Chapter 44: Your Baliw
Pauline POV
What's new?
Wala parin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalagap ng impormasyon sa mga nangyayari.
Gumagawa ng paraan ang mga SSG Officers para mahuli ang killer pero imposibleng mahuli nila ang pumapatay sa ganoong paraan.
Paano kung magpanggap ng taong iyon?
Ang hirap. Ang hirap ng ginagawa namin.
"Ano bang kailangan mo hija? Wag ka ng mahiya.. " Sabi saakin ng Lady Guard.
Sa totoo lang, hindi ko kakayanin kung mag isa ko lang. Kailangan ko ng katulong sa paghahanap ng impormasyon at ang napili ko na alam kong mapagkakatiwalaan ay ang Lady Guard ng eskuwelahan namin. Alam kong mahusay sya kahit isa lamang syang Guard.
"May favor po kasi ako." Sabi ko sa kanya. Nangunot naman ang kanyang noo.
"Ano yun?" Tanong niya. Mas lumapit pa ako sa kanya para walang makarinig saamin.
"Uhmm. Manghihingi po ako ng tulong. Tulungan niyo po akong lumagap ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari." Sabi ko at lalong nangunot ang kanyang noo.
"TADA!!!"
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Baliw mula sa aking gilid. Anong ginagawa nito dito? At.. Narinig niya kaya ang sinabi ko?
"K-kanina ka pa nandyan?" Mabilis na tanong ko sa kanya at ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"Kanina pa. Sinundan kita actually." Sagot niya habang napakalawak padin ng ngiti.
"N-narinig m-mo ba ang sinabi ko?" Nauutal kong sambit.
"Syempre. Nanghihingi ka ng tulong kay LG Faye para malaman mo kung sino ang pumapa---"
Tinakpan ko ang bunganga niya dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Natatakot akong baka may makarinig.
"Mmmmmm." Pagpupumiglas niya. Nanatiling nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Maya maya pa'y buong pwersa niyang tinanggal ang pagkakatakip ko.
"Ano ba Pauline? Chancing ka ah!!!" Sigaw niya saakin.
"Asa. Ang ingay mo." Pabulong na sabi ko sa kanya. Nakakainis, ang ingay niya.
"E tinanong mo ako eh? Anong gusto mong gawin ko?!" Muling sigaw niya habang nakanguso.
"Sshh. Manahimik ka nga. Pwede mo namang ibulong ang sagot mo diba? Bwisit." Sabi kong muli. Lumapit sya saakin at inakbayan ako.
"Opo mam" pabulong na sabi niya. Hinampas ko ang kamay niya. Kainis, baka sirain niya ang mga plano ko.
Muli kong tinignan si LG Faye at nakangiti sya saaming dalawa. Ngiti na nang aasar.
"Sorry LG Faye. Baliw lang talaga yan." Sabi ko sa kanya.
"Oy sorry na kung galit ka, hehe." Sabi niya. Inirapan ko sya. Laking gulat ko ng bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay. Hinila ko ang aking kamay at tinaasan siya ng kilay.
"Hehe." Muling ngiti niya.
"Bagay kayo." Napalingon kami kay LG Faye na biglaang nagsalita.
"Alam ko"
"Hindi ah!"Nagkatinginan kami ni Baliw ng sabay kaming magsalita. Ang kanyang nakakalokong mga ngiti ay napalitan ng napakaseryosong mukha.
Hindi ko maalis ang aking paningin sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mata.
Maya maya ay bigla syang ngumiti. Ngiting matamis at hindi katulad ng kanyang mga ngiti kanina. Ibang iba.
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...