Chapter 45: Falling In Love with Stupid Girl
Jezreel POV
It's time.
Oras na para hindi maging torpe. Oras na para umamin sa babaeng matagal ko ng pinapangarap.
Kinakabhan man ay naligo ako at inayos ang aking sarili. Kailangan kong maging maayos sa kanyang paningin.
"Jez!! Nandyan ka ba?"
Binuksan ko ang pintuan ng marinig ang pamilyar na boses.
"O! Clyde, ikaw pala. May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ang kabuuan ko na tila manghang mangha.
"Ayos na ayos tayo pare ah! Ano meron?" Tanong niya saakin.
Isasara ko na sana ang pinto ngunit itinulak niya ito.
"Masyado ka namang nagmamadali, pare. Hindi ko pa nga nasasabi ang pakay ko." Muling sabi niya habang nakangisi.
"Wala akong oras para makipag biruan, Clyde. Busy ako." Sagot ko na lalong ikinalawak ng kanyang mga ngisi.
"Tss. Bahala ka. Sige, gawin mo na ang gusto mong gawin. Enjoy mo yan! Baka bukas, wala ka na." Sabi niya at tuluyang umalis.
Iyon din ang iniisip ko. Lagi nalang may namamatay. Paunti kami ng paunti.
Nais kong habang nabubuhay pa ako, maamin ko kay Cheska ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
Inayos kong muli ang aking sarili at nagtungo sa dorm ni Cheska.
"You can do it" bulong ko sa aking sarili.
Itinaas ko na ang aking kamay at mahinang kumatok sa pintuan ng kanyang dorm.
Cheska POV
I hate it, I hate it, I hate it.
Who the hell is him to hurt me? He's just a nonsense man that existed in this nonsense world.
Ibinato ko ang phone ko sa higaan ko at nagbihis. Wala ng kwenta ang mga kausap ko sa phone. Lahat sila, mga wala ng pakinabang.
Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking mahaba at straight na buhok ng may kumatok sa pintuan.
Ang aga aga, nang iistorbo.
"What do you need? Are you here to disturb me? Sorry I--"
"I'm here to confess."
Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla syang magsalita.
Jezreel Gomez, what are you talking about?
Nangunot ang aking noo sa sinabi niya. Nguniti sya saakin at hinawakan ang aking kamay.
"Ew. Don't you dare touch my beautiful hand. It doesn't fits to yours." Sabi ko matapos hilahin ang aking kamay.
"Sorry." Ang tanging nasabi niya at yumuko dahil sa kahihiyan.
"So what do you need? Faster, Jezreel. You're wasting my time." Iritang sabi ko sa kanya.
"Imposible." Bulong niya nguniy sapat para marinig ko.
"Anong imposible?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko parin sya. Unti unti niyang inangat ang kanyang ulo at tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Alam kong alam mo." Muling sabi niya. Gulong gulo na ako.
"Alam mong alam ko ang ano?" Tanong kong muli. Isa pa talaga, hindi ko sya magets.
"My feelings. Alam mo naman diba? Matagal ko ng sinasabi yan pero noon sa pabirong paraan. Ngayon, sinasabi ko sayong mahal na mahal kita sa seryosong paraan. I love you, Cheska. And I'm hoping that you feel the same way. " mahabang sabi niya saakin. Akala ko, hindi totoo. Akala ko noon pinaglalaruan niya lang ako.
Pero kahit na minsan, wala akong naramdaman. Hindi ako nahulog sa kanya. Hindi ko sya nagustuhan. I don't know why but I need to be honest. I don't like him and he must accept the truth.
"I'm sorry but you can't force someone to feel the same as you feel for them. Pwede ka ng umalis." Sabi ko dahilan upang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Sinundan ko sya ng tingin habang unti unti syang lumalayo saakin.
Hindi maaari
Kailangan ko syang sundan.
Kailangan kong bawiin ang mga sinabi ko.Hindi sya pwedeng masaktan.
May pag asa naman sya eh. Naging kaibigan ko sya at minahal ko sya bilang kaibigan. Alam kong malaki ang chance na mahalin ko sya ng totoo.
Bakit ko ba sinabi yun?
Tatakbo na sana ako ng biglang may tumawag saakin.
"Cheska!!"
Lumingon ako sa malayo at nakita ko si Abegail na patungo sa aking direksyon.
"What?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"We need you."
Kiel POV
Ang dami namang papel sa table ko. Mga kalat lang ito eh.
"Kiel, ano yan?" Tanong ni Monica na kasalukuyan kong kasama dito sa SSG Office. Lumingon din si Mary saakin.
"Mga details ito mula sa mga estudyanteng nakausap natin." Sagot ko.
"Ang tagal naman ni Abe.." Pagrereklamo ni Mary.
Tinawag niya ang susunod na estudyanteng kakausapin namin ngayon. Si Cheska Irbilnaz.
"Yung babaeng yun, ang bagal kumilos." Naiinis na sabi ni Mary.
Napangiti ako sa inasta niya. Kahit ganyan sila, mahalaga sa kanila ang pagkakaibigan. Talagang sila sila lang ang nagtuturingan na magkakaibigan sa klase nila.
Nakakatuwa na kabilang si Hanna doon.
That girl always making me happy. Hindi ko alam kung bakit but she's damn special for me.
"Guys. Nandito na si Cheska." Sabi ng karatating lang na si Abe kasama si Cheska.
Pinaupo namin sya sa bakanteng upuan. At nagsimulang magtanong. Wala syang kainteres interes sa mga sinasabi namin.
"The killer is them. Ikaw, ikaw, si Hanna, si Pauline, at si Jhoni. Hindi ko nga alam kung paano niyo kami napapa ikot. Wala kayong karapatan para sumama sa SSG dahil hinahanap niyo lang naman ang sarili niyo diba? Kanina.. Nung lumapit ka saakin Abe.. Akala ko katapusan ko na." Mahabang sabi niya kay Abe at Mary.
Hindi ko alam kung dapat ko ba syang paniwalaan. Ang dami niyang sinabi, mukhang malaki ang galit niya.
"Aalis na ako." Sabi nito habang masama padin ang tingin sa dalawa. Nang tuluyan na syang makalabas ay narinig ko ang iyak ni Abe sa isang gilid. Nilapitan siya ni Mary at Monica upang patahanin.
Lumabas ako ng SSG Office at naglakad lakad sa hallway. Mukhang matatagal pang patahanin si Abe.
"Kiel." Lumingon ako sa nagsalita mula sa aking likod.
Si Hanna.
"Nasaan sila Abe at Mary?" Tanong niya saakin. Nginitian ko sya at ginantihan niya naman ako ng isa ding ngiti.
"Umiiyak si Abe dahil kayo ang sinisisi ni Cheska sa nangyayari. Nasa SSG Office sya." Sagot ko sa tanong niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa ko.
"Puntahan mo sya, patahanin mo sya." Sabi ko sa kanya. Agad naman syang tumango at tumakbo palayo saakin.
Hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong mapangiti.
Why are you always making me smile? Am I getting crazy?
I'm crazily falling inlove with that stupid girl
To be continued
BINABASA MO ANG
L.I.V.E University
Mystery / ThrillerFive new students will awake the curse that had been gone for a long time. One wrong move.. EXPECT YOURSELF IN UNBEARABLE PAIN and reminisce all the good memories in your life because once you've known her secrets, get ready to face your death. So...