatay ka na, ngayon ka pa ba susuko?

Hindi ko na yata kakayanin pang pumatay. Tumingin ako sa paligid. Bloody Gymnasium. Ang mga kaklase kong dugan at walang malay.

Tinignan ko ang bangkay ni Paula. Im sorry, Paula. Napaka selfish ko. Nagtuloy tuloy ang aking pag iyak. Ang tunog ng aking hagulgol at ang halakhak ni Siah ang kasalukuyang umaalingawngaw sa Gymnasium.

Nang medyo nakatahan na ako ay narinig ko ang kanyang mga yapak na papalapit.

"Say Goodbye, Jah. Mukhang sumuko ka na." Sabi niya. Napapikit ako ng itaas niya na ang kutsilyong hawak niya.

3 2 1

Dahan dahan akong dumilat. Nanlaki ang aking mata ng makita si Siah na nakahandusay sa sahig at may saksak sa likod.

"Gabe?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak siya sa isang sulok.

"No! Anong ginawa ko? H-hindi ko sya pinatay. Maniwala ka.. H-hindi ako mamamatay tao."

Mira POV

Nagiinit ang aking ulo sa tuwing tinitignan ko si Mary. Kasalukuyan siyang nakagapos at natutulog.

Naiinis ako sa tuwing naiisip kong halos patayin niya na ako kanina. Wala siyang karapatang patayin ako. Isa lang naman siyang transferee na walang alam at duwag. Sa eskuwelahang ito, ako lang ang matapang. Ako lang at wala ng iba.

Tumayo ako at sumilip sa bintana ng silid na ito. Nakakainip ng maghintay.

Nasaan na ba yung inutusan kong dalhin ang mga walang kwentang kaibigan nito dito.

Sabay sabay ko silang papatayin. Sabay sabay ko silang pahihirapan. Sila ang sumira ng pagbabagong buhay ko. Mamamatay sila.

Muli akong umupo at binuksan ang aking kuwaderno. Pagkabukas ko nito ay may nahulog na litrato. Pinulot ko ito at tinitigan. Napangiti ako ng makita ang maamong mukha ng lalaking pinapangarap ko.

Alexander Carl Ezekiel Madrid

Matagal na simula ng mabihag mo aking paningin. Araw araw kitang sinusundan. Napakasungit mo nga at parang mainit ang dugo mo sa mga babae. Madalas kong pangarapin na sana ako ang babaeng mamahalin mo. Ako sana ang kaunaunahang babae na makakapagpalambot ng iyong puso.

Nawala ang ngiti sa aking labi ng may bigla akong maalala.

Simula ng dumating si Hanna Park. Nagbago ang lahat. Nagdulot ito ng labis na galit saakin. Ang babaeng nagustuham ni Kiel. Ang babaeng umangkin ng puso ng taong mahal ko na dapat na saakin. Siya ang hadlang saamin.

Sa tuwing sinusundan kita, nasasaktan ako. Naisipan kong itago ka sa pangalang Kurt para hindi nila malaman na ang taong inaasar nila kay Hanna ay siyang nagpapatibok ng aking puso.

Nilukot ko ang litratong hawak ko. Sawa na ako. Ayaw ko ng magmahal. Hindi ko na alam ang salitang pagmamahal.

Papatayin ko kayo

Mary POV

Nanlalabo ang aking paningin. Nasaan ako at bakit ako nakagapos?

Bigla kong naalala ang paghaharap namin ni Mira. Walang hiya siya. Anong gagawin niya? Papatayin niya ako?

"Gising ka na pala." Nakangiting sambit niya saakin. Ang kanyang ayos ay parang normal na araw lang ito. Ang kanyang ngiti ay ang araw araw niyang pinapakita saamin kahit hindi naman totoo.

Hindi ako makapagsalita dahil may busal din ang aking bibig.

"Wait lang ha! May pupuntahan lang ako. Nakalimutan ko yung palaro ko kanina. Icocongratulate ko lang yung nanalo." Sabi niya at lumabas ng silid. Anong palaro? Ano nanamang ginawa niya?

To be continued

L.I.V.E UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon